Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 1: Markahan at Isaulo


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 1: Markahan at Isaulo,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 1: Markahan at Isaulo,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery sa Aklat ni Mormon 1

Markahan at Isaulo

Mga estudyante

Isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan ka sa pagsasaulo ng mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Layunin ng lesson na ito na tulungan ka na mahanap, markahan, at magsanay na isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 12 doctrinal mastery scripture passage sa Aklat ni Mormon.

Pagmamarka ng mga doctrinal mastery passage. Ang pagmamarka sa mga doctrinal mastery scripture passage na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas madaling maalala at mahanap ang mga ito. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang mga doctrinal mastery scripture passage sa paraang naiiba sa iba pang pagmamarka na ginawa nila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon. Makikita ng mga estudyante ang mga scripture passage na ito sa Doctrinal Mastery Core Document (2023) o sa doctrinal mastery app.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailangang ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

  • Bakit makatutulong na malaman ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery passage?

Upang matulungan kang matutuhan ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa unang 12 doctrinal mastery passage, maaari mong kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal o i-download ang Doctrinal Mastery app sa mobile device at gamitin ang mga aktibidad sa app upang matulungan ka sa pagsasaulo.

Ipakita ang sumusunod na chart, o magbigay ng kopya ng handout.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Reperensyang Banal na Kasulatan

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … [ng] pagkabihag at kamatayan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Depende sa laki ng iyong klase, maaari kang magtalaga sa bawat estudyante ng isa o mahigit pa sa 12 doctrinal mastery scripture passage. Kung kinakailangan, maaaring ibigay ang parehong doctrinal mastery passage sa maraming estudyante.

Maaaring lumibot ang mga estudyante sa silid-aralan at makipagtulungan sa isa pang kaklase na may ibang doctrinal mastery passage sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod (maaari mong isulat ang mga ito sa pisara):

  1. Magtanong upang mas makilala ang isa’t isa. (Halimbawa: “Ano ang isa sa mga libangan mo?” “Ano ang isa sa mga paborito mong lugar na puntahan?”)

  2. Tulungan ang isa’t isa na hanapin at markahan ang naka-aasign na doctrinal mastery scripture passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  3. Ibahagi kung paano maaaring maging pagpapala sa buhay mo ang malaman ang katotohanan sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  4. Subukang isaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.

Hikayatin ang mga estudyante na magpalitan ng mga kapartner pagkalipas ng ilang minuto. Sabihin sa kanila na magpatuloy na magpalitan ng kapartner hanggang sa matukoy o mamarkahan ng lahat ng estudyante ang lahat ng 12 doctrinal mastery scripture passage.