Seminary
Ang Patotoo ni Joseph Smith tungkol sa Aklat ni Mormon: “Isinalin … sa pamamagitan ng Kaloob at Kapangyarihan ng Diyos”


“Joseph Smith’s Testimony of the Book of Mormon: ‘Translated … by the Gift and Power of God,’” Book of Mormon Teacher Manual (2024)

“Joseph Smith’s Testimony of the Book of Mormon,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon

Ang Patotoo ni Joseph Smith tungkol sa Aklat ni Mormon

“Isinalin … sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos”

Joseph Smith

© 1998 David Lindsley

Paano lumabas ang Aklat ni Mormon? Paano ito isinalin ni Joseph Smith sa Ingles mula sa isang hindi kilalang wika? Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung paano lumabas ang Aklat ni Mormon “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 135:3).

Ang paglabas ng Aklat ni Mormon

icon, isulat
  1. Rebyuhin ang mga sumusunod na larawan na nagpapakita ng mga pangyayari sa panahon ng paglabas ng Aklat ni Mormon. Ayusin ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod kung kailan naganap ang mga pangyayari. Habang tinitingnan mo ang mga larawang ito, isipin kung ano kaya ang nadama ni Joseph Smith sa bawat isa sa mga pangyayaring ito.

    Matatagpuan ang mga tamang sagot sa katapusan ng lesson.

“Sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos”

Mag-isip ng isang taong kakilala mo na maaaring makinabang sa pag-aaral pa ng tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Maaaring ito ay isang tao na hindi miyembro ng Simbahan, o marahil ay miyembro ng Simbahan na nanghihina ang pananampalataya. Maikling ilarawan ang kanyang mga sitwasyon sa iyong study journal at tukuyin kung bakit makatutulong sa kanya na pag-aralan pa ang tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon.

Habang nag-aaral ka, maghanap ng katibayan ng katotohanan na inilabas ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos (tingnan sa pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon at Doktrina at mga Tipan 135:3).

Isinulat ni Joseph Smith ang tungkol sa kanyang karanasan sa paglabas ng Aklat ni Mormon.

Basahin ang “Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith” mula sa mga pambungad na pahina ng Aklat ni Mormon. Markahan ang mga ideya o detalye na maaari mong ibahagi sa taong naisip mo kanina. Kung may access ka sa mga digital na banal na kasulatan, maaari mong pakinggan ang teksto at sabayan ito sa iyong mga banal na kasulatan.

  • Anong mga pahayag ang nakita mo na nagpapahiwatig na inilabas ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos?

  • Sa iyong palagay, bakit si Joseph Smith ang napili upang magsalin ng Aklat ni Mormon, sa halip na isang kilalang iskolar sa panahong ito?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon na ibabahagi mo sa taong naisip mo?

Mga makasaysayang detalye

Pagkatapos matanggap ni Joseph Smith ang mga lamina, isinalin niya ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. “Kung minsan ay nagsasalin si Joseph sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pansalin [ang Urim at Tummim] at pagbabasa sa Ingles ng mga titik na nasa mga lamina. Madalas na mas kumbinyente para sa kanya na gamitin ang bato ng tagakita. Ilalagay niya ang bato ng tagakita sa kanyang sumbrero, ilalapat ang kanyang mukha rito upang takpan ang liwanag, at sisilipin ang bato. Ang liwanag mula sa bato ay kikinang sa kadiliman, magsisiwalat ng mga salita na idinidikta ni Joseph” (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 69–70).

25:5

Mga Taon ng Masayang Pagsasama

Saksihan ang karanasan ni Oliver Cowdery bilang tagasulat ni Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon.

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan: Maaari mo ring panoorin ang video na “Pagsalungat sa Lahat ng Bagay” sa SimbahanniJesucristo.org mula sa time code na 8:18 hanggang 9:24.

15:27

Opposition in All Things

Elder Oaks teaches how various forms of opposition in mortality help to further our growth.

Matapos makumpleto ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, kinailangan pa rin niyang maghanap ng maglilimbag nito. Hindi ito madali. Nakapanghihina ng loob ang pagkakumplikado ng napakahabang manuskritong ito at ang halaga ng paglilimbag at paggawa ng libu-libong kopya nito. Unang nilapitan ni Joseph si E. B. Grandin, isang manlilimbag sa Palmyra, at tumanggi ito. Pagkatapos ay naghanap siya ng isa pang manlilimbag sa Palmyra, na tumanggi rin sa kanya. Naglakbay siya patungong Rochester, 25 milya (40 km) ang layo, at nilapitan ang pinakakilalang tagapaglathala sa kanlurang New York, na tumanggi rin. Gusto namang gawin ito ng isang tagapaglathala sa Rochester, ngunit dahil sa mga pangyayari hindi naging katanggap-tanggap ang alternatibong ito.

Lumipas na ang mga linggo, at marahil nagugulumihanan na si Joseph sa mga humahadlang sa paggawa ng tungkuling iniatas sa kanya ng Diyos. Hindi ito ginawang madali ng Panginoon, ngunit ginawa niya itong posible. Ang ikalimang pagtatangka ni Joseph, ang muling paglapit sa tagapaglathalang si Grandin sa Palmyra, ay naging matagumpay. (Dallin H. Oaks, “Pagsalungat sa Lahat ng Bagay,” Liahona, Mayo 2016, 116)

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Paano naiimpluwensyahan ng mga makasaysayang detalyeng ito ang iyong personal na damdamin tungkol sa Aklat ni Mormon?

    • Ano ang itinuturo sa iyo ng paglabas ng Aklat ni Mormon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Pagpapaliwanag ng paglabas ng Aklat ni Mormon

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Isipin ang taong naisip mo kanina na maaaring makinabang sa pag-aaral pa ng tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Sumulat ng maikling buod para sa kanya. Isama ang mga detalye na makatutulong sa pagsagot sa mga tanong na maaaring mayroon siya. Ibahagi kung ano ang itinuturo ng mga pangyayaring ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Isiping isama ang iyong sariling patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at kung paano ito isinalin sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.

Ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga larawan sa simula ay D, C, B, A, E.