Service Missionary
Reassignment mula sa Isang Proselyting Mission


“Reassignment mula sa Isang Proselyting Mission,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary: Resource Booklet (2020)

“Reassignment mula sa Isang Proselyting Mission,” Pag-adjust sa Buhay ng Service Missionary

sama-samang binabasa ng mga service missionary ang mga banal na kasulatan

Reassignment mula sa Isang Proselyting Mission

Kapag idinestino ka sa isang service mission mula sa isang proselyting mission, ang reassignment ay hindi nakakaapekto sa iyong tungkulin bilang missionary.

Pagharap sa Pagbabago

  • Ang reassignment mula sa proselyting mission tungo sa isang service mission ay nakaka-trauma para sa maraming missionary. Maaari kang magkaroon ng maraming negatibong damdamin. Ngunit dapat mong malaman na alam ng Tagapagligtas ang iyong sitwasyon. Ang Kanyang pagmamahal sa iyo ay perpekto. Gusto pa rin at kailangan Niya ang iyong paglilingkod. Kailangan Niya ang iyong paglilingkod sa pagtatayo ng Kanyang kaharian bago Siya magbalik sa lupa.

  • Kadalasan ay nakokonsiyensya ang mga reassigned missionary. Pinagsisisihan nila na hindi nila nakayang manatili sa isang proselyting mission. Ang pakiramdam na nagkasala sila ay makahahadlang sa pagdama nila sa Espiritu. Kung ikaw ay nasa ganitong sitwasyon, alalahanin na kasama mo ang Espiritu. Walang magandang dahilan para makonsiyensya sa hindi pagkatapos ng isang proselyting mission. Ikaw ay kapwa handa at karapat-dapat na maglingkod (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:34).

  • Ang pakiramdam na nagkasala ay maaaring manggaling sa mga kemikal na reaksyon sa utak. Ang ganitong pakiramdam ay hindi maaaring bunga ng kasalanan. Mahalagang maunawaan at makilala ang pagkakaiba.

Tagumpay Pa Rin

Isipin ang kuwento tungkol kay Helaman at sa kanyang 2,060 na mga kabataang mandirigma (tingnan sa Alma 57:19–27). Lahat ng 2,060 na mga mandirigma ay nasugatan. Marami sa kanila ang hinimatay dahil sa pagkawala ng dugo. Himala na nakaligtas silang lahat. Gaano man karami ang sugat ng bawat isa, silang lahat na 2,060 ay nagtagumpay. Lahat sila ay handang maglingkod sa layunin ng kabutihan. Sila ay matatapat, masunurin, at matapang. Maaari mong sundan ang kanilang halimbawa at maging tapat na missionary.

Maaaring kabilang sa mga sugat sa gawaing misyonero ngayon ang pisikal, mental, at emosyonal na mga karamdaman. Ang mga karamdamang ito ay mula sa iba’t ibang pinagmumulan at mga dahilan. Maaari kang patuloy na maglingkod at magtagumpay. Ikaw ay handa at karapat-dapat at magagamit mo ang iyong mga kakayahan sa paglilingkod sa Diyos. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4.)

missionary na nag-aaral

Sa pagsulong mo sa bagong assignment mo, tandaan ang nagbibigay-inspirasyong mga salitang ito mula kay Elder Gerrit W. Gong: “Masusumpungan natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pag-uukol ng ating buhay para sa kapakanan ng Tagapagligtas” (“Pagiging Ganap kay Cristo,” Liahona, Hulyo 2014, 19). At palagi kang magkakaroon ng lakas sa pangako ng Tagapagligtas na: “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin. … Sapagka’t malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan” (Mateo 11:28, 30).

Patuloy na Umunlad

Ngayon na ikaw ay na-reassign, Ikaw ay muling nakatira sa iyong bahay. Sikaping huwag balikan ang mga dating gawi ng pagsalig sa iba. Ikaw ay missionary pa rin! Patuloy na magkaroon ng mga kasanayan ng isang adult, tulad ng mga ito:

  • Ikaw ang mag-asikaso sa sarili mong mga damit sa pamamagitan ng paglalaba, pagpapatuyo, at pagplantsa sa mga ito.

  • Ayusin ang iyong sarili. Maligo araw-araw, at humarap sa ibang tao bilang kinatawan ng Tagapagligtas.

  • Matutong magluto, mamili ng mga groseri, at bantayan ang kinakain mo.

  • Siguraduhing nag-eehersisyo ka araw-araw.

  • Matulog nang sapat para manatiling malusog at alisto.

  • Araw-araw na gawin ang personal na pag-aaral ng ebanghelyo at panalangin.

  • Magtakda ng mga abot-kayang mithiin, at isulat ang mga ito.