Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3

Unawain at Ipaliwanag

mga kabataang nag-uusap-usap

Ang pag-unawa sa mga partikular na scripture passage at pagkakaroon ng kakayahang maipaliwanag ang mga katotohanang itinuturo ng mga ito ay mahalaga sa pagtatamo ng kahusayan sa doktrina. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang madagdagan ang iyong pag-unawa at magtutulot sa iyo na magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.

Lalo pang kilalanin ang iyong mga estudyante. Maghanap ng mga pagkakataong makilala ang mga estudyante. Ang pagmamasid at mga tapat na tanong ay makatutulong sa iyo na malaman pa kung ano ang mahalaga sa bawat estudyante. Kapag mas naunawaan mo pa ang tungkol sa iyong mga estudyante, matutulungan ka ng Espiritu Santo na ituon ang iyong pagtuturo sa kanilang mga pangangailangan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na makabuluhan sa kanila at maghandang ibahagi sa klase kung bakit makabuluhan ang scripture passage na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng iyong area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage

Ang lesson na ito ay maaaring iangkop depende sa mga pangangailangan ng klase. Halimbawa, maaaring makatulong na pag-aralan lang ang mga scripture passage na napag-aralan na ng mga estudyante sa taong ito.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbanggit ng marami sa unang 12 doctrinal mastery reference ng Aklat ni Mormon hangga’t kaya nila. Ilista sa pisara ang mga reperensyang banal na kasulatan na ito kapag nabanggit ang mga ito. Ipakita ang sumusunod na chart upang makatulong kung kinakailangan. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Reperensyang Banal na Kasulatan

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

  • Sa palagay ninyo, alin sa mga scripture passage na ito ang lubos ninyong nauunawaan?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo para maunawaan ang (mga) katotohanan ng scripture passage na iyon?

    Kung natapos ng mga estudyante ang paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito, maaari mong sabihin sa kanila na ibahagi kung aling mga scripture passage ang naging makabuluhan sa kanila at bakit. Maaari mong gamitin ang talakayang ito upang matulungan ang mga estudyante na malaman kung gaano nila nauunawaan ang mga scripture passage at kung may mga scripture passage na gusto nilang mas maunawaan.

Pumili ng kahit isa man lang sa mga doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na gusto mong mas maunawaan at kumpletuhin ang isa sa mga sumusunod na aktibidad upang matulungan kang mapalalim ang iyong pag-unawa sa doktrinang itinuturo nito. Kung mabilis kang matatapos, pumili ng isa pang doctrinal mastery passage at kumpletuhin ang isa pang aktibidad.

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na opsiyon para sa mga estudyante habang nag-aaral sila. Maaari ka ring magdala ng mga bagay sa klase upang magamit ng mga estudyante para sa opsiyong “Paghahambing.” Ang mga estudyante ay maaari ding maging malikhain at gumamit ng karagdagang resources sa silid-aralan upang makagawa ng mga paghahambing.

Aktibidad A: Pagsasalarawan

Magdrowing, gumawa ng collage, meme, word art, word cloud, o iba pang visual representation na nagpapakita ng itinuturo ng iyong doctrinal mastery passage.

I-click ang mga link na ito para sa ilang halimbawa:

Aktibidad B: Pagbabahagi sa iba

Gumawa ng plano upang ituro ang iyong doctrinal mastery passage. Maaaring kabilang dito ang mga tanong mo upang matulungan ang mga tinuturuan mo na mas maunawaan ang doctrinal mastery passage. Maaari ka ring gumawa ng video kung saan sinasagot mo ang mga tanong na ginawa mo o ipinapaliwanag mo ang kahulugan ng mahahalagang salita at parirala.

Aktibidad C: Pag-aaral nang mag-isa

Pumili ng isa o dalawang mahalagang salita mula sa doctrinal mastery passage na pag-aaralan. Gamitin ang mga tulong sa pag-aaral sa iyong mga banal na kasulatan, ang Gospel Library app, o iba pang sources na itinalaga ng Diyos upang matukoy ang mga kahulugan, mga posibleng cross-reference, o mga pahayag ng mga lider ng Simbahan na nagpapalalim sa iyong pag-unawa. Itala ang natutuhan mo, kabilang na ang itinuturo sa iyo ng mga bagay na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Aktibidad D: Paghahambing

Tukuyin ang mga nahahawakang bagay o gumawa ng analohiya na maaaring kumatawan sa doctrinal mastery passage o mga salita at parirala mula sa doctrinal mastery passage. Halimbawa, para sa 2 Nephi 2:27, maaari kang maglagay ng susi sa isang kamay upang ilarawan na tayo ay “malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan” at kandado sa isa pang kamay upang kumatawan sa “pagkabihag at kamatayan.”

Matapos magkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante sa aktibidad na ito sa pag-aaral, mag-anyaya ng mga boluntaryo na magbahagi ng isang bagay mula sa mga aktibidad na pinili nila. Maaari nilang ibahagi ang kanilang artwork, ang mga tanong na naisip nila, mga natutuhan nila mula sa kanilang pag-aaral, o ang mga bagay na ginamit nila sa paghahambing.

Ang pagbabahaging ito ay maaaring gawin sa maliliit na grupo, bilang isang klase, o pareho. Bilang bahagi ng talakayan, maaaring sagutin ng mga estudyante ang mga sumusunod na tanong para sa isa o mahigit pa sa mga banal na kasulatan na pinili nila.

  • Sa palagay mo, bakit mahalaga para sa iyo na maunawaan ang doctrinal mastery passage na pinili mo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa doctrinal mastery passage na ito upang madagdagan ang iyong pananampalataya kay Jesucristo o maging higit na katulad Niya?