72-Hour Emergency Kit
Gospel Living

Aktibidad: Paghahanda para sa mga Emergency

08/13/20 | 1 min basahin

Layunin

Pag-aralan at gawinnullang mga kasanayan sa pagiging handa na tutulong sa iyo na matugunan ang sarili mong mga pangunahing pangangailangan at matulungan ang iba sa oras ng emergency.

Iminumungkahing Aktibidad

Kausapin ang mga bata tungkol sa iba’t ibang uri ng emergency na malamang na mangyari sa inyong lugar, tulad ng sunog sa bahay, napakalaking sunog (wildfires), bagyo, buhawi, lindol, o pagbaha. Maging maingat sa pagtalakay para hindi matakot ang mga bata, tandaan, “Kung kayo ay handa kayo ay hindi matatakot” (Doktrina at mga Tipan 38:30).

Bilang grupo, isadula kung paano tutugon sa iba’t ibang emergency. Halimbawa:

  • Pahigain ang mga bata at pagkunwariin silang natutulog. Isa sa mga lider o mga bata ay magsasabi ng, “May sunog!” Tatayo ang lahat ng bata at iaarte ang gagawin nila para makalabas ng bahay: lumakad, huwag tumakbo; huwag magdala ng kahit anumang gamit; gumapang sa sahig kung may usok; makipagkita sa pamilya sa labas ng bahay.
  • Paupuin ang mga bata sa mga silya at magkunwaring nasa paaralan sila. Isa sa mga lider o mga bata ay magsasabi ng, “Lumilindol!” o “May buhawi!” Isasadula ng lahat ng bata ang mga ginagawa sa kanilang komunidad sa oras ng emergency: humanap ng ligtas na lugar; manatili sa tabi ng inyong mga guro; manatili sa paaralan hanggang sa dumating ang mga magulang.
  • Sabihin sa mga bata na magkunwaring naglalaro sa bahay. Isa sa mga lider o mga bata ay magsasabi ng, “Lumikas sa loob ng limang minuto!” Susundin ng mga bata ang mga pangunahing ginagawa sa oras ng emergency: manatiling mahinahon; kunin ang emergency kit o mga suplay (tingnan ang pag-aangkop); magsapatos; makipagkita sa pamilya sa labas ng bahay.

Ipauwi sa mga bata ang listahan ng mga tanong na makatutulong sa kanilang pamilya na maghanda para sa iba’t ibang uri ng emergency. Halimbawa:

  • Paano natin makakausap ang isa’t isa kung hindi tayo magkakasama?
  • Saan tayo pupunta kung nasira o nawasak ang bahay natin?
  • Saan ang mga lugar na itinalaga nating pagtitipunan? Saan tayo magkikita kung magkahiwalay tayo?
  • Anong pagkain at tubig ang mayroon tayo kung kailanganing manatili tayo sa ating tahanan?
  • Saan natin itinatabi ang ating mga emergency kit o mga suplay?
  • Kailangan ba nating mag-update o kumuha ng mga bagong emergency kit o suplay?

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na makakasali, makakabilang, at makakatulong ang lahat.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Maraming emergency na kinakailangang lumikas o lisanin ng mga pamilya ang kanilang mga tahanan. Sabihin sa mga bata na ilista kung ano ang maaaring kakailanganin nila sakali mang dapat na nilang lisanin kaagad ang kanilang mga tahanan. Ituro kung paano maghanda ng emergency kit. Kung maaari, magdala ng isang emergency kit at ipaliwanag kung bakit iba’t ibang bagay ang kasama rito at paano ginagamit ang mga ito.
  • Sa ilang emergency, maaaring manatili sa kanilang tahanan ang mga pamilya pero baka wala silang kuryente, gas, o tubig sa gripo. Bilang grupo, magluto ng simpleng putahe gamit lamang ang mga gamit, kasangkapan, at imbak na pagkain na makukuha sa ganitong uri ng emergency. (Isaalang-alang ang anumang allergy sa pagkain.)
  • Ituro sa mga bata kung paano gumawa ng isang simpleng matitirahan na yari sa trapal o kumot at lubid. Turuan sila kung paano gumawa ng iba’t ibang buhol para hindi makalag ang lubid.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para maging mas malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring gawin ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat tumagal lamang nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Sa palagay ninyo, bakit itinuro sa atin ng mga propeta na maghanda para sa mga emergency?
  • Paano tayo matutulungan ng pagsunod kay Jesucristo sa paghahanda at pagharap sa mga emergency?

Kumilos

Subukang gawin ang aktibidad na ito kasama ang iyong pamilya, klase, korum, o mga kaibigan.
Mga Komento
0