2011
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Setyembre 2011


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Pagkakaroon ng Kapayapaan sa mga Panahon ng Kaguluhan,” pahina 12: Bago basahin ang artikulo, maaari ninyong ipalista sa inyong pamilya ang ilang partikular na hamong kinakaharap nila. Pagkatapos ay gamitin ang mga mungkahi ni Elder Malm upang talakayin ang mga paraan para magkaroon ng kapayapaan sa mga oras ng pagsubok.

“Ang Ordenansa ng Pagbubuklod ay Nag-uugnay sa mga Pamilya Magpasawalang-hanggan,” pahina 16: Bago basahin ang artikulo, maaari ninyong anyayahan ang inyong pamilya na talakayin ang kahulugan ng salitang pangako. Isiping basahin ang Doktrina at mga Tipan 82:10 at pag-usapan kung bakit napakahalagang mangako at tuparin ang mga pangako sa Panginoon. Habang magkakasama ninyong binabasa ang artikulo, isiping magpatotoo kung paano napagpala ng pagtupad sa mga tipan ang inyong buhay.

“Tungkulin sa Diyos Kasama si Itay,” pahina 54: Sa pagtatamo ng inspirasyon mula sa artikulong ito, masisimulan ninyo ang isang aktibidad mula sa Tungkulin sa Diyos o Pansariling Pag-unlad, kahit wala kayong mga anak na tinedyer (matatagpuan ninyo ang materyal sa DutyToGod.lds.org at PersonalProgress.lds.org). Kung may mga anak kayong tinedyer na gumagawa na nito, isiping patulungin ang mga ama sa mga anak na dalagita at ang mga ina sa mga anak na binatilyo.

“Ang Ebanghelyo ay Ipangangaral sa Buong Daigdig,” pahina 64: Bukod pa sa paglalaro ng memory game para sa mga kapamilyang nakababata, maaari ninyong kantahin ang “Tinawag upang sa Diyos Maglingkod” (Mga Himno, blg. 151). Isiping magkaroon ng family missionary plan, kabilang na ang mga mithiin tulad ng pag-anyaya sa isang pamilya sa isang aktibidad ng Simbahan o pagsulat sa mga misyonerong nagmula sa inyong ward.

Print