“2 Nephi 6–10: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 6–10: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
2 Nephi 6–10
Buod
Ang kapatid ni Nephi na si Jacob ay nagbahagi ng mga propesiya tungkol sa ating panahon at sa pagtitipon ng Israel na makatutulong sa atin na maunawaan ang ating tungkulin sa gawain ng Panginoon sa mga huling araw. Itinuro niya sa mga Nephita ang tungkol sa mga kalagayan ng buong sangkatauhan dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva. Ipinahayag niya na inililigtas tayo ni Jesucristo mula sa mga epekto ng Pagkahulog, at nagbabala siya laban sa mga gawain at pag-uugali na naglalayo sa atin kay Cristo. Inanyayahan niya ang kanyang mga tao na lumapit kay Cristo at magpakabusog sa mga pagpapala ng ebanghelyo.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
2 Nephi 6; 10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malaking hangaring makibahagi sa Panginoon sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga karanasan nila sa pakikibahagi sa pagtitipon ng Israel.
-
Video: “Pag-asa ng Israel” (1:01:34; manood mula sa time code na 39:36 hanggang 40:05 at mula sa time code na 40:29 hanggang 43:38)
-
Larawan: Isang watawat, bandila, o sagisag na itinataas
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Para sa aktibidad na “Gumawa ng planong tulungan ang Panginoon na tipunin ang Israel,” maaari mong i-copy at i-paste ang resources sa chat feature upang mabilis na ma-access ng mga estudyante ang mga ito. Maaaring makatulong din na bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto upang pag-aralan ang resources at paalalahanan sila kapag may isang minuto na lang silang natitira. Makatutulong ito para matapos nila ang kanilang pag-aaral at magkaroon ng oras na makabuo ng kanilang plano at ibahagi ito sa klase.
2 Nephi 9:1–26
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas pahalagahan ang tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa pagtulong sa atin na madaig ang kasalanan at kamatayan.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang 2 Nephi 9:1–26. Maaari nilang markahan sa naiibang paraan kung ano ang mangyayari sa atin kung wala ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, at maaari nilang markahan sa iba pang paraan ang maaaring mangyari sa atin dahil kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Content na Ipapakita: Ang chart na nagsasaad kung ano ang magiging buhay kung nariyan at kung wala ang Tagapagligtas
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard feature sa iyong videoconferencing app. Hayaang punan ng klase ang bawat bahagi ng chart habang sama-sama kayong nag-aaral at natututo.
2 Nephi 9:27–49
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maiwasan ang mga pag-uugali na humahantong sa kalungkutan at naglalayo sa kanila kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na bigyang-pansin kung alin sa kanilang mga ginagawa mula ngayon hanggang sa susunod na klase ang nagpapadama sa kanila na mas malapit sila sa Diyos at kung alin ang nagpapadama sa kanila na sila ay mas malayo sa Kanya.
-
Mga bagay: Isang aytem, tulad ng candy, kung saan masisiyahan ang mga estudyante na mahanap para sa larong “mainit o malamig” sa simula ng lesson
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bilang alternatibo sa paghahanda ng estudyante, sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga halimbawa ng mga espirituwal na tao na kilala nila. Kung maaari, pag-isipang hikayatin sila na magdala ng larawan ng taong pinili nila at itapat ito sa camera habang ibinabahagi nila ang kanilang mga iniisip.
2 Nephi 9:50–52
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mas naising hangarin ang mga pagpapala at kasiyahan na tanging si Jesucristo lamang ang makapagbibigay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga pagpiling ginawa nila, mga lugar na napuntahan na nila, o mga bagay na natutuhan nila na nagdala ng pangmatagalang kasiyahan sa kanilang buhay.
-
Mga bagay: Mga basong puno ng mga bagay na hindi makapapawi ng uhaw ng isang tao, tulad ng toyo, mustard, o tinunaw na caramel o tsokolate. (Maaari ka ring magdala ng ilang pagkain na hindi nakakabusog, tulad ng asin o maliit na mint, at mas nakakabusog na pagkain tulad ng prutas.)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Gumamit ng mga breakout room at sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa kanilang grupo ang isa o mahigit pang cross-reference na natagpuan nila para sa 2 Nephi 9:50–52. Maaari ding makipagtulungan ang mga estudyante sa kanilang mga grupo upang sama-samang maghanap ng mga cross-reference.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 3
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na palawakin ang pang-unawa ng mga estudyante at hayaan silang magsanay na ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na makabuluhan sa kanila at maghandang ibahagi sa klase kung bakit makabuluhan ang doctrinal mastery passage na ito.
-
Mga bagay: Anumang suplay na maaaring kailanganin ng iyong mga estudyante upang makumpleto ang aktibidad A, B, C, o D
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Isiping tulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga bagay at kasangkapan mula sa kanilang tahanan na magagamit nila upang magawa ang aktibidad A, B, C, o D. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga bagay.