“Paggamit ng Challenge Log,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary: Resource Booklet (2020)
“Paggamit ng Challenge Log,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary
Paggamit ng Challenge Log
Mga Direksyon
-
Pag-aralan ang “Listahan ng mga Hamon” na kasunod nito. Bawat isa sa mga hamong ito ay tinatalakay sa buklet na ito. Sa tabi ng bawat hamon ay ang bahagi kung saan ito tinatalakay.
-
Pumili ng isang hamon na gusto mong gawin. Isulat ang hamon sa “Challenge Log.” Isulat din ang petsa ng iyong pagsisimula.
-
Pumunta sa bahagi ng buklet na ito na nagbibigay ng mga mungkahi para madaig ang hamong iyon.
-
Basahin ang mga mungkahi sa bahaging iyon. Pumili ng isa o higit pa sa mga mungkahi na makatutulong sa iyo.
-
Isulat ang (mga) mungkahi sa “Challenge Log” sa ilalim ng “Plano para sa Pagpapabuti.” Isulat din kung ano ang gusto mong maisagawa sa ilalim ng “Inaasahang Resulta.”
-
Ibahagi ang iyong plano sa isang accountability partner, tulad ng magulang o service mission leader, para matulungan ka ng taong ito sa iyong plano.
-
Sa susunod na linggo, subukang gamitin ang mga mungkahi. Bawat araw, lagyan ng tsek ang “Challenge Log” para ipakita ang iyong progreso.
-
Sa katapusan ng linggo, alamin kung ano ang umubra at ano ang hindi umubra. Irekord din ang iyong personal na buod sa linggo.
-
Magpasiya kung patuloy na gagawin ang mga parehong mungkahi sa loob pa ng isang linggo. Maaari ka ring pumili ng iba pang mga mungkahi para sa hamong ito at gawin ito. O kung maganda ang iyong pag-unlad, maaari kang magpasiya na pumili ng isa pang hamon. Lumikha ng isa pang “Challenge Log” kung kailangan.