2011
Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda
Setyembre 2011


Mga Kabataan

Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda

Sa kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2007, tinalakay ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa mga aktibidad na “maganda, mas maganda, at pinakamaganda.” Nang umabot siya sa bahaging “pagtatambak sa iskedyul ng mga bata,” alumpihit ako sa aking upuan.

Alam kong napakarami kong ginagawa. Sumali ako sa mga dula sa paaralan, sa mahihirap na klase sa paaralan, at sa marami pang ibang aktibidad. Matagal na akong hindi dumadalo sa mga aktibidad ng Young Women, at ang mga araw ng Linggo ay puno ng pag-aalala na tapusin kaagad ang homework ko. Ang pagpapraktis ng musika at pag-eedit ng pahayagan ng paaralan ay hindi na masaya at naging trabaho na.

Dahil sa mensahe ni Elder Oaks tiningnan kong mabuti ang aking iskedyul. Magaganda naman ang aktibidad ko, pero napakarami nito. Kinailangan kong piliin ang pinakamagaganda. Habang nagpapasiya ako kung aling mga aktibidad ang ititigil ko, natanto ko na ang ebanghelyo ni Jesucristo ang pinakamagandang unahin ng kahit sino. Inuna ko ang panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan sa aking listahan, at mula noon, naging mas maayos na ang takbo ng buhay ko.

Itinuro sa akin ni Elder Oaks na kapag inuna nating gawin ang nais ipagawa ng Panginoon, lahat ng bagay ay malalagay sa dapat kalagyan nito. Kung pag-aaralan ko ang aking mga banal na kasulatan bago ako maglaro o kahit bago ko gawin ang homework ko, lahat ng mahalaga ay magagawa. Kapag isinalig ko ang buhay ko sa Panginoon, sa halip na idagdag lang Siya pagkatapos ng lahat, mas payapa at tagumpay ang buhay ko.

Ngayon ay nakikinig na akong mabuti sa payong ibinibigay sa pangkalahatang kumperensya!

Paglalarawan ni Paul Mann

Print