Service Missionary
Isaalang-alang Ako


“Isaalang-alang Ako,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary: Resource Booklet (2020)

“Isaalang-alang Ako,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary

si Jesus kasama ang tupa

The Lord Is My Shepherd [Ang Panginoon ay Aking Pastol], ni Simon Dewey

Isaalang-alang Ako

Tandaan, mahal ka ng Tagapagligtas. Magtiwala sa Kanya at sa Kanyang kapangyarihang pagalingin at tubusin ka. Ang Diyos ay may perpektong plano para sa Kanyang mga anak na di-perpekto. Ito ang magandang balitang ipinapakita mo sa mundo sa pamamagitan ng iyong paglilingkod at halimbawa. Tandaan ang mga pangakong ito:

“Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, tulad ng aking sinabi sa aking mga disipulo, kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa aking pangalan, ukol sa isang bagay, masdan, ako ay naroroon sa gitna nila—maging ako ay nasa gitna ninyo.

“Huwag matakot na gumawa ng mabuti, … sapagkat kung anuman ang inyong itinanim, iyon din ang inyong aanihin; samakatwid, kung kayo ay nagtanim ng kabutihan kayo rin ay aani ng kabutihan bilang inyong gantimpala.

“Samakatwid, huwag matakot, munting kawan; gumawa ng mabuti; hayaang magsama ang mundo at impiyerno laban sa inyo, sapagkat kung kayo ay itinayo sa aking bato, hindi sila mananaig.

“Masdan, hindi ko kayo inuusig; humayo kayo sa inyong mga gawain at huwag na muling magkasala; isagawa nang mahinahon ang gawaing ipinag-uutos ko sa inyo.

“Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.

“Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit” (Doktrina at mga Tipan 6:32–37).