2011
Tungkol sa Web
Setyembre 2011


Tungkol sa Web

Inilapit ng Website ang Church Store sa mga Miyembro sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Sa pagkaragdag ng tatlong wika sa store.lds.org, mas madali nang ma-access ng libu-libong miyembro ang mga materyal ng Simbahan. Ang website, na pumalit sa ldscatalog.com, ay orihinal na inilabas sa English, Russian, at Spanish, ngunit ngayon ay nasa French, German, at Italian na rin.

Ang mga materyal ng ebanghelyo—mga tulong sa pag-aaral, musika, media, sining, mga garment, kasuotan sa templo, at iba pang gamit—ay libre ang pagpapadala saanman mayroong site.

May mga planong gawin ang store.lds.org sa Chinese, Japanese, Korean, at Portuguese sa hinaharap.

Naglabas ng mga Update para sa Gospel Library App

Naglabas ng mga update ang Simbahan sa Gospel Library app para sa Android, iPad, at iPhone sa mobile.lds.org.

Samantalang iilang pangunahing lathalain lamang ang inihandog ng dating Android app, ang update ay naglalaan ng access sa mga magasin, manwal, at iba pang materyal ng Simbahan.

Ang update sa app para sa iPad at iPhone ay tutulutan ang mga gumagamit na pagsabayin ang scripture annotations ng mobile app at ng My Study Notebook sa LDS.org, kaya posible nang makita ang mga tala, highlight, at tags kapwa online at sa mobile device.

Print