PJS, Mateo 4:1, 5–6, 8–9 (ihambing sa Mateo 4:1, 5–6, 8–9; gayon ding mga pagbabago ang ginawa sa Lucas 4:2, 5–11)
(Si Jesus ay inakay ng Espiritu, hindi ni Satanas.)
1 Nang magkagayon ay inakay ng Espiritu si Jesus sa ilang, upang makasama ang Diyos.
5 Nang magkagayon ay dinala si Jesus sa bayang banal, at inilapag siya ng Espiritu sa taluktok ng templo.
6 Sa gayon ang diyablo ay lumapit sa kanya at nagsabi, Kung ikaw ang anak ng Diyos, magpatihulog ka: sapagkat nasusulat, Ihahabilin ka niya sa kanyang mga anghel: at aalalayan ka ng kanilang mga kamay, at baka ka matisod sa bato.
8 At muli, si Jesus ay napasa-Espiritu, at dinala siya nito sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kaluwalhatian nito.
9 At ang diyablo ay muling lumapit sa kanya, at nagsabi, Lahat ng ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin.
PJS, Mateo 4:11 (ihambing sa Mateo 4:11)
(Nagsugo si Jesus ng mga anghel na maglilingkod kay Juan Bautista.)
11 At ngayon napag-alaman ni Jesus na si Juan ay itinapon sa bilangguan, at nagsugo siya ng mga anghel, at, masdan, sila ay nagsidating at naglingkod sa kanya.
PJS, Mateo 4:18 (ihambing sa Mateo 4:19)
(Nangusap ang mga propeta sa Lumang Tipan ng tungkol kay Jesus.)
18 At sinabi niya sa kanila, Ako nga ang siyang isinulat ng mga propeta; magsisunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mga mangingisda ng tao.
PJS, Mateo 4:22 (ihambing sa Mateo 4:23)
(Pinagaling ni Jesus ang mga tao na mga yaong naniniwala sa kanyang pangalan.)
22 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga, at ipinangangaral ang ebanghelyo ng kaharian; at pinagagaling ang lahat ng uri ng sakit, at ang lahat ng uri ng karamdaman ng mga taong naniniwala sa kanyang pangalan.