Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6: Unawain at Ipaliwanag


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6: Unawain at Ipaliwanag,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6

Unawain at Ipaliwanag

babaeng nagtuturo sa klase

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay ang tulungan kang maunawaan ang mga turo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa at maipaliwanag ang mga katotohanan mula sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Aklat ni Mormon.

Istratehiya

Isipin ang paborito mong sport, board game, card game, o video game.

rugby
  • Anong mga istratehiya ang makatutulong upang manalo sa paborito mong sport o laro? Bakit?

  • Bakit mahalagang magkaroon ng istratehiya o plano sa isang laro?

ChurchofJesusChrist.org

3:31
  • Bukod pa sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan, paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng mga istratehiya upang mas maunawaan ang mga salita ng Diyos sa mga banal na kasulatan?

  • Anong mga istratehiya ang ginamit mo na nakatulong sa iyo na maunawaan ang mga banal na kasulatan?

Maraming istratehiya ang makatutulong sa iyo na maunawaan nang mas malalim ang mga banal na kasulatan. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong sumubok ng isang istratehiya upang mas maunawaan ang isa o mahigit pang mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.

Nasa ibaba ang listahan ng mga doctrinal mastery passage mula sa unang bahagi ng Aklat ni Mormon. Pumili ng isa o mahigit pa na gusto mong maunawaan nang mas malalim.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Reperensyang Banal na Kasulatan

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Palalimin ang iyong pag-unawa

Basahin ang scripture passage o mga scripture passage na pinili mo.

  • Ano mula sa mga passage na ito ang gusto mong mas maunawaan? Anong mga istratehiya ang magagamit mo upang magawa ito?

Gamitin ang sumusunod na istratehiya, o isa pang alam mo, upang palalimin ang iyong pag-unawa sa passage o mga passage na pinili mo. Magkakaroon ka ng pagkakataong ipaliwanag ang natutuhan mo kalaunan sa lesson.

Ang magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay kadalasang may kasamang aktibidad sa pag-aaral ng banal na kasulatan na tinatawag na “Taludtod sa Taludtod,” kung saan ipinaliliwanag o binibigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang salita o parirala mula sa isang scripture passage. Upang makakita ng halimbawa ng aktibidad sa “Taludtod sa Taludtod,” tingnan ang “Huwag Matakot,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 32 o “Maglagay ng Saligan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2021, 19.

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

Gumawa ng sarili mong “Taludtod sa Taludtod” para sa isa sa mga doctrinal mastery passage na nakalista sa itaas. Kung mahilig ka sa sining, maaari kang magdagdag ng mga drowing o kulay sa iyong pahina ng “Taludtod sa Taludtod.” Gamitin ang mga sumusunod na tagubilin upang matulungan ka sa paggawa nito:

  1. Sa itaas ng pahina, isulat ang lahat ng salita ng scripture passage na pinili mo.

  2. Pumili ng kahit limang salita o parirala mula sa scripture passage na iyon at ilista ang mga ito sa kaliwang bahagi ng pahina. Mag-iwan ng sapat na espasyo upang makapagsulat ng mga tala sa tabi ng bawat salita o parirala.

  3. Maghanap at maglista ng mga kahulugan, paliwanag, halimbawa, kaugnay na banal na kasulatan, o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na makatutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang salita o pariralang ito mula sa scripture passage. Isulat ang mga ito sa tabi ng salitang nauugnay sa mga ito. Maaari kang gumamit ng mga kasangkapang tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, mga mensahe sa kumperensya, o mga magasin ng Simbahan.

  4. Sa isang bahagi ng iyong dokumento, magdagdag ng isang talata tungkol sa natutuhan mo o gusto mong matandaan mula sa scripture passage na ito. Isama ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Tagapagligtas, sa Kanyang Simbahan, o sa Kanyang misyon na iligtas tayo.

Kung gusto mo, ulitin ang aktibidad na ito sa isa pang doctrinal mastery passage mula sa listahan.

Ibahagi ang natutuhan mo

Maghanap ng malapit na kaibigan o kamag-anak na pagbabahagian mo ng iyong pahina ng “Taludtod sa Taludtod.” Ipaliwanag ang ilan sa natutuhan mo tungkol sa banal na kasulatang ito nang makibahagi ka sa aktibidad na ito.