Christ and the Book of Mormon Children
Gospel Living

Pagsisikap na Tularan si Jesus

07/07/20 | 1 min basahin

Layunin

Tulungan ang mga bata na maging higit na katulad ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanilang sarili ng Kanyang mga katangian.

Iminumungkahing Aktibidad

Maglaro ng tungkol sa mga katangian ni Cristo:

  • Magsulat (o magdrowing) ng ilang paraan na magiging katulad ni Jesus ang mga bata, at i-print ang mga ito sa mga name tag. Kabilang sa ilang ideya ang mga sumusunod: Maaari akong manalangin, Maaari akong maging mapagpasalamat, Maaari akong maging masunurin, Maaari akong magbasa ng mga banal na kasulatan, Maaari kong sundin ang aking mga magulang, Maaari akong maging masipag, at marami pang iba. Para sa karagdagang mga ideya, tingnan ang “Paano Ako Magkakaroon ng mga Katangiang Tulad ng Kay Cristo?” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero [2018],null131–44).
              • Magdikit ng isang katangian sa likuran ng bawat bata para makita ito ng grupo at hindi ito makita ng batang dinikitan nito. Bigyan ang mga bata ng oras para makapagtanungan sa isa’t isa para mahulaan kung ano ang sinasabi ng nakadikit sa likod nila.
              • Pagkatapos ng aktibidad, kunin ang lahat ng mga tag at ilagay ang mga ito sa ibabaw ng mesa. Sabihin sa mga bata na magtipon sa paligid ng mesa. Talakayin kung paano ipinakita ni Jesus ang mga katangiang ito at kung paano maipapakita ng mga bata ang mga katangiang ito sa kanilang buhay.
              • Anyayahan ang mga bata na pumili ng isang katangian na gusto nilang linangin sa linggong iyon.

              Mangyaring iangkop ang mga aktibidad kung kinakailangan upang matiyak na ang lahat ay makakalahok, mapapabilang, at makapag-aambag.

              Mga Ideya sa Pag-aangkop

              • Saliksikin ang mga kuwento ng buhay ni Jesus: Maglagay ng mga larawan ng buhay ni Jesus sa palibot ng silid. Ipahawak sa mga bata ang mga larawan at ipasalaysay sa kanila ang mga kuwentong ipinapakita sa larawan. Talakayin ang mga katangiang ipinakita ni Jesus sa kuwentong iyan. Matapos ibahagi ng lahat ng mga bata ang kanilang mga kuwento, itago ang mga larawan at tingnan kung gaano karaming kuwento ang naaalala ng mga bata.
              • Maglaro ng pagtutugma: Gumawa ng isang set ng mga kard na may nakasulat na isang katangian ni Cristo sa bawat kard. Sa isa pang set ng mga kard, isulat (o idrowing) ang isang paglalarawan ng bawat katangian at kung paano ito maipapamuhay ng mga bata, o isulat ang isang parirala mula sa banal na kasulatan na tungkol sa bawat katangian. Balasahin ang mga kard at itaob ang mga ito sa mesa. Sabihin sa mga bata na maghalinhinan sa pagbaliktad ng tigdadalawang kard at subukang hanapin ang isang katangian at ang katugmang paglalarawan nito.
              • Pag-usapan kung paano ginugol ni Jesucristo ang Kanyang buhay sa paglilingkod sa iba. Anyayahan ang mga bata na humanap ng mga paraan para makapaglingkod sa iba sa darating na linggo. Ipaalala sa kanila na kapag sila ay naglilingkod sa iba, sila ay naglilingkod din sa Ama sa Langit (tingnan sa Mosias 2:17).

              Talakayan

              Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag kung paano makakatulong sa kanila at sa iba ang mga natututuhan nila para mas mapalapit sila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang mga talakayan ay maaaring mangyari bago, habang ginagawa, o kapag natapos na ang aktibidad at dapat tumagal nang ilang minuto lamang. Maaari mong itanong ang tulad ng mga sumusunod:

              • Paano kayo napagpala ng pamumuhay ng isang tao ng mga katangian ni Jesucristo?
              • Ano ang magagawa ninyo para mapaalalahanan ang inyong sarili na sundin ang halimbawa ni Jesus?

              Kumilos

              Subukan ang aktibidad na ito sa inyong pamilya, klase, korum, o mga kaibigan.
              Mga Komento
              0