“Joseph Smith’s Testimony of the Book of Mormon: ‘Translated … by the Gift and Power of God,’” Book of Mormon Teacher Manual (2024)
“Joseph Smith’s Testimony of the Book of Mormon,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon
Ang Patotoo ni Joseph Smith tungkol sa Aklat ni Mormon
“Isinalin … sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos”
Paano lumabas ang Aklat ni Mormon? Paano ito isinalin ni Joseph Smith sa Ingles mula sa isang hindi kilalang wika? Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung paano lumabas ang Aklat ni Mormon “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 135:3).
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang paglabas ng Aklat ni Mormon
-
Sa iyong palagay, ano ang maaaring nadama ni Joseph Smith sa bawat isa sa mga pangyayaring ito? Bakit?
“Sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos”
Mag-isip ng isang taong kakilala mo na maaaring makinabang sa pag-aaral pa ng tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon. Maaaring ito ay isang tao na hindi miyembro ng Simbahan, o marahil ay miyembro ng Simbahan na nanghihina ang pananampalataya. Maikling ilarawan ang kanyang mga sitwasyon sa iyong study journal at tukuyin kung bakit makatutulong sa kanya na pag-aralan pa ang tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon.
Habang nag-aaral ka, maghanap ng katibayan ng katotohanan na inilabas ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos (tingnan sa pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon at Doktrina at mga Tipan 135:3).
Isinulat ni Joseph Smith ang tungkol sa kanyang karanasan sa paglabas ng Aklat ni Mormon.
-
Anong mga pahayag ang nakita mo na nagpapahiwatig na inilabas ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos?
-
Sa iyong palagay, bakit si Joseph Smith ang napili upang magsalin ng Aklat ni Mormon, sa halip na isang kilalang iskolar sa panahong ito?
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon na ibabahagi mo sa taong naisip mo?
Mga makasaysayang detalye
Pagkatapos matanggap ni Joseph Smith ang mga lamina, isinalin niya ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. “Kung minsan ay nagsasalin si Joseph sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pansalin [ang Urim at Tummim] at pagbabasa sa Ingles ng mga titik na nasa mga lamina. Madalas na mas kumbinyente para sa kanya na gamitin ang bato ng tagakita. Ilalagay niya ang bato ng tagakita sa kanyang sumbrero, ilalapat ang kanyang mukha rito upang takpan ang liwanag, at sisilipin ang bato. Ang liwanag mula sa bato ay kikinang sa kadiliman, magsisiwalat ng mga salita na idinidikta ni Joseph” (Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 69–70).
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan: Maaari mo ring panoorin ang video na “Pagsalungat sa Lahat ng Bagay” sa SimbahanniJesucristo.org mula sa time code na 8:18 hanggang 9:24.
Matapos makumpleto ni Joseph Smith ang pagsasalin ng Aklat ni Mormon, kinailangan pa rin niyang maghanap ng maglilimbag nito. Hindi ito madali. Nakapanghihina ng loob ang pagkakumplikado ng napakahabang manuskritong ito at ang halaga ng paglilimbag at paggawa ng libu-libong kopya nito. Unang nilapitan ni Joseph si E. B. Grandin, isang manlilimbag sa Palmyra, at tumanggi ito. Pagkatapos ay naghanap siya ng isa pang manlilimbag sa Palmyra, na tumanggi rin sa kanya. Naglakbay siya patungong Rochester, 25 milya (40 km) ang layo, at nilapitan ang pinakakilalang tagapaglathala sa kanlurang New York, na tumanggi rin. Gusto namang gawin ito ng isang tagapaglathala sa Rochester, ngunit dahil sa mga pangyayari hindi naging katanggap-tanggap ang alternatibong ito.
Lumipas na ang mga linggo, at marahil nagugulumihanan na si Joseph sa mga humahadlang sa paggawa ng tungkuling iniatas sa kanya ng Diyos. Hindi ito ginawang madali ng Panginoon, ngunit ginawa niya itong posible. Ang ikalimang pagtatangka ni Joseph, ang muling paglapit sa tagapaglathalang si Grandin sa Palmyra, ay naging matagumpay. (Dallin H. Oaks, “Pagsalungat sa Lahat ng Bagay,” Liahona, Mayo 2016, 116)
-
Paano naiimpluwensyahan ng mga makasaysayang detalyeng ito ang iyong personal na damdamin tungkol sa Aklat ni Mormon?
-
Ano ang itinuturo sa iyo ng paglabas ng Aklat ni Mormon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?