“Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Mga Pambungad na Pahina ng Aklat ni Mormon
Buod
Tinawag ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon na saligang bato ng ating relihiyon. Lumabas ito “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos,” (Doktrina at mga Tipan 135:3), at maraming saksi ang nagpatunay sa mahimalang pinagmulan nito. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan at maipaliwanag ang mga layunin ng Aklat ni Mormon, madagdagan ang iyong hangaring pag-aralan ito araw-araw, at mapagnilayan ang iyong sariling patotoo tungkol sa katotohanan nito.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pahina ng Pamagat
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maunawaan at maipaliwanag ang mga layunin ng Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung bakit binibigyang-diin at ginagamit nang madalas ang Aklat ni Mormon sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
-
Content na ipapakita: Isang kagamitan o larawan ng isang kagamitan na maaaring hindi pamilyar sa mga estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room upang talakayin ang mga layunin ng Aklat ni Mormon. Maaaring mas komportableng magbahagi ang mga estudyante nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.
Pambungad sa Aklat ni Mormon
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring pag-aralan ang Aklat ni Mormon araw-araw upang mapalakas ang kanilang patotoo tungkol sa katotohanan nito.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o pakinggan ang mensahe ni Elder Gary E. Stevenson na “Basahin ang Aklat, Umasa sa Panginoon” mula sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2016.
-
Video: “Ang Paglabas ng Aklat ni Mormon” (17:12; panoorin mula sa time code na 12:03 hanggang 14:12)
-
Mga bagay na ihahanda: Isang kopyang pahina mula sa Aklat ni Mormon para sa bawat estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga handang estudyante na ibahagi kung paano nila minarkahan ang mga reperensya tungkol sa Tagapagligtas sa kanilang pahina ng Aklat ni Mormon. Maaari nilang itaas ang kanilang mga banal na kasulatan o ibahagi ang isang screenshot kung gumagamit sila ng mga digital na banal na kasulatan. Maaari din nilang ibahagi sa chat ang isang pangalan para sa Tagapagligtas o ang isang talata na pinakamahalaga para sa kanila.
Ang Patotoo ni Joseph Smith tungkol sa Aklat ni Mormon
Layunin ng lesson: Makatutulong ang lesson na ito sa mga estudyante na mas maunawaan at maipaliwanag kung paano lumabas ang Aklat ni Mormon “sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 135:3).
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang ibahagi kung ano ang nalalaman nila tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon at kung ano ang mga tanong nila tungkol dito.
-
Content na ipapakita: Ang mga larawan sa simula ng lesson (Ang mga ito ay maaaring ipakita sa silid-aralan, o ang mga kopya ay maaaring i-print at ipamahagi sa mga estudyante upang ayusin ayon sa pagkakasunud-sunod.)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ang lesson na ito ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para sa mga online activity. Halimbawa, maaari kang gumawa ng online quiz gamit ang mga larawan mula sa lesson at sabihin sa ang mga estudyante na sagutan ang quiz sa klase. Maaari ding makatulong na gumamit ng isang anonymous na online poll upang maisumite ng mga estudyante ang kanilang mga tanong tungkol sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon.
Ang mga Patotoo ng Tatlong Saksi at Walong Saksi
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng maraming saksi sa Aklat ni Mormon at pagnilayan ang kanilang sariling mga patotoo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga karanasan na nakatulong sa kanila o sa iba na malaman na ang Aklat ni Mormon ay mula sa Diyos.
-
Handout: “Ang Patotoo ng Tatlong Saksi at Walong Saksi”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa ilang estudyante na isama ang isang kapamilya o kaibigan sa online class upang ibahagi ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Aklat ni Mormon. Maaaring ibahagi ng mga taong ito ang kanilang patotoo ilang sandali bago ang pagtatapos ng lesson, kapag sinabi sa mga estudyante na magsulat ng kanilang sariling patotoo.
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw at mas makita ang mga ito tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pasalamatan ang Ama sa Langit sa kanilang mga personal na panalangin para sa nalaman nila tungkol sa plano ng kaligtasan. Maaari mong sabihin sa kanila na itanong din sa Kanya kung paano nila magagamit ang kaalamang iyon para sa kabutihan.
-
-