2011
Mga Bagong Produkto
Setyembre 2011


Mga Bagong Produkto

Inilabas ang DVD ng Lumang Tipan sa mga Bagong Wika

Mayroon na ngayong Mga DVD ng Biswal na Sanggunian sa Lumang Tipan sa 11 wika na hindi maglalaon ay susundan pa ng 10 wika.

Mayroon na ngayong American Sign Language, Cantonese, English, French, German, Italian, Mandarin, Portuguese, Samoan, Spanish, at Ukrainian; magkakaroon ng Danish, Dutch, Finish, Indonesian, Norwegian, Russian, Swedish, Tagalog, Thai, at Tongan bago matapos ang taon.

Ang set ng tatlong DVD ay may mahigit 300 biswal na sanggunian at 54 na video upang gabayan ang mga miyembro sa pag-aaral nila ng Lumang Tipan at makukuha ito sa mga distribution center ng Simbahan o sa store.lds.org.

Mayroon nang Triple Combination sa Samoan

Ang Samoan edition ng triple combination ng mga banal na kasulatan—ang Aklat ni Mormon; ang Doktrina at mga Tipan; ang Mahalagang Perlas; at ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, isang tulong sa pag-aaral, sa iisang aklat—ay makukuha na ngayon sa mga distribution center at sa store.lds.org.

Print