2011
Sierra Leone
Setyembre 2011


Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig

Sierra Leone

Noong 1981, narinig ni Michael Samura, na tubong Sierra Leone, ang ebanghelyo sa Holland at nabinyagan doon. Pagbalik niya sa Freetown, ang kabisera ng Sierra Leone, hiniling niyang padalhan siya ng mga misyonero, ngunit dahil hindi pa handang magpadala roon ng mga misyonero ang Simbahan, pinadalhan na lang siya ng mga babasahin ng Simbahan. Sinimulan ni Brother Samura na turuan ang iba at magdaos ng di-opisyal na mga pulong. Gayon din ang ginawa ng mga miyembrong nabinyagan sa ibang mga bansa at nagbalik na sa Sierra Leone.

Ang taong 1988 ay isang mahalagang panahon sa bansa. Buwan ng Enero nang pamunuan ng isang miyembrong nabinyagan sa Germany ang unang opisyal na pulong. Buwan ng Mayo dumating ang dalawang missionary couple, at buwan ng Hunyo isinagawa ang unang 14 na pagbibinyag sa bansa. Buwan ng Agosto ang unang branch—ang Goderich Branch—ay itinatag. Sinimulan ang pagtatayo noong 2004 para sa kauna-unahang Latter-day Saint meetinghouse sa Sierra Leone.

Ang Simbahan sa Sierra Leone

Bilang ng mga Miyembro

8,907

Mga Mission

1

Mga District

2

Mga Branch

23

Sierra Leone

Guinea

Liberia

Freetown

Dagat Atlantiko

Africa

Print