Serving with disabilities
Gospel Living

Pag-aaral tungkol sa Musika

07/07/20 | 1 min basahin

Layunin

Tulungan ang mga bata na maunawaan ang ritmo at kung paano kumumpas sa musika sa tahanan o sa simbahan.

Mungkahing Aktibidad

Anyayahan ang isang bata na pumili ng isang paboritong awit o himno sa Primary. Kantahin ito nang sabay-sabay, at hayaang ipakita ng mga bata ang ritmo sa pamamagitan ng pagpalakpak, sabay-sabay na pagtuktok ng mga patpat o lapis, pagpadyak ng kanilang mga paa, at marami pang iba. Ulitin nang maraming beses hangga’t gusto mo, at papiliin ng ibang awit ang bawat bata para ipakita kung paano nagkakaiba-iba ang ritmo at bilis ng mga awit.

Ipaliwanag na ikinukumpas ng mga music leader sa Primary at sacrament meeting ang kanilang mga kamay sa isang partikular na paraan para sabay-sabay ang pagkanta ng lahat. Ipakita sa mga bata ang mga karaniwang pattern sa pagkumpas sa likod ng himnaryo o sa Aklat ng mga Awit Pambata, kung mayroon.

Ipamalas kung paano sundan ang mga pattern gamit ang iyong mga kamay, at pagpraktisin ang mga bata sa pagkumpas sa musika habang kinakanta nila ang kanilang mga paboritong awit.

Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kailangan upang matiyak na lahat ng tao ay makakalahok, makakabilang, at makakapag-ambag.

Mga Ideya sa Pag-aangkop

  • Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagkumpas sa lahat sa isang awit, na nagpapabilis o nagdadahan-dahan hangga’t gusto nila. Makakatulong ito para matuto ang mga bata na pagmasdan ang tagakumpas sa awit.
  • Anyayahan ang music leader sa Primary o sacrament meeting na tumulong o mamuno sa aktibidad na ito.
  • Gumawa o gumamit ng mga simpleng instrumento, tulad ng mga marakas, tambol, o rhythm sticks para mapanatili ang kumpas habang kumakanta.
  • Ipakita sa mga bata kung paano basahin ang time signature para sa bawat awit upang malaman kung ilang kumpas ang nasa bawat sukat.
  • Bilang follow-up, itanong sa Primary music leader kung maaaring maghalinhinan ang mga bata sa pagkumpas sa isang awit sa oras ng pagkanta.

Talakayan

Hikayatin ang mga bata na pag-usapan kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang natututuhan nila para mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaaring idaos ang mga talakayan bago, sa oras, o pagkatapos ng aktibidad at dapat ay tumagal lamang ito nang ilang minuto. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano makakatulong ang pagkanta ng mga awit sa tahanan at sa simbahan para maipakita natin sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na mahal natin Sila? (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 25:12).
  • Paano makakatulong ang magandang musika para madama natin ang Espiritu?

      Kumilos

      Subukan ang aktibidad na ito sa iyong pamilya, klase, korum, o mga kaibigan.
      Mga Komento
      0