Family life
Gospel Living

Aktibidad: Paghahanap sa Gospel Library

08/11/20 | 1 min basahin

Layunin

Tulungan ang mga bata na humanap at gumamit ng resources sa Gospel Library app.

Iminumungkahing Aktibidad

Ipalista sa mga bata ang lahat ng uri ng materyal ng Simbahan na nakita o nagamit nila, tulad ng mga banal na kasulatan, magasin, video, o manwal.

Ipaliwanag na lahat ng materyal na ito at marami pang iba ay makukuha sa Gospel Library app at online sa ChurchofJesusChrist.org.

  • Kung maaari, sabihin sa mga magulang at mga bata na magdala ng mobile device o tablet na may Gospel Library app. Sa pahintulot ng magulang, i-download ang app kung kinakailangan.
  • Ikonekta ang iyong device sa telebisyon o monitor (kung maaari) upang ipakita kung paano gamitin ang app.
  • Ipakita sa mga bata kung saan mahahanap ang mga banal na kasulatan, magasin, video, at iba pang resources.
  • Ipakita kung paano mag-navigate, magtala, at magdagdag ng mga bookmark sa app. Hayaang praktisin ng mga bata kung paano gawin ang mga ito.

Sabihin sa mga bata na gamitin ang Gospel Library o ChurchofJesusChrist.org sa kanilang pag-aaral nang personal at nang kasama ang pamilya, lalo na sa araw ng Sabbath.

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na makakasali, makakabilang, at makakatulong ang lahat.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Ang mga user ng Church Account ay makakapag-save ng kanilang notes at bookmarks sa Gospel Library at sa ChurchofJesusChrist.org. Maraming bata ang malamang na nag-a-access ng Gospel Library gamit ang account ng kanilang magulang. Kung gusto ng mga bata na gumawa ng sarili nilang Church Account, kakailanganin nilang makuha ang kanilang membership number mula sa ward clerk, o matatagpuan ang kanilang membership record number sa kanilang membership information sa Member Tools app (kung mayroon). Sa pahintulot ng kanilang mga magulang, heto ang paraan kung paano ka makatutulong sa kanila na gumawa ng account:
    • Pumunta sa account.ChurchofJesusChrist.org
    • Piliin ang “Register for a Church Account.”
    • Sundin ang mga instruksyon sa screen para gumawa ng account.
  • Kung mayroon, ipakita ang ilan sa mga iba pang app ng Simbahan, gaya ng Sacred Music, FamilySearch, at Doctrinal Mastery.
  • Kung walang access ang mga bata sa Gospel Library app pero may access sa internet, ipakita sa kanila kung paano matatagpuan ang mga video ng Simbahan, musika, mga magasin at iba pang resources sa ChurchofJesusChrist.org at iba pang mga site.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makatutulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para maging mas malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring gawin ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat tumagal lamang nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano makatutulong ang Gospel Library at website ng Simbahan na mas malapit kayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
  • Paano ninyo magagamit ang resources na ito upang igalang ang araw ng Sabbath?
Mga Komento
0