PJS, Mateo 3:24–26 (ihambing sa Mateo 2:23)
(Inilarawan ang kabataan at pagkabata ni Jesus.)
24 At ito ay nangyari na, na si Jesus ay lumaki kasama ng kanyang mga kapatid, at lumakas, at hinintay ang Panginoon sa pagdating ng panahon ng kanyang ministeryo.
25 At siya ay naglingkod sa pangangasiwa ng kanyang ama, at hindi siya nangungusap nang tulad ng ibang tao, ni ang kailangan siyang turuan; sapagkat hindi siya kinakailangang turuan pa ng sinumang tao.
26 At makalipas ang maraming taon, ang panahon ng kanyang ministeryo ay nalapit na.
PJS, Mateo 3:43–46 (ihambing sa Mateo 3:15–17)
(Bininyagan ni Juan si Jesus sa pamamagitan ng paglubog sa tubig.)
43 At sa pagtugon, sinabi ni Jesus sa kanya, Payagan mong ako ay binyagan mo, sapagkat sa gayon natin nararapat tupdin ang buong katwiran. Nang magkagayon ay kanyang pinayagan siya.
44 At lumusong si Juan sa tubig at bininyagan siya.
45 At nang mabinyagan si Jesus, pagdaka ay umahon sa tubig; at nakita ni Juan, at narito, nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at tumahan kay Jesus.
46 At narito, narinig niya ang isang tinig na nagmumula sa langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan. Pakinggan mo siya.