Lingguhang YA
Pagsasakatuparan ng mga Mithiin sa Pamamagitan ng Biyaya ni Cristo
Enero 2024


Digital Lamang

Pagsasakatuparan ng mga Mithiin sa Pamamagitan ng Biyaya ni Cristo

Ang paghingi ng tulong sa Diyos ay nagtutulot sa atin na maging higit na katulad ni Jesucristo sa ating pang-araw-araw na buhay.

isang babaeng nagsusulat sa journal

Si Jesucristo ay isang perpektong halimbawa ng paglago.

“Hindi niya tinanggap ang kaganapan sa simula, subalit nagpatuloy nang biyaya sa biyaya, hanggang sa tanggapin niya ang kaganapan;

“At sa gayon siya tinawag na Anak ng Diyos, sapagkat hindi niya tinanggap ang kaganapan sa simula” (Doktrina at mga Tipan 93:13–14).

Maaari tayong magtagumpay sa pagsunod sa Kanyang halimbawa sa pamamagitan ng ating mga gawa at biyaya ni Cristo.

Kabilang sa biyaya ang nagbibigay-kakayahang kapangyarihan at lakas na nagmumula kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. “Ang pangunahing ideya ng salita ay dakilang paraan ng pagtulong o lakas, na ibinigay sa pamamagitan ng saganang awa at pagmamahal ni Jesucristo.”1

Bahagi ng plano ng Ama sa Langit para sa atin ang matuto at lumago “nang biyaya sa biyaya,” hanggang sa tayo ay maging ganap kay Cristo (tingnan sa Moroni 10:32).

Habang sinisikap nating isakatuparan ang ating mga mithiin na maging higit na katulad ni Jesucristo, dapat natin Siyang isali at umasa tayo sa Kanya para magkaroon ng higit na lakas, kapangyarihan, at kagalakan.

Alamin ang iba pa tungkol sa pagtatakda ng mga mithiin mula sa mga turo kamakailan ng mga propeta at apostol sa social media o sa Mga Bata at Kabataan sa Gabay na Aklat ng mga Kabataan.

Mga Tala

  1. Bible Dictionary, “Grace.”