2011
Ang Simbahan sa Iba’t Ibang Dako
Setyembre 2011


maiikling balita sa buong mundo

Ipinagdiwang ng mga Miyembro ang Ika-50 Taong Anibersaryo ng Simbahan sa Pilipinas

Para gunitain ang ika-50 taon ng muling paglalaan sa Pilipinas para sa pangangaral ng ebanghelyo, libu-libong Banal ang nagtipon sa Quezon City upang lumahok sa Jubilee cultural show noong Abril 30 at sa area conference noong Mayo 1.

Labingsiyam na stake ang nagsama-sama noong Sabado upang ipagdiwang ang mayamang pamanang kultura at paglago ng Simbahan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanta at sayaw. Noong Linggo, Mayo 8, nagtipon ang mga miyembro para sa isang pambansang kumperensya kasama ang mga lokal na pinuno at General Authority sa pamamagitan ng satellite.

Nagbigay ng Tulong ang USNS Comfort sa 12 Lugar

Noong Abril, naglayag ang USNS Comfort, isang full-service medical ship, patungo sa 12 lugar sa Caribbean, Central America, at South America upang manggamot at magbigay ng training sa mga propesyonal sa medisina.

Mga boluntaryo mula sa Simbahan, United States Navy, at iba pang organisasyong pangkawanggawa ang mangangalaga at magtuturo sa mga tao na tulungan ang kanilang sarili pagkaalis ng barko.

Nagbukas ang Atlanta Temple Pagkatapos ng Pagdiriwang at Muling Paglalaan

Kasunod ng kultural na pagdiriwang sa katapusan ng linggo at dalawang sesyon sa araw ng Linggo ng muling paglalaan ni Pangulong Thomas S. Monson, nagbukas ang Atlanta Georgia Temple noong Mayo 3, 2011, para ituloy ang pormal na gawain sa templo. Bukod pa kay Pangulong Monson, dumalo sa muling paglalaan sina Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol at Elder Walter F. González at Elder William R. Walker, kapwa Pitumpu.

Ang templo, na orihinal na inilaan noong 1983, ay isinara noong Hunyo 1, 2009, para sa malawakang renobasyon.

Ang Atlanta Georgia Temple

Print