Seminary
2 Nephi 20–25: Buod


“2 Nephi 20–25: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 20–25: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 20–25

Buod

Maraming propeta, kabilang sina Nephi at Isaias, ang nagpropesiya tungkol sa 1,000 taon ng kapayapaan na tinatawag na Milenyo—ang paghahari ni Jesucristo sa milenyo. Matapos bigyang-diin ang kahalagahan ng mga turo ng propeta, nagpatotoo si Nephi na tanging si Jesucristo lamang ang may kapangyarihang iligtas ang lahat ng tao. Sa 2 Nephi 26, itinuro niya ang tungkol sa pananaw ng Diyos, at ipinaliwanag niya na “pantay-pantay ang lahat sa Diyos” (talata 33).

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

2 Nephi 21–24

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at mapaghandaan ang paghahari ng Tagapagligtas sa milenyo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang nalalaman nila tungkol sa Milenyo at dumating sa klase na handang magtanong tungkol dito.

  • Nilalamang ipapakita: Isang larawan ng mga renobasyon sa Salt Lake Temple; Ang listahan ng mga banal na kasulatan na nakasulat sa pisara o sa mga papel na nakadispley sa buong silid

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat feature upang isumite ang kanilang mga tanong tungkol sa Milenyo. Maaari din silang hatiin sa mga grupo ayon sa mga tanong nila, at italaga sa mga breakout room upang hanapin ang mga sagot.

2 Nephi 25

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano sila inililigtas ng biyaya ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang magsalita tungkol sa isang mensahe tungkol kay Jesucristo na nakaapekto sa kanila.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard o isang katulad na function kapag inanyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga tanong tungkol sa 2 Nephi 25:23. Maaari kang kumuha ng screenshot ng nakumpletong whiteboard at ipadala ito sa mga estudyante upang magamit sa paghahanap nila ng mga sagot.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang ilan sa natutuhan nila sa 1 Nephi 16 hanggang 2 Nephi 25 at dumating sa klase na handang magbahagi ng mga paboritong banal na kasulatan o mahahalagang katotohanan.

  • Item: Isang salamin

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag ipinaliwanag ng mga estudyante ang tungkol sa Pagkahulog nina Adan at Eva, maaari kang magsagawa ng pagsasadula kung saan gumaganap ka bilang investigator at dalawang estudyante ang gumaganap bilang mga missionary na nagtuturo. Bilang investigator, magtanong ng mga bagay na magbibigay-daan sa kanila na ipaliwanag pa ang kanilang paksa.

2 Nephi 26

Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na tulungan ang mga estudyante na makita, mahalin, at pakitunguhan ang kapwa tulad ng ginagawa ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa kanilang mga magulang o sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan kung paano nila sinusubukang makita ang kanilang kapwa tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas.

  • Nilalamang ipapakita: Iba’t ibang uri ng mga salamin sa mata (o mga larawan ng mga ito)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag pinag-aralan ng mga estudyante ang 2 Nephi 26:12–13, 23–33, maaari mo silang hayaang gumawa nang mag-isa sa loob ng maikling oras. Pagkatapos ay pagsamahin silang muli at sabihin sa kanila na iulat ang mga nalaman nila nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Ang mga karagdagang follow-up na tanong na iminumungkahi sa lesson ay maaaring ipakita upang mapili ng mga estudyante kung alin ang sasagutan nila.

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 26:33

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 26:33, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan: 2 Nephi 26:33, “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” Ang isang paraan upang magawa ito ay gamitin ang Doctrinal Mastery app.

  • Handout: “Kuwento ni George Rickford”