2011
Maging Tagapagpatatag ng Pamilya
Setyembre 2011


Maging Tagapagpatatag ng Pamilya

“Ako ay isang tagapagpatatag na nagsisikap bawat araw na patatagin ang aking pamilya” (“Ang Aking Walang Hanggang Pamilya,” 2009 Outline para sa Oras ng Pagbabahagi at Pagtatanghal ng mga Bata sa Sacrament Meeting, 10–11).

Naisip na ba ninyo ang lahat ng pamilya na kabilang kayo? Lahat ng pamilyang inilarawan sa mga pahinang ito ay mahalaga at tutulungan kayong umunlad. Para sa bawat pamilya, humanap ng dalawang tagpo sa ibaba na nagpapakita ng isang paraan na maaari kayong maging tagapagpatatag ng pamilya.

Pamilya ng Ama sa Langit

Kayo ay may perpekto at imortal na mga magulang sa langit na lubos na nagmamahal sa inyo at alam ang lahat ng nangyayari sa inyong buhay. Kayo ay lagi nang bahagi ng pamilyang ito, at gayundin ang lahat ng iba pang espiritung anak ng Ama sa Langit. Nangangahulugan ito na bawat tao sa daigdig ay espiritung kapatid ninyo.

Ang Inyong Pamilya

Ito ang mga taong kilalang-kilala ninyo—ina, ama, at mga kapatid na lalaki at babae. Inilagay kayo ng Ama sa Langit sa isang pamilya para magkaroon kayo ng mga taong magmamahal, magtuturo, at magpapalago sa inyo.

Ang Inyong Kamag-anakan

Ang mga lolo’t lola, pinsan, tiya, at tiyo ay bahaging lahat ng inyong kamag-anakan. Sila ang iba pang mga taong ibinigay sa inyo para mahalin!

Ang Inyong Pamilya sa Hinaharap

Ang taong pakakasalan ninyo balang araw at ang magiging mga anak ninyo ay magiging bahagi ng napakahalagang pamilyang ito. Planuhing mabuklod sa templo at maipamuhay ang ebanghelyo sa inyong tahanan para magkasama-sama ang inyong pamilya magpakailanman.

Ang Inyong Pamilya sa Simbahan

Ang mga miyembro ng inyong ward o branch ay parang mga kapamilyang nagmamalasakit at nagsisikap na tumulong sa isa’t isa. Ang mga miyembro ng Simbahan ay tinatawag ang isa’t isa ng “Brother” at “Sister” dahil sila ay nabinyagan sa ebanghelyo ni Jesucristo. Lahat ng miyembro ng Simbahan sa buong mundo ay isang malaking pamilya!

Paglalarawan ni Adam Koford

Welcome sa Primary

Print