Lingguhang YA
4 na Katotohanan sa Doktrina na Tutulong para Madaig ang Kawalan ng Pag-asa
Enero 2024


Digital Lamang

4 na Katotohanan sa Doktrina na Tutulong para Madaig ang Kawalan ng Pag-asa

Ang pag-aaral tungkol sa mga pagsubok nina Josue at Joseph Smith ay makakatulong na malampasan natin ang sarili nating mga pagsubok.

si Joseph Smith sa Liberty Jail

Nang utusan ang propetang si Josue na akayin ang mga anak ni Israel papunta sa lupang pangako, nalula siya sa dami ng gawaing naghihintay sa kanya.

Sumagot ang Panginoon sa kanyang kawalan ng pag-asa, na sinasabing, “Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manlupaypay; sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay kasama mo saan ka man pumaroon” (Josue 1:9).

Nang mabilanggo si Propetang Joseph Smith sa Liberty Jail, nawalan siya ng pag-asa dahil sa kakila-kilabot na pag-usig sa mga Banal.

Sagot ng Panginoon:

“Aking anak, kapayapaan ay mapasaiyong kaluluwa; ang iyong kasawian at ang iyong mga pagdurusa ay maikling sandali na lamang;

“At muli, kung ito ay iyong pagtitiisang mabuti, ang Diyos ay dadakilain ka sa itaas; ikaw ay magtatagumpay sa lahat ng iyong mga kaaway” (Doktrina at mga Tipan 121:7–8).

Pinanatag din ng Panginoon si Joseph sa pagsasabing:

“Alamin mo, aking anak, na ang lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti.

“Ang Anak ng Tao ay nagpakababa-baba sa kanilang lahat. Ikaw ba’y nakahihigit sa kanya?” (Doktrina at mga Tipan 122:7–8).

Kapwa kina Josue at Joseph, inalis ba ng Panginoon ang mga problema ng mga propetang ito? Hindi. Sa halip ay ibinahagi Niya ang mga katotohanang ito sa doktrina:

  • Ang ating Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay kasama natin palagi.

  • Kapag tiningnan nang may walang-hanggang pananaw, lilipas ang ating mga pagsubok.

  • Ang ating mga pagsubok ay magbibigay sa atin ng karanasan.

  • Lubos at ganap tayong nauunawaan ni Jesucristo at ang pinagdaraanan natin.

Kailan man tayo mawalan ng pag-asa, maaari tayong magdasal sa ating Ama sa Langit na tumanggap ng patotoo tungkol sa mga katotohanang ito sa doktrina sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Alamin ang iba pa tungkol sa pagharap sa kawalan ng pag-asa sa bahaging “Kalusugan ng Pag-iisip” ng resources sa Tulong sa Buhay sa Gospel Library.