2011
Regular at Makabuluhang mga Aktibidad ng Pamilya
Setyembre 2011


Regular at Makabuluhang mga Aktibidad ng Pamilya

Ang mga pamilyang regular na sama-samang nakikilahok sa makabuluhang mga aktibidad ay makadarama ng mas matinding pagmamahalan at pagkakasundo. Ang mga aktibidad ng pamilya ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magulang na talakayin ang ebanghelyo sa mga anak, at kadalasan ay mas handang makinig at sumunod ang mga anak sa mga magulang kapag malapit sila sa kanila.

Kabilang sa makabuluhang mga aktibidad ng pamilya ang:

  • Family home evening: Sabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), “Lubhang mahalaga na maupo ang mga ama at ina sa tabi ng mga anak, sama-samang manalangin, turuan sila sa mga paraan ng Panginoon, alamin ang mga problema nila sa pamilya, at hayaang magpakita ng talento ang mga bata.”1

  • Mga aktibidad na paglilingkod sa pamilya: Maaari ninyong dalawin ang isang matandang miyembro ng inyong ward o pulutin ang kalat sa inyong kapaligiran.

  • Mga pamamasyal na si Inay o Itay lamang ang kasama: Sa pamamagitan nito nakapagbubuo ng kani-kanyang personal na kaugnayan ang mga anak sa mga magulang.

Tala

  1. Gordon B. Hinckley, “Sa Kalalakihan ng Priesthood,” Liahona, Nob. 2002, 58.

Print