Seminary
2 Nephi 11–19: Buod


“2 Nephi 11–19: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 11–19: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 11–19

Buod

Labis na nalugod si Nephi sa pagsaksi ng kanyang kapatid na si Jacob at ng propetang si Isaias kaya’t itinala niya ang mga ito kasama ang kanyang sariling pagsaksi tungkol kay Jesucristo. Ganito ang sinabi niya tungkol kay Isaias, “Ang aking kaluluwa ay nalulugod sa kanyang mga salita” (2 Nephi 11:2). Gumamit si Isaias ng simbolikong pananalita upang ilarawan ang kapangyarihan at kabanalan ng Panginoon. Nagpropesiya rin Siya tungkol sa Tagapagligtas, habang itinatala ang ilan sa Kanyang mga titulo at katangian.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

2 Nephi 11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalakas ang patotoo ng mga estudyante tungkol sa realidad ni Jesucristo.

2 Nephi 12–15

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga simbolikong propesiya ni Isaias at pag-isipan kung paano makatutulong ang mga propesiyang ito sa kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipaliwanag sa mga estudyante na isinulat ni Nephi ang maraming kabanata ng mga propesiya ni Isaias sa kanyang sariling talaan at gumamit si Isaias ng maraming simbolismo. Basahin ang 2 Nephi 12:1–3 o 2 Nephi 14:5–6 at pag-isipan kung ano ang maaaring ibig sabihin ng mga talatang ito.

  • Nilalamang ipapakita: Sa isang panig ng pisara, isang drowing ng bundok, na may nakasulat na reperensyang 2 Nephi 12:1–3; sa kabilang panig ng pisara, isang drowing ng ulap at haliging apoy, na may nakasulat na reperensyang 2 Nephi 14:5–6

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Sa pag-aaral ng mga estudyante ng simbolismo ng bundok, ulap, at haliging apoy, maaari mong ilarawan o maaaring ilarawan ng isang estudyante ang mga simbolong ito gamit ang whiteboard tool. Habang tinatalakay ng mga estudyante kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolong ito, maaaring magdagdag ng mga tala malapit sa paglalarawan.

2 Nephi 16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kakayahan ng Panginoon na patawarin at linisin sila.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong: Ano ang nais ng mapagmahal na Diyos na maunawaan natin kapag sa palagay natin ay hindi tayo nakasasapat?

  • Mga larawang ipapakita: Ilang larawan ng Tagapagligtas na nagpapakita sa mga tao sa mundo

2 Nephi 17–19

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magtiwala kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang mga katangian at titulo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sa kanilang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, sabihin sa mga estudyante na tumukoy ng anumang titulo ng Tagapagligtas at pag-isipan kung ano ang maaaring ibig sabihin ng mga titulong iyon at kung paano ito makatutulong sa kanila na mas pagkatiwalaan at mahalin ang Tagapagligtas.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mga kabanatang ito, maaari mong anyayahan ang ilan sa kanila na kumatawan kay Haring Achas ng Juda; sa anak niyang si Haring Hezekias; kay Haring Resin ng Siria; kay Haring Peka ng Israel; at sa hari ng Asiria. Maaaring maghanda ng mga name tag ang mga estudyante bago magklase o palitan pansamantala ang profile name nila ng pangalan ng taong kinakatawan nila. Maaari mong anyayahan ang estudyanteng kumakatawan kay Haring Achas na basahin ang mga salita ng Panginoon sa kanya sa 2 Nephi 17:3–4, 7 at ang estudyanteng kumakatawan kay Haring Hezekias na basahin ang 2 Nephi 18:11–13, 17.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang doktrinang itinuro sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng isang paboritong scripture passage at sabihin kung bakit isa ito sa kanilang mga paborito. Maaari mong hilingin sa kanila na isama kung paano ito naaangkop sa kanilang buhay. Maaaring makatulong na anyayahan ang ilang estudyante na dumating na handang magbahagi.

  • Handout: Ang chart ng mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan