2011
Masaya sa Ebanghelyo
Setyembre 2011


Masaya sa Ebanghelyo

Mula sa isang interbyu kay Elder Carlos A. Godoy ng Pitumpu; ni Jacob Fullmer

“Magbigay-puri tayo sa Panginoon; oo, magsasaya tayo, sapagkat ang ating kagalakan ay lubos” (Alma 26:16).

Larawan
Elder Carlos A. Godoy

Noong 14 na taong gulang ako, ang paaralan ko ay tapat lang ng isang kapilya ng mga Banal sa mga Huling Araw. Minasdan ko ang labas-pasok na mga lalaking nakaputing polo sa malaking gusaling iyon. Inisip ko kung ano ang ginagawa nila sa loob.

Isang araw gusto naming maglaro ng mga kaibigan ko ng football, pero wala kaming mapaglaruan sa aming paaralan. May nagsabing, “Doon tayo maglaro sa simbahan. May magandang laruan sila sa kanilang bakuran.” Iyon ang una kong pakikipag-ugnayan sa Simbahan—sa labas ng gusali.

Makalipas ang dalawang taon inanyayahan ng isa sa mga kaibigan ng kapatid kong lalaki ang kapatid kong babae na magpunta sa Simbahang LDS, at sumama ako sa kanya. Tuwang-tuwa ako na sa wakas ay malalaman ko na kung ano ang ginagawa nila sa loob ng simbahang iyon.

Pagdating namin doon, nakita namin ang ilang miyembro na naglalaro ng isang simpleng laro. Mukhang napakasaya nila, at iyan ang nakatawag ng aking pansin. “Bakit masayang-masaya sila?” naisip ko.

Nalaman ko ito nang makinig ako sa mga talakayan ng misyonero at mabinyagan ako. Ang kaligayahan ay nagmumula sa kalooban. Binago ng aking pagbabalik-loob ang buhay ko, ng mga anak ko, at ng susunod at naunang mga henerasyon.

Anuman ang gawin ninyo na labas sa mga turo ng Simbahan ay hindi magpapaligaya sa inyo. Marahil mapapatawa o mapapasaya kayo nito sandali, ngunit ang tunay na kaligayahan ay nasa ebanghelyo.

Kahit kung minsan ay pinagtatawanan kayo ng mga kaibigan ninyo, hahangaan nila kayo sa paninindigan sa inyong mga prinsipyo.

Mahal kayo ng mga magulang ninyo. Anuman ang ipagawa nila sa inyo ay hindi dahil sa pinahihirapan nila kayo; iyon ay dahil nais nila kayong protektahan.

Laging magpasalamat para sa inyong mga magulang, sa ebanghelyo, at sa kaligayahang dulot nito sa inyong buhay.

Paglalarawan ni Matt Smith

Print