“Mosias 1: ‘Kung Hindi sa mga Laminang Ito,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Mosias 1,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Mosias 1
“Kung Hindi sa mga Laminang Ito”
Ano ang epekto ng mga banal na kasulatan sa pagpapanatili ng pananampalataya kay Jesucristo sa buong buhay mo? Itinuro ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak na lalaki ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga banal na kasulatan sa kanilang pananampalataya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan.
Ano ang mahalaga sa ating pananampalataya kay Jesucristo?
-
Ano kaya ang magiging buhay natin kung wala ang Aklat ni Mormon o iba pang mga banal na kasulatan?
ChurchofJesusChrist.org
Isipin ang mga sumusunod na tanong o sagutin ang mga ito sa iyong study journal:
-
Ano ang nararamdaman mo tungkol sa mga banal na kasulatan? Bakit?
-
Kung ipagpapatuloy mo ang iyong mga kasalukuyang gawi sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa susunod na ilang taon, sa palagay mo, paano ito makakaapekto sa iyo?
-
Kung hindi mo kinagawian ang pag-aaral ng mga banal na kasalukuyan sa ngayon, ano ang kailangan mong maunawaan o madama upang simulan mong pag-aralan ang mga ito?
Patuloy na pag-isipan ang mga tanong na ito habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito. Babasahin mo ang payo ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak na lalaki tungkol sa mga banal na kasulatan. Hangaring matuto sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung paano mapagpapala ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay.
Payo ni Haring Benjamin
Ang ama ni Haring Benjamin, si Mosias, ay binalaan ng Panginoon na dapat lisanin ng kanyang mga tao ang kanilang bayan. Nang sumunod sila, natuklasan nila ang mga tao ni Zarahemla (tingnan sa Omni 1:12–19). Ang dalawang grupong ito ng mga tao ay nagsama-sama sa ilalim ng pamumuno ni Mosias, na hinirang na hari, at kalaunan ay naging hari si Benjamin kasunod ng kanyang ama. Makatutulong na malaman pa ang tungkol kay Haring Benjamin bago mo pag-aralan ang itinuro niya sa kanyang mga anak.
Basahin ang Mga Salita ni Mormon 1:12–18 at Mosias 1:1, at alamin ang mga paghihirap na dinanas ni Haring Benjamin at ang mga paraan kung paano ka niya napahanga.
-
Ano ang nalaman mo?
-
Bakit kaya gugustuhin mong makinig sa payo ni Haring Benjamin?
Basahin ang Mosias 1:2–7, at alamin ang itinuro ni Haring Benjamin sa kanyang mga anak tungkol sa mga banal na kasulatan. Maaaring makatulong na malaman na “ang mga hiwaga ng Diyos ay mga espirituwal na katotohanang nalalaman lamang sa pamamagitan ng paghahayag” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hiwaga ng Diyos, Mga,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). ChurchofJesusChrist.org
Ito ang ilan sa mga alituntuning matututuhan natin mula kay Haring Benjamin:
-
Kung hindi natin palagian at masigasig na pag-aaralan ang mga banal na kasulatan, mawawala nang unti-unti ang ating pananampalataya.
-
Makikinabang tayo sa masigasig na pagsasaliksik ng mga banal na kasulatan.
-
Sa iyong palagay, bakit unti-unting mawawala ang ating pananampalataya kung hindi natin pag-aaralan ang mga banal na kasulatan?
Nangako ang Panginoon na pagpapalain tayo sa maraming paraan kapag binabasa natin ang mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod na talata at hanapin ang ilan sa mga pagpapalang ito:
Ang mga banal na kasulatan at ang ating pananampalataya
Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang ating mga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo—pananampalataya na Sila ay buhay; pananampalataya sa plano ng Ama para sa ating kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan; pananampalataya sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, na nagsakatuparan sa planong ito ng kaligayahan; pananampalatayang maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at pananampalatayang makilala “ang iisang Dios na tunay, at siyang [Kanyang] sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo” (Juan 17:3). (D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 34)
Ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan
Isipin ang pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan. Sa paanong mga paraan tumitindi ang iyong pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang masigasig mong pinag-aaralan ang salita ng Diyos? Mayroon ka bang anumang bagay na sa palagay mo ay nais ng Panginoon na gawin mo upang mas mapagbuti ang iyong pag-aaral? Maaari mong isulat sa iyong study journal ang anumang mithiin mo.