2011
Matatagpuan Ko ang mga Sagot sa Pangkalahatang Kumperensya
Setyembre 2011


Mga Bata

Matatagpuan Ko ang mga Sagot sa Pangkalahatang Kumperensya

Itinuro ni Pangulong Uchtdorf na kung mag-iisip kayo ng ilang tanong bago sumapit ang pangkalahatang kumperensya, maaaring mangusap sa inyo ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta at apostol sa kumperensya.

  1. Sa pamilya o klase, talakayin ang kailangan ninyong matutuhan, nang isa-isa o magkakasama. (Halimbawa: Paano ko mapapalakas ang aking patotoo? Paano ko dapat lutasin ang isang problema sa paaralan?) Sa isang pirasong papel o sa inyong journal, isulat ang inyong mga tanong.

  2. Sa mga linggong papalapit sa kumperensya, mapag-iisipan at maipagdarasal ninyo ang mga tanong na ito.

  3. Makinig na mabuti sa kumperensya (makatutulong ang pagkuha ng maiikling tala). Pagkatapos ay isulat kung paano sinagot ng Panginoon—sa pamamagitan ng mga lider ng Simbahan—ang inyong mga tanong.

  4. Sa isang pirasong papel, maidodrowing ninyo ang inyong larawan na ginagawa ang natutuhan ninyo.

Print