Layunin
Matuto ng mga pangunahing kasanayan sa woodworking. Masaya ito, at magiging mas self-reliant ka!
Iminumungkahing Aktibidad
Magdaos ng isang hands-on aktibidad para matuto ng mga pangunahing kasanayan sa woodworking. Maghanap ng isang taong alam kung paano gamitin ang mga karaniwang hand tool—tulad ng martilyo, lagari, at distornilyador o screwdriver—at hilingin sa kanya na ipakita ang paggamit ng mga ito. Gamit ang mga kagamitan sa woodworking na ipinakita ng eksperto kung paano gamitin, gumawa ng isang simpleng bagay mula sa kahoy, tulad ng isang istante, tuntungan, o kuwadro.
Mamamangha ka kung gaano karami ang magagawa mo sa paggamit ng mga karaniwang kagamitang ito. Magsimula sa mas madaling proyekto at tingnan kung ano ang magagawa mo.
Kapag pinlano mo ang aktibidad na ito, sundin lamang ang tagubilin na ibinigay sa kabanata 13 ng Handbook 2: Administering the Church (2010) at pag-aralan ang “Mga Rekomendasyon sa Kaligtasan para sa mga Aktibidad ng Simbahan.”
Mangyaring iakma ang mga aktibidad kung kinakailangan para matiyak na makasali, mapabilang, at makapag-ambag ang lahat ng indibiduwal.
Mga Ideya sa Pag-aakma
- Anyayahan ang isang taong marunong sa pagpulido ng mga proyekto para maipakita ang pagliliha, pagbabarnis o pagpipintura para maprotektahan ang kahoy, at iba pang mga paraan sa pagpupulido ng mga proyekto. Kapag maayos na natapos ang mga proyekto, lalong gaganda at magtatagal ang mga ito.
- Anyayahan ang isang eksperto na magtuturo at magpapakita sa iyong grupo kung paano gamitin ang iba’t ibang mga kagamitang de-kuryente o power tool gaya ng lagaring-bilog [circular saw], makinang panlalik [lathe] o, sander, o barena. Tiyaking sundin ang iminungkahing mga gabay sa kaligtasan para sa paggamit ng mga kagamitang de-kuryente o power tool.
Talakayan
Hikayatin ang mga kabataan na sabihin kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang mga bagay na natutuhan nila para mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang mga talakayan ay maaaring gawin bago, habang gumagawa, o pagkatapos ng aktibidad at dapat ilang minuto lang ang itagal. Maaari mong itanong ang tulad ng sumusunod:
- Sa palagay ninyo, bakit mahalaga na matuto ng mga bagong kasanayan, tulad ng woodworking?
- Paano makatutulong ang pag-aaral ng isang bagong kasanayan sa paglilingkod ninyo sa isang tao?
- Ano ang ibig sabihin ng maging self-reliant?
- Paano ninyo magagamit ang isang kasanayan para kumita?
Mga Kaugnay na Sanggunian o Resources
- “Pagtatrabaho at Pag-asa sa Sariling Kakayahan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), 40–41