Layunin
Makapaglilingkod ba kayo nang pitong araw na sunud-sunod? Ang paglilingkod araw-araw sa loob ng isang linggo ay magpapasigla sa inyong mga pinaglilingkuran at tutulungan kayong maging mas katulad ni Cristo.
Iminumungkahing Aktibidad
Panoorin ang video na “Seven Days of Service” nang magkakasama. Bilang isang grupo, mag-isip ng mga paraan—kapwa malaki at maliit—para mapaglingkuran ang inyong pamilya, mga miyembro ng ward, at komunidad nang araw-araw sa susunod na linggo. Maaari kayong humingi ng mga karagdagang mungkahi sa priesthood quorum o mga lider ng Relief Society sa inyong ward o branch (gawin ito nang maaga, kung kinakailangan). Maaari rin kayong makahanap ng mga oportunidad na makapaglingkod sa inyong lugar sa JustServe.org. Magplano kung paano makapaglilingkod ang inyong grupo araw-araw sa susunod na pitong araw.
Magplano ng mga oportunidad na maglingkod na mapagsisikapan ninyo bilang indibiduwal at bilang grupo sa susunod na linggo. Halimbawa, magplano muna ng ilang oportunidad na maglingkod na maaari ninyong gawin bilang isang grupo. Pagkatapos ay sabihin sa bawat miyembro ng grupo na gumawa ng listahan ng karagdagang mga ideya sa indibiduwal na paglilingkod na magagawa nilang mag-isa. (Tiyakin na ang mga proyektong paglilingkod na nakaiskedyul sa araw ng Linggo ay angkop sa Sabbath.)
Maaaring isama sa mga ideya ng posibleng indibiduwal na paglilingkod ang mga sumusunod:
- Magsulat o gumuhit ng maiikling pasasalamat sa mga kapamilya o lider ng ward o branch para sa mga paraan na pinaglilingkuran at pinagpapala nila ang inyong buhay. Kapag tapos na ang maiikling sulat, ipadala ang mga ito.
- Magbigay ng tapat na papuri sa isang tao.
- Mag-post sa social media ng isang bagay na nagpapasigla o nagbabahagi ng mensahe ng ebanghelyo.
- Tumulon sa isang taong nangangailangan ng kaibigan.
Maaaring isama sa mga ideya ng posibleng paglilingkod ng grupo ang mga sumusunod:
- Mag-organisa ng mga team para linisin ang basura sa inyong barangay.
- Mangolekta ng mga gamit para sa mga miyembro ng inyong komunidad at ihatid ang mga ito sa mga lokal na kumpanya o ospital na maibibigay ang mga ito sa mga taong nangangailangan. (Tiyaking suriin ang mga listahan ng mga hinihiling na donasyon ng mga partikular na organisasyon bago mangolekta ng mga gamit na ipamimigay!)
- Bisitahin ang mga pasyente sa isang ospital.
- Maghanda at maghatid ng pagkain sa isang taong maysakit.
- Magtipon ng mga gamit para gumawa ng mga emergency preparedness kit, at pagkatapos ay ihatid ang mga nakumpletong kit sa mga miyembro ng pamilya o ward.
Sa katapusan ng inyong aktibidad sa pagpaplano, anyayahan ang mga kabataan na itala ang kanilang damdamin at kaisipan sa isang journal sa pagtatapos ng bawat araw ng kanilang paglilingkod. Pagkaraan ng pitong araw na paglilingkod, magkita-kitang muli bilang isang grupo. Hilingin sa mga kabataan na ibahagi nila ang kanilang nadama at natutuhan habang naglilingkod sila.
Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kinakailangan para matiyak na ang lahat ay makakasali, makakabilang, at makakapag-ambag.
Mga Ideya sa Pag-aangkop
- Kung hindi posibleng maglingkod nang magkakasama bilang isang grupo sa buong linggo, umisip ng mga paraan para makapaglingkod mag-isa ang bawat miyembro ng grupo bawat araw. Sabihin sa grupo na kumonekta sa pamamagitan ng social media o sa iba pang mga paraan para talakayin ang kanilang pang-araw-araw na mga proyekto.
- Magplano ng isang joint service project na kasama ang mga miyembro ng ibang relihiyon.
Talakayan
Hikayatin ang mga kabataan na pag-usapan kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring gawin ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat tumagal lamang nang ilang minuto. Maaari ninyong itanong ang tulad ng mga sumusunod:
- Sa inyong palagay, bakit mahalagang maglingkod sa iba? Ano ang itinuturo sa atin ng talinghaga ng mabuting Samaritano tungkol sa paglilingkod?
- Ano ang pakiramdam ninyo kapag naglilingkod kayo sa iba?
- Ano ang nadarama o mga impresyon ninyo tungkol sa paglilingkod nang pitong sunud-sunod na araw?
Kaugnay na Resources
- Bonnie L. Oscarson, “Ang mga Pangangailangan na Nasa Ating Harapan,” Ensign o Liahona,Nob. 2017, 25–27