“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 4
Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Scripture Passage
Ipinamumuhay natin ang mga banal na kasulatan gamit ang doktrina at mga alituntuning nilalaman ng mga ito upang tulungan tayong maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang doktrinang itinuturo sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Nakagagawa ba ito ng kaibhan?
-
May paborito ka bang scripture passage? Bakit mo ito naging paborito?
Kadalasan, ang mga passage na pinakamahalaga sa atin ay ang mga talatang ipinamumuhay natin. Halimbawa, ang mga ito ay maaaring sumagot ng isang mahirap na tanong, maghatid sa atin ng kapayapaan sa mahirap na panahon, o tumulong sa pagkakaroon ng ating patotoo.
ChurchofJesusChrist.org
Maaari tayong magbasa ng mga banal na kasulatan. Nagtuturo ito sa atin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, ang kalawakan ng Kanyang Pagbabayad-sala, at ang dakilang plano ng kaligayahan at kaligtasan ng ating Ama. Ang araw-araw na masigasig na pag-aaral ng salita ng Diyos ay mahalaga para sa espirituwal na kaligtasan lalo na sa tumitinding ligalig sa panahong ito. Kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Cristo araw-araw, ang mga salita ni Cristo ay magsasabi sa atin kung paano tumugon sa mga paghihirap na hindi natin inakalang dadanasin natin. (Pangulong Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, May 2020, 89)
-
Ano ang pinakatumimo sa iyo mula sa pahayag ni Pangulong Nelson?
Mga doctrinal mastery reference ng Aklat ni Mormon at mahahalagang parirala nito
Ang ibig sabihin ng pagsasabuhay ng mga banal na kasulatan ay tinutukoy natin ang mga scripture passage na tumutugma sa ating mga pangangailangan, at pagkatapos ay kumikilos ayon sa itinuturo sa atin ng mga scripture passage na iyon. Upang matulungan kang maunawaan ang prosesong ito, basahin ang mga sumusunod na sitwasyon:
-
May mahirap na desisyong kailangang gawin si Guillermo at natatakot siya na mali ang mapipili niya.
-
Nahihirapan si Maggie na sundin ang isang kautusan.
Basahin ang mga sumusunod na doctrinal mastery reference ng Aklat ni Mormon at mahahalagang parirala nito. Hanapin ang mga doctrinal mastery reference na sa palagay mo ay naaangkop kay Guillermo o Maggie. Kung sa palagay mo ay maaaring makatulong ang isang partikular na scripture passage, tiyaking basahin ito nang buo at hindi lamang ang mahalagang parirala nito na nakalista sa ibaba.
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ang mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
Paano makatutulong ang mga banal na kasulatan?
-
Anong mga doctrinal mastery passage ang makatutulong kay Guillermo o Maggie? Bakit?
-
Ano ang maaaring gawin nina Guillermo at Maggie dahil sa mga katotohanang itinuro sa mga talatang ito?
Pagsasabuhay natin ng mga banal na kasulatan
Pag-isipan ang mga pangangailangan o hamon na mayroon ka. Marahil ay kailangan mo ng tulong sa paaralan, mas magandang ugnayan sa iyong mga magulang o kapatid, higit na pananampalataya kay Cristo upang magsisi, o pagtitiis. Gumawa ng listahan ng iyong mga paghihirap o hamon sa iyong study journal. Subukang magsama ng anumang maiisip mo.
Pumili ng isa sa mga pangangailangan o hamon na isinulat mo.
Basahin ang mahahalagang parirala ng doctrinal mastery at tukuyin ang mga pariralang maaaring makatugon sa iyong mga pangangailangan, paghihirap, o hamon. Maraming doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong. Hingin ang patnubay ng Ama sa Langit sa iyong pag-aaral.
-
Aling mahahalagang parirala ng doctrinal mastery passage ang pinili mo?
-
Matutulungan ako ng talatang ito sa aking mga hamon sa pamamagitan ng …
-
Ang talatang ito ay tumutulong sa akin na maunawaan o sundin ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa pamamagitan ng …
-
Naniniwala ako na ang pamumuhay ng mga katotohanan sa mga talatang ito ay makapaghahatid sa akin ng kaligayahan dahil …
-