“Pilipinas: Buod,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Pilipinas (2019)
“Pilipinas: Buod,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Pilipinas
Isang Maikling Kasaysayan ng Simbahan sa
Pilipinas
Buod
Ilang Pilipino ang sumapi sa Simbahan noong mga dekada ng 1940 at 1950, ngunit hindi nagsimula nang masigasig ang gawaing misyonero hanggang 1961. Pagkatapos noon, napakabilis itong umusad. Sa pagtatapos ng dekada, may mga miyembro na ang Simbahan sa walong pangunahing pulo. Noong 1973 ay inorganisa ang unang stake sa Pilipinas. Ang tapat na paglilingkod ng mga Banal sa mga Huling Araw ay humantong hindi lamang sa pagtatayo ng unang templo sa bansa, na inilaan noong 1984, ngunit pati na rin sa pagbubukas ng isang lokal na missionary training center gayundin sa mga pagsisikap na maisalin ang mga materyal ng Simbahan sa maraming wika sa Pilipinas. Noong dekada ng 1990 ay nagkaroon ng mahigit 250,000 miyembro ng Simbahan.
Ang mga Banal na Pilipino ay nagsikap na patatagin ang kanilang buhay at mga kongregasyon sa “bato na ating Manunubos,” isang matibay na pundasyon laban sa mga suliranin ng mundo (Helaman 5:12). Nakikipagtulungan sa isa’t isa at sa mga miyembro ng Simbahan mula sa iba’t ibang panig ng mundo, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nagbigay ng kanlungan sa kapwa nila Pilipino sa gitna ng mga kalamidad at nagbigay ng abuloy sa kanilang mga burol, nagkaroon ng karagdagang kakayahan na tustusan ang kanilang pamilya at paghusayin ang kanilang mga komunidad, at nagsikap na mamuhay bilang halimbawa ng kabutihan at pagmamahal ni Cristo. Ang Pilipinas ang may ikaapat na pinakamalaking populasyon ng Banal sa mga Huling Araw sa alinmang bansa sa mundo: ang mga miyembro ay sumasamba sa mahigit 100 stake at sa dalawang templo habang naghihintay na magkaroon ng lima pa.
Maikling Impormasyon
-
Opisyal na Pangalan: Republic of the Philippines/Republika ng Pilipinas
-
Kabisera: Maynila
-
Pinakamalaking Lungsod: Lungsod ng Quezon
-
Mga Opisyal na Wika: Filipino at Ingles
-
Sukat ng Lupa: 298,170 km2 (115,124 mi2)
-
Area ng Simbahan: Pilipinas
-
Mga Mission: 22 (Angeles, Antipolo, Bacolod, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cauayan, Cavite, Cebu [2], Davao, Iloilo, Laoag, Legazpi, Manila, Naga, Olongapo, Quezon City [2], San Pablo, Tacloban, at Urdaneta)
-
Mga Kongregasyon: 1,218
-
Mga Templo: 7 (Alabang, Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Greater Manila, Manila, at Urdaneta)