Service Missionary
Paghahanda ng Service Missionary


“Paghahanda ng Service Missionary,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary: Resource Booklet 2020)

“Paghahanda ng Service Missionary,” Pag-Adjust sa Buhay ng Service Missionary

service missionary sa harap ng Salt Lake Temple

Paghahanda ng Service Missionary

Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary

Karaniwan sa mga bagong missionary na makaranas ng kaunting stress o kahirapan. Kailangan mong matuto ng mga bagong gawain o tungkulin, makakilala ng mga tao, at makipagtulungan sa iba. Habang natututuhan mong gawin ang mga bagay na ito, maging matiyaga. Matututuhan mong kilalanin ang mga pagpapala ng paglalaan ng iyong buhay sa Tagapagligtas. Tandaan, ang Espiritu Santo ay makakasama mo. Tutulungan ka Niyang gawin ang transisyon na ito. Tutulungan ka Niya sa pag-adjust sa mga bagong responsibilidad mo bilang service missionary.

missionary na nakangiti

Pag-adjust sa Bagong mga Karanasan

Ang mga service missionary ay tulad ng maraming tao na pumapasok sa bagong sitwasyon. Marami ang dumaraan sa iba-ibang yugto ng pag-adjust ng damdamin kapag sinisimulan nila ang kanilang paglilingkod:

  • Anticipation o Pag-asam

    • Maaari kang masabik sa hamon (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

    • Maaari kang makadama ng dagdag na layunin at ng lubos na katapatan sa Diyos (tingnan sa 3 Nephi 5:13).

    • Maaaring makadama ka ng kaligayahan at pag-asam na magkaroon ng bagong kakilala at karanasan sa mga bagong lugar.

  • Pagtuklas sa mga di-inaasahan

    • Maaari mong simulang pagdudahan ang iyong desisyon na maglingkod (tingnan sa Alma 26:27).

    • Maaari mong mapansin ang pisikal na mga palatandaan ng stress o pag-aalala, gaya ng hindi ka masyadong makatulog, wala kang ganang kumain, o madali kang mainis.

    • Maaari mong mapansin na pinipintasan at kinaiinisan mo ang mga patakaran at inaasahan sa iyo sa service mission. Maaaring hindi mo lubos na sundin ang mga ito.

  • “Magagawa ko ito”

    • Natututo kang sumunod sa mga patakaran at inaasahan sa iyo ng service mission.

    • Natututo kang magtiyaga (tingnan sa Isaias 28:10; Mosias 4:27).

    • Ang mga palatandaan ng stress na nadama mo, kung mayroon man, ay nagsisimulang mawala.

  • Katatagan ng damdamin

    • Komportable kang sundin ang iskedyul mo araw-araw.

    • Napapansin mo ang iyong sariling kakayahan at pag-unlad.

    • Nauunawaan mo ang ibig sabihin ng paggawa ng paisa-isang hakbang sa buhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 98:12).

    • Magkakaroon ka ng mas malaking tiwala sa sarili at matinding hangaring maglingkod.

service missionary sa harap ng traktora

Mga Bagay na Magagawa Mo Ngayon

Maghanap ng mga paraan na mapaglingkuran ang iba. Ang iyong misyon ay isang tawag na maglingkod. Magtuon sa pagtingin sa labas ng sarili mong damdamin na hindi ka komportable. Maglingkod sa mga taong nangangailangan ng mabuting salita, pagkakawanggawa, o pakikipagkaibigan.

Makipag-usap sa iba tungkol sa iyong adjustment sa iyong service mission. Maglaan ng oras para matalakay ang sumusunod na mga paksa sa mga magulang, priesthood leader, o mga kaibigang returned missionary:

  • Hiniling ng Diyos sa maraming tao na gawin ang mga bagay na sa pakiramdam nila ay hindi nila kayang gawin. Ano ang matututuhan mo mula sa mga halimbawa sa banal na kasulatan? Maaari mong pag-aralan ang Exodo 4:10–12; Jeremias 1:6–9; Alma 17:9–12; Alma 26:27; Eter 12:23–27; Moises 6:31–32.

  • Bakit mahalaga na matulog at gumising sa takdang oras? Bakit mahalagang magluto ng masustansiyang pagkain? Bakit kailangan mong regular na mag-ehersisyo? Bakit dapat kang manalangin nang personal?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagsusulat sa journal sa parehong tagumpay at mga hamon?

  • Paano ka tutugon kapag hindi maalis ang di-magandang kaisipan o damdamin?

  • Magtuon sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong Ama sa Langit. Hangarin ang Espiritu sa personal na panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan. Makinig sa nagbibigay-siglang musika, at basahin ang iyong patriarchal blessing.

  • Maging mabait sa iyong sarili at sa iba. Panatagin ang sarili gamit ang mabubuting salita na sa palagay mo ay ginagamit ng Tagapagligtas. Alalahanin, ang isiping wala nang magagawa, wala nang pag-asa, o matinding kaparusahan ay hindi mula sa Panginoon.

  • Asahan ang di-inaasahan. Ang iyong mga karanasan bilang service missionary ay hindi kapareho ng sa iba. Lahat ng bagay ay hindi magiging eksaktong katulad ng iyong binalak. Sikaping maging bukas sa pagbabago para magampanan mo ang iyong mga responsibilidad bilang service missionary.

mga service missionary

Buod

Tandaan na ang buhay mo bilang service missionary ay maiiba sa dati mong buhay. Ngunit gagantimpalaan at pagpapalain ka ng Panginoon. Magkaroon ng positibong pananaw. Manampalataya sa Panginoon. Maging mabait sa iyong sarili at sa iba. Alalahanin ang payo na ibinigay kay Propetang Joseph Smith: “Alamin mo, aking anak, na ang lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti” (Doctrine and Covenants 122:7).