Seminary
Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7: “Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon”


“Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7: ‘Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7: ‘Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7

“Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon”

Si Nephi kasama si Lehi sa kanyang tolda

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na palaging naghahanda ng paraan ang Panginoon para maisakatuparan natin ang iniuutos Niya sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Nephi 3:7, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.

Pagkatutong ipaliwanag ang doktrina at mga alituntunin. Napapalawak ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa kapag ipinaliliwanag nila ang ebanghelyo sa isa’t isa. Gawing kaaya-aya ang kapaligiran kung saan komportable ang mga estudyante na ibahagi sa iba ang kanilang naunawaan sa mga katotohanan ng ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga karanasan nila o ng mga mahal nila sa buhay na nagpapakita na naghahanda ang Panginoon ng paraan para maisakatuparan ang iniuutos Niya sa atin.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ituturo pagkatapos ng lesson na “1 Nephi 3,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 1 Nephi 3:7. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Gamitin ang anumang epektibong paraan upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Nephi 3:7 at maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa scripture passage na ito.

Ang sumusunod na mga aktibidad ay mga mungkahi kung paano ito gagawin.

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay bigyan ka ng pagkakataong magsanay sa pagpapaliwanag ng mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa sarili mong mga salita. Napakaraming paraan para mapagpala mo ang buhay ng mga tao sa paligid mo habang mas nauunawaan at sinasanay mong ipaliwanag ang doktrina ng Tagapagligtas na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan.

Basahin ang 1 Nephi 3:7 at ibuod ang itinuturo nito sa sarili mong mga salita.

Sabihin sa bawat estudyante na ibahagi ang kanilang buod sa kapartner.

Subukang mag-isip ng sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao ang mga katotohanang itinuro sa talatang ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na maihanda ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong, maaari mong sabihin sa kanila na ipaliwanag ang kanilang mga sagot sa kapartner upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat estudyante na ipahayag nang malakas ang kanilang mga naisip.

  • Anong mga katotohanan mula sa talatang ito ang ibabahagi mo sa isang tao sa sitwasyong naisip mo? Bakit?

  • Ano ang iba’t ibang paraan na makapaghahanda ang Diyos ng paraan upang maisakatuparan natin ang iniuutos Niya?

  • Anong mga karanasan ang maibabahagi mo para maisalarawan ang katotohanan na naghahanda ang Diyos ng paraan upang maisakatuparan natin ang anumang iniuutos Niya sa atin?

Kung ginawa ng mga estudyante ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaari kang mag-anyaya ng mga boluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan.

Upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang reperensyang banal na kasulatan, maaari mong ipakita ang larawan ni Nephi na nakikipag-usap sa kanyang ama mula sa umpisa ng lesson. Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang larawan habang inuulit ang, “‘Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon’—1 Nephi 3:7,” nang maraming beses hangga’t kaya nila sa loob ng isang minuto.

Pagkatapos, upang matulungan ang mga estudyante na mas maisaulo ang doctrinal mastery passage na ito, maaari kang huminto nang isa o dalawang beses kapag may intermisyon sa lesson upang muling ipakita ang larawan at ipabigkas sa mga estudyante ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang reperensya.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Lahat tayo ay makakaranas ng mahihirap na sitwasyon at uutusan ng Diyos na gawin ang mahihirap na bagay sa ating buhay. Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa iyo na mapalakas mo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo sa pagharap mo sa mga sitwasyong ito.

Sa halip na gamitin ang mga sumusunod na sitwasyon, maaaring magtuon ang mga estudyante sa isang bagay na iniutos ng Panginoon na partikular na nauugnay sa kanilang buhay. Maaaring may natukoy sila na isang bagay sa lesson na “1 Nephi 3.” Kung gagawin ang pagbabagong ito, maaari mong hayaang gumawa ang mga estudyante nang mag-isa, dahil ang ilan sa mga bagay na pipiliin nilang pagtuunan ay maaaring napakapersonal.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at pumili ng isang sitwasyon na gusto mong pagtuunan para sa susunod na aktibidad.

  1. Mahal ni Sarah ang Panginoon at gusto niyang maglingkod sa Kanyang Simbahan. Gayunman, kamakailan lang ay nakatanggap siya ng tungkulin sa Simbahan na sa palagay niya ay hindi siya kwalipikadong gawin. Tinanggap niya ang tungkulin ngunit nag-aalangan siyang gawin ito.

    Maaari mong isingit ang anumang kautusan sa sumusunod na sitwasyon na makakaugnay nang mabuti ang mga estudyante. Ang ilang halimbawa ay pag-aayuno, pagbabayad ng ikapu, pagganap sa isang tungkulin sa Simbahan, o pagiging tapat.

  2. Nalulungkot si Rosa dahil nahihirapan siyang sundin ang isang kautusan. Sinusunod niya ang kautusan kung minsan ngunit hindi niya ito palagiang nagagawa.

Kung gagamitin mo ang mga iminumungkahing sitwasyon, maaari mong sabihin sa mga estudyante na bumuo ng mga grupo na may tatlong miyembro na magkakapareho ng piniling sitwasyon. Atasan ang bawat miyembro ng grupo na pag-aralan ang isa sa mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at sagutin ang mga tanong sa bahaging iyon. Pagkalipas ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa kanilang grupo.

Maaaring makatulong na magpakita o mag-print ng mga kopya ng mga sumusunod na bahagi upang magamit ng mga estudyante bilang sanggunian habang nag-aaral sila.

Kumilos nang may pananampalataya

Basahin ang talata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

  • Paano makatutulong kay Sarah o kay Rosa ang pahayag ni Elder Holland sa talata 6?

  • Kung hindi kaagad maisasakatuparan ni Sarah o ni Rosa ang iniuutos ng Diyos, paano makatutulong ang mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit sa talata 7?

  • Kung pareho kay Sarah o kay Rosa ang naiisip mo, ano ang nakatulong o makatutulong sa iyo na magpatuloy nang may pananampalataya kay Jesucristo?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong markahan ang kahit dalawang parirala o ideya na sa palagay mo ay makatutulong kay Sarah o kay Rosa.

  • Paano makatutulong kay Sarah o kay Rosa ang bawat isa sa mga pariralang pinili mo?

  • Ano ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit at sa pakikipag-ugnayan Niya sa Kanyang mga anak na maaaring makatulong?

  • Paano makatutulong ang pagtingin sa sitwasyon sa konteksto ng plano ng kaligtasan?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Basahin ang talata 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

  • Ano ang ipapayo mo kay Sarah o kay Rosa kung saan maghanap ng mga katotohanang makatutulong sa kanya?

Maglaan ng ilang minuto upang magsaliksik sa sources na itinalaga ng Diyos ng mga katotohanang sa palagay mo ay angkop sa sitwasyon. Ang isang source na maaari mong piliin ay ang listahan ng mga doctrinal mastery passage na matatagpuan sa dulo ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong basahin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Aklat ni Mormon, at hanapin ang mga posibleng makatulong. Tiyaking isama ang 1 Nephi 3:7 bilang isa sa iyong sources.

  • Ano ang nalaman mo na maibabahagi mo?

  • Paano nakagawa ng pagbabago sa iyong buhay ang mga katotohanang nalaman mo?

Maaari kang lumibot sa silid at tulungan ang mga estudyante na hindi sigurado kung paano maghanap ng mga scripture passage o pahayag ng mga lider ng Simbahan. Sa halip na bigyan sila ng angkop na reperensyang banal na kasulatan o pahayag, maaari mong ipakita sa kanila kung paano makikita ang hinahanap nila.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa susunod na lesson, huwag gumugol ng mahigit tatlo hanggang limang minuto sa pagrerebyu sa reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Nephi 3:7. Ang isang paraan para magrebyu ay ipakita ang larawan ni Nephi na siyang ginamit sa lesson na ito upang malaman kung naaalala pa rin ng mga estudyante ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ang reperensya. Maaari itong gawin sandali sa simula o katapusan ng bawat isa sa susunod na ilang lesson.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Reperensyang Banal na Kasulatan

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magbibigay [ang Diyos] sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”