Seminary
2 Nephi 9:27–49: “Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan”


“2 Nephi 9:27–49: ‘Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 9:27–49,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 9:27–49

“Ang Maging Espirituwal sa Kaisipan ay Buhay na Walang Hanggan”

mga dalagitang nakangiti at naglalakad

Gaano kadalas mong naiisip kung saan ka aakayin ng iyong mga kilos at pag-uugali? Matapos ipahayag na si Jesucristo ay may kapangyarihang iligtas ang buong sangkatauhan mula sa mga epekto ng Pagkahulog, nagbabala si Jacob laban sa mga kilos at pag-uugali na naglalayo sa atin sa Panginoon. Nagpatotoo siya tungkol kay Jesucristo at kung ano ang magagawa natin upang lumapit sa Kanya at maligtas. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maiwasan ang mga pag-uugali na humahantong sa kalungkutan at naglalayo sa iyo kay Jesucristo.

Pagtatanong ng mga bagay na nag-aanyaya ng introspeksyon. Ang introspeksyon at pagsusuri sa sarili ay maaaring mag-anyaya sa Espiritu Santo na tulungan ang bawat estudyante na makita ang mga bagay “kung ano talaga ang mga ito, at … kung ano talaga ang magiging ito” (Jacob 4:13). Ang epektibong pagsusuri sa sarili ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang kasalukuyan nilang nauunawaan tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo at ang kanilang mga hangarin o motibo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin kung alin sa kanilang mga ginagawa mula ngayon hanggang sa susunod na klase ang nagpapadama sa kanila na mas napapalapit sila sa Diyos at kung alin ang nagpapadama sa kanila na mas napapalayo sila sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagkakalayo sa Diyos

Bago magklase, maaari kang magtago ng isa o mahigit pang mga piraso ng candy (o iba pang bagay na maaaring masiyahan ang mga estudyante sa paghahanap) sa isang parte ng silid. Sabihin sa ilang estudyante na hanapin ang mga bagay na ito. Mag-alok ng tulong sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tulad ng mainit at mas mainit kapag ang mga estudyante ay mas napapalapit sa lugar kung saan nakatago ang mga bagay at gumamit ng mga salitang tulad ng malamig at mas malamig kapag mas napapalayo sila. Kapag nakita na ang candy o iba pang mga bagay, pag-isipang itanong ang tulad ng mga sumusunod:

  • Paano nakatulong sa inyo ang mga pahiwatig para mahanap ang mga bagay na ito?

  • Bakit maaaring hindi sundin ng isang tao ang mga pahiwatig na tutulong sa kanya na magkaroon ng isang bagay na makabuluhan?

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang sumusunod na talata:

Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buhay na nadama mong malapit ka sa Diyos at ang mga pagkakataong nadama mong malayo ka sa Kanya. Ano ang ilang gawain na maaaring humantong sa mga resultang ito?

  • Ano ang nalaman mo?

  • Ano sa palagay mo ang nakatulong kay Jacob na madama ang inilarawan niya sa 2 Nephi 9:49?

Isipin ang sarili mong buhay at kung gaano ka kalapit sa Diyos sa kasalukuyan. Habang pinag-aaralan mo pa ang tungkol sa sermon ni Jacob sa 2 Nephi 9, maghanap ng mga turo na makatutulong sa iyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

“Makinig sa aking mga salita”

Matapos ituro ang tungkulin ni Jesucristo sa pagtulong sa atin na madaig ang kasalanan at kamatayan (tingnan sa 2 Nephi 9:1–26), binalaan ni Jacob ang mga Nephita laban sa mga pag-uugali at gawi na maglalayo sa kanila sa Tagapagligtas.

Maaari mong hatiin ang klase sa dalawa at paghiwalayin ang sumusunod na reading assignment. (Maaaring basahin ng kalahati ng klase ang 2 Nephi 9:27–30, at maaaring basahin ng natitirang kalahati ang 2 Nephi 9:31–38.)

Basahin ang 2 Nephi 9:27–38, at alamin ang mga pag-uugali at kilos kung saan nagbabala si Jacob. Maaari mong ilista ang mga ito habang nagbabasa ka.

Isipin kung paano naaangkop sa mga tinedyer ngayon ang bawat isa sa mga gawi kung saan nagbabala si Jacob. Halimbawa, bagama’t karamihan sa mga tinedyer ay hindi nakikisangkot sa pagpaslang, makatutulong sa iyo ang talata 35 na tandaang umiwas sa mararahas na kaisipan, damdamin, at gawi (tingnan sa Mateo 5:21–22, 38–42).

Ang isang paraan upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano nauugnay ang mga turo ni Jacob sa kanilang buhay ay anyayahan silang tukuyin ang mga turo mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (buklet, 2022) na nauugnay sa 2 Nephi 9. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan at ibahagi sa klase ang ilan sa mga payo na mahahanap nila. Kabilang sa mga halimbawa ng mga turo ang mga walang-hanggang katotohanan, paanyaya, at ipinangakong pagpapala sa mga pahina 31–32 (na may kaugnayan sa mga talata 28–29, 34) at mga turo tungkol sa batas ng kalinisang-puri sa mga pahina 23–28 (kaugnay ng talata 36).

  • Ano ang ilang halimbawa kung paano nauugnay ang mga turo ni Jacob sa mga tinedyer ngayon?

  • Paano nakakaapekto ang mga pag-uugali at gawi na itinala ni Jacob sa ating kaugnayan sa Diyos?

Ang isang taong nagpapakita ng mga gawi at pag-uugali kung saan nagbabala si Jacob ay mailalarawan bilang “mahalay sa kaisipan” (2 Nephi 9:39).

Basahin ang 2 Nephi 9:39, at alamin ang itinuro ni Jacob tungkol sa mga epekto ng pagiging mahalay sa kaisipan at pagiging espirituwal sa kaisipan.

Upang matulungan ang mga estudyante na isapuso ang mga turo ni Jacob sa 2 Nephi 9:39, maaari mo silang anyayahang magdrowing o gumawa ng meme na naglalarawan ng pariralang “ang maging espirituwal sa kaisipan ay buhay na walang hanggan.”

  • Ano ang natuklasan mo?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pagiging espirituwal sa kaisipan?

Mula sa talatang ito, nalaman natin na ang pagiging mahalay sa kaisipan ay humahantong sa kamatayang espirituwal. Ang pagiging espirituwal sa kaisipan ay humahantong sa buhay na walang hanggan.

  • Ano ang ilang gawain sa araw-araw na magagawa mo upang manatiling nakatuon ang iyong isipan kay Jesucristo?

3:29

Lumapit sa Banal ng Israel

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan kung paano naaangkop sa kanilang sarili ang natututuhan nila. Maaari kang magtanong ng ilang bagay tulad ng mga nakalista sa sumusunod na talata, ngunit huwag sabihin sa mga estudyante na magbahagi.

Isiping muli ang mahalay sa kaisipan at pag-uugali na itinala ni Jacob sa 2 Nephi 9:27–38. Alin sa mga babalang ito ang pinakamahirap para sa inyo? May mga pagbabago ba kayong magagawa na makatutulong sa inyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Isipin kung anong mga hakbang ang maaari ninyong gawin.

Habang iniisip mo ang sarili mong kalagayan, basahin ang mga salita ni Jacob sa 2 Nephi 9:40–45. Hanapin ang kanyang mga turo, lalo na ang mga tungkol sa Tagapagligtas, na maaaring makatulong sa iyong kasalukuyang sitwasyon.

  • Anong mga salita at parirala ang pinakamakabuluhan para sa iyo? Bakit?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa “kadakilaan ng Banal ng Israel” (talata 40) na maging mas espirituwal sa kaisipan?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila mula sa lesson ngayon. Anyayahan sila na isulat sa kanilang study journal ang mga saloobin at impresyon nila. Kapag natapos na sila, maaari mong anyayahan ang ilang boluntaryo na ibahagi ang ilan sa isinulat nila kung hindi ito masyadong personal. Patotohanan ang mga katotohanang tinalakay mo.