Family Life
Gospel Living

Aktibidad: Ligtas na Paggawa ng Apoy

08/12/20 | 1 min basahin

Layunin

Tulungan ang mga bata na matutuhan ang ligtas na pamamaraan ng paggawa, pagkontrol, at pagpatay ng apoy para matuto ng mahahalagang survival skill.

Iminumungkahing Aktibidad

Tulungan ang mga bata sa paggawa, pagkontrol, at pagpatay ng apoy para matuto ng mahahalagang survival skilll.

Ipaliwanag kung paano pumili ng lugar kungsaan ay ligtas na gumawa at kontrolin ng apoy. Talakayin ang mga karagdagang opsiyon tulad ng fire rings, hukay, o kalang de kahoy kung mayroon. Magpuno ng tubig sa mga timba at itabi lamang sa malapit.

Talakayin ang mga gagawin para maging ligtas sa apoy:

  • Huwag paglaruin ang mga bata ng apoy o nang malapit sa apoy.
  • Dapat may nagbabantay at tumitingin sa apoy sa lahat ng oras. Huwag na huwag iiwanan ang apoy na walang nagbabantay.
  • Huwag maglagay sa apoy ng anuman maliban lang sa kahoy.

Maglaan ng mga materyal o sabihin sa mga bata na tipunin at pagbukud-bukurin ang mga tuyong punong kahoy (gaya ng mga tuyong dahon), pamparikit (gaya ng maliliit na sanga), at kahoy na panggatong (tulad ng mga sanga o troso). Ipaliwanag na dapat tuyo ang mga materyal para madaling umapoy. Tulungan ang mga bata na ayusin ang mga materyal sa iba’t ibang estilo ng mga campfire. Narito ang dalawang halimbawa:

  • Para makagawa ng isang tepee fire, ilagay ang mga tuyong materyal sa gitna at gumawa ng maliit na tepee o pyramid sa ibabaw nito kasama ang pamparikit. Gumawa ng mas malaking tepee o pyramid sa ibabaw ng panggatong na kahoy. Sindihan ng posporo o lighter ang mga tuyong materyal sa gitna. Madaling paraan ito ng paggawa ng apoy para sa mga nagsisimula pa lang at ang pangunahing gamit nito ay para maging pampainit.
  • Para makagawa ng cabin fire, ilagay ang mga tuyong materyal sa gitna at gumawa ng maliit na tepee o pyramid sa ibabaw nito kasama ang pamparikit. Pagkatapos ay maglagay ng mas malalaking piraso ng kahoy na panggatong na magkatapat sa magkabilang gilid ng tepee. Maglatag ng maliliit na piraso ng kahoy na panggatong nang patayo sa unang set at sa iba pang mga gilid ng tepee, para makabuo ng isang parisukat na hugis sa paligid nito. Patuloy na magpatung-patong ng mga kahoy para magmukha itong simple at maliit na kubo. Sindihan ng posporo o lighter ang mga tuyong materyal sa gitna. Ang apoy na ito ay lumilikha ng init at baga para sa pagluluto.

Turuan ang mga bata na magpatay ng apoy sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tubig dito, at pagkalkal dito para makita kung may mainit na baga pa sa ilalim nito. Buhusan pa ng tubig ang mainit na baga at kalkalin muli kung kailangan hanggang mapatay na lahat ang baga.

Talakayin ang aktibidad sa mga magulang bago gawin ito para malaman kung may anumang partikular na bagay na kailangang malaman tungkol sa maaaring ikilos ng mga bata kapag may apoy. Gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang lahat ng tao.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Magluto ng anumang pagkain sa ibabaw ng apoy o sa apoy habang nagpapraktis kayo ng mga kasanayan para maging ligtas sa apoy. Isaalang-alang ang anumang allergy sa pagkain.
  • Anyayahan ang isang bumbero o iba pang mga eksperto na magtuturo sa inyo ng mga kasanayan para maging ligtas sa apoy. Halimbawa, maaaring talakayin ng inyong grupo kung paano maiiwasan ang wildfire, ano ang gagawin kung nahagip kayo ng apoy (isaalang-alang ang mga bata na maaaring takot sa ganitong bagay), at kung paano patayin ang iba’t ibang uri ng apoy.
  • Alamin kung paano magparikit ng apoy nang hindi gumagamit ng posporo o lighter. Maaari kayong gumamit ng bato o bakal, dalawang patpat, o magnifying glass.
  • Ideya sa Paglilingkod: Gumawa ng mga emergency kit na may mga gamit para sa pagpaparikit ng apoy para sa mga pamilya o tirahan na nangangailangan nito.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para maging mas malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring gawin ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat tumagal lamang nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano ninyo magagamit ang mga kasanayang ito sa hinaharap upang matulungan ang inyong pamilya o ang iba?
  • Ang mga tagubilin para maging ligtas sa apoy ay pumoprotekta sa atin. Paano tayo pinoproteksyunan ng mga kautusan ng Diyos?
Mga Komento
0