Seminary
Pambungad sa Aklat ni Mormon: Ang Saligang Bato ng Ating Relihiyon


“Pambungad sa Aklat ni Mormon: Ang Saligang Bato ng Ating Relihiyon,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pambungad sa Aklat ni Mormon,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon

Pambungad sa Aklat ni Mormon

Ang Saligang Bato ng Ating Relihiyon

Batang lalaki na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Tinawag ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon na saligang bato ng ating relihiyon. Sa loob ng aklat ay ang isang paanyaya na itanong sa Diyos kung ito ay totoo. Milyun-milyong tao ang sumunod sa paanyayang ito at nakatanggap ng patotoo mula sa Espiritu Santo tungkol sa katotohanan ng Aklat ni Mormon. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madagdagan ang iyong hangaring pag-aralan ang Aklat ni Mormon araw-araw upang mapalakas ang iyong patotoo tungkol sa pagiging totoo nito.

Paghikayat sa pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw. Ang nakagawiang pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw ay magpapala sa mga estudyante sa buong buhay nila. Maghanap ng mga paraan upang maituro sa mga estudyante ang tungkol sa mga pagpapala ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa bawat araw.

icon, tagubilin sa pagtuturo

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o pakinggan ang mensahe ni Elder Gary E. Stevenson na “Basahin ang Aklat, Umasa sa Panginoon” mula sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2016.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Pagpapala mula sa Aklat ni Mormon

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaari mong ipakita ang sumusunod na listahan ng mga pagpapala na nagmumula sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon. Talakayin kung aling mga pagpapala ang pinakananaisin ng mga estudyante at kung paano maiimpluwensyahan ng mga pagpapala ang kanilang buhay sa araw-araw. Maaari ding ibahagi ng mga estudyante kung ano ang handa nilang gawin upang matanggap ang mga ito. Ang mga pagpapalang ito ay nakasaad sa mga pahayag ng propeta.

Ang ilan sa mga pahayag na ito ng propeta ay matatagpuan sa lesson, at ang iba ay nasa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon.”

Basahin at maaari mong markahan ang pahayag ni Joseph Smith sa talata 6 ng pambungad sa Aklat ni Mormon.

  • Ano ang pinakamahalaga para sa iyo mula sa pahayag ni Joseph Smith?

Ang saligang bato ng ating relihiyon

icon, tagubilin sa pagtuturo

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang gawain ng saligang bato (ang bato sa gitna sa itaas) ng isang arko. Ang isang opsiyon ay magpakita ng larawan ng saligang bato sa isang arko at sabihin sa mga estudyante na talakayin kung aling bato ang pinakamahalaga sa arko.

Arko

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994):

Ang Aklat ni Mormon ang saligang bato sa ating patotoo kay Jesucristo, na Siya mismong batong panulok ng lahat ng ginagawa natin. Pinatototohanan nito nang may kapangyarihan at kalinawan na totoong Siya ay buhay. …

… Ang Aklat ni Mormon ang saligang bato ng patotoo. Tulad ng arko na babagsak kung aalisin ang saligang bato, gayon din naman na ang buong Simbahan ay tatayo o babagsak ayon sa katotohanan ng Aklat ni Mormon. (Ezra Taft Benson, “Ang Aklat ni Mormon—Saligang Bato ng Ating Relihiyon,” , Okt. 2011, 54, 55)

Ang saligang bato ng ating patotoo kay Jesucristo

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng ang Aklat ni Mormon ang saligang bato ng ating patotoo kay Jesucristo?

Palaging nagpapatotoo ang mga manunulat sa Aklat ni Mormon tungkol kay Jesucristo.

2:35
icon, tagubilin sa pagtuturo

Maraming paraan upang makasali ang mga estudyante sa sumusunod na aktibidad. Maging malikhain, at maghanap ng mga paraan upang maisali ang bawat estudyante. Ang isang ideya ay bigyan ang bawat estudyante ng isang pahinang kopya mula sa Aklat ni Mormon at sabihin sa kanila na markahan ang bawat reperensya tungkol sa Tagapagligtas sa kanilang pahina. Pagkatapos ay maaaring ipakita ang mga pahina upang makita ng iba pang estudyante.

Pumili ng anumang pahina mula sa Aklat ni Mormon, at hanapin ang bawat reperensya tungkol sa Tagapagligtas sa pahinang iyon.

  • Ano ang nahanap mo tungkol sa Tagapagligtas?

  • Ano ang naipaunawa o naipadama sa iyo ng mga scripture passage na nahanap mo tungkol sa Tagapagligtas?

Isipin kung paano ka mapagpapala sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malakas na patotoo tungkol kay Jesucristo. Habang pinag-aaralan mo ang Aklat ni Mormon, hanapin ang mga reperensya tungkol kay Jesucristo at ang natutuhan mo tungkol sa Kanya. Kapag ginawa mo ito, lalago ang iyong kaalaman at patotoo tungkol sa Tagapagligtas.

Ang saligang bato ng ating patotoo

icon, tagubilin sa pagtuturo

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan nang mag-isa ang mga sumusunod na pahayag.

  • Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na naglalarawan sa iyong mga nadarama tungkol sa Aklat ni Mormon?

    • Nagtitiwala ako sa iba na nakatanggap ng kanilang sariling personal na patotoo at tiniyak sa akin na totoo ang Aklat ni Mormon.

    • Hindi ako sigurado kung alam kong totoo ang Aklat ni Mormon.

    • Nakatanggap ako ng patotoo mula sa Espiritu Santo na totoo ang Aklat ni Mormon.

  • Sa iyong palagay, bakit nais ng Ama sa Langit na malaman mo na totoo ang Aklat ni Mormon?

Basahin ang pangalawa sa huling talata sa pambungad, pati na rin ang Moroni 10:3–5, at alamin kung ano ang magagawa mo upang malaman kung totoo ang Aklat ni Mormon.

  • Ayon sa nabasa mo, ano ang kailangang gawin ng isang tao upang malaman kung totoo ang Aklat ni Mormon?

icon, tagubilin sa pagtuturo

Tulungan ang mga estudyante na tumukoy ng alituntunin tulad ng sumusunod: Kung babasahin ko ang Aklat ni Mormon, pagbubulay-bulayin ang mensahe nito, at magtatanong sa Diyos kung totoo ito, makatatanggap ako ng patotoo mula sa Espiritu Santo.

Ibinahagi ni Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano lumago ang kanyang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon habang patuloy siyang dumadalo sa seminary. Maaari mong panoorin ang “Ang Paglabas ng Aklat ni Mormon,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 12:03 hanggang 14:12.

17:12

Basahin ang huling talata sa pambungad sa Aklat ni Mormon, at alamin ang iba pang kaalaman na darating kasama ng patotoo sa Aklat ni Mormon.

  • Paano makakaimpluwensya sa iyong buhay ang pagkakaroon ng patotoo sa Aklat ni Mormon?

icon, tagubilin sa pagtuturo

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at anyayahan ang mga estudyante na magpatotoo rin.

Pag-aralan ang Aklat ni Mormon araw-araw

Si Pangulong Russell M. Nelson ay nangako sa ating lahat kung pag-aaralan natin ang Aklat ni Mormon araw-araw. Basahin ang sumusunod na pahayag, o panoorin ang video na “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” sa SimbahanniJesucristo.org mula sa time code na 11:52 hanggang 13:05.

2:3

Ipinangangako ko na sa mapanalanging pag-aaral ng Aklat ni Mormon araw-araw, makagagawa kayo ng mas maiinam na desisyon—sa araw-araw. Ipinangangako ko na habang pinagninilayan ninyo ang inyong pinag-aaralan, ang mga durungawan ng langit ay mabubuksan, at tatanggap kayo ng mga sagot sa inyong sariling mga tanong at patnubay sa inyong buhay. Ipinangangako ko na sa araw-araw ninyong dibdibang pag-aaral ng Aklat ni Mormon, mapoprotektahan kayo laban sa mga kasamaan ngayon, pati na sa laganap na salot ng pornograpiya at ng iba pang nakamamanhid na mga adiksyon.

Sa tuwing maririnig ko ang sinuman, pati na ang sarili ko, na nagsasabing, “Alam ko na ang Aklat ni Mormon ay totoo,” gusto kong isigaw na, “Maganda ’yan, pero hindi sapat!” Kailangan nating madama, sa “kaibuturan” ng ating puso [Alma 13:27], na ang Aklat ni Mormon ay di-maikakailang salita ng Diyos. Kailangang madama natin itong mabuti upang hindi natin naising mabuhay kahit isang araw nang wala ito. (Russell M. Nelson, “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?,” Liahona, Nob. 2017, 62–63)

  • Ano ang tumimo sa iyo mula sa pahayag na ito?

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa paanyayang basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw?

icon, tagubilin sa pagtuturo

Talakayin ang mga balakid sa pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw at ang mga paraan upang madaig ang mga ito.

Kung hindi pa nagtatakda ang mga estudyante ng personal na mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan na nauukol sa seminary credit para sa graduation, maaaring maging pagkakataon ito upang magawa nila ito. Kung nais ng mga estudyante, maaari nilang ibahagi ang kanilang mithiin sa isang kapamilya, lider ng Simbahan, o titser ng seminary. Maaari mong ibahagi ang mga personal na pagpapala na natanggap mo mula sa pagbabasa ng Aklat ni Mormon at anyayahan ang mga estudyante na gusto ring magbahagi.