Seminary
2 Nephi 31:1–13: “Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay”


“2 Nephi 31:1–13: ‘Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“2 Nephi 31:1–13,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

2 Nephi 31:1–13

“Pagsunod sa Halimbawa ng Anak ng Diyos na Buhay”

Binibinyagan ni Juan si Jesucristo

Ano ang ilang paraan na matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas? Itinuro ni Nephi na ang pagsunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo ay kinakailangan upang maligtas sa kaharian ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan at maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag at ng mga pagpapalang nagmumula rito.

Madalas na pagpapatotoo. Ang iyong patotoo ay makadaragdag sa pananampalataya ng iyong mga estudyante at makatutulong sa paglakas ng kanilang patotoo. Maghanap ng mga pagkakataong magpatotoo tungkol kay Jesucristo at magsalita tungkol sa Kanya nang may pagpipitagan, pasasalamat, at pagmamahal. Magbahagi ng mga personal na karanasan na nakatulong sa iyo na lumapit kay Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano nila ipaliliwanag kung bakit nanaisin ng isang tao na magpabinyag. Maaari din silang magtanong sa isa o dalawang kapamilya o kaibigan kung bakit nila piniling magpabinyag.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagsunod kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapabinyag

Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang layunin ng binyag at kung paano ito nakatutulong sa atin.

Ipagpalagay na tinuturuan ang kaibigan mong si Ada ng mga missionary ng Simbahan at talagang nasisiyahan siya sa karanasang iyon. Binabasa niya ang Aklat ni Mormon at nasisiyahan sa natututuhan niya. Inanyayahan siya kamakailan ng mga missionary na magpabinyag. Kinabukasan matapos ang paanyaya, ikinuwento sa iyo ni Ada ang tungkol dito at sinabi niyang, “Gusto kong magpabinyag, pero iniisip ko kung bakit napakahalaga nito kung sinisikap ko namang maging mabuting tao. Ano ang napakahalaga tungkol sa binyag?”

  • Sa palagay mo ba ay masasagot mo ang tanong ni Ada sa paraang makatutulong sa kanya na maunawaan ang kahalagahan ng binyag? Bakit oo o bakit hindi?

Sa pag-aaral mo ngayon, hanapin ang mga katotohanan na makatutulong sa iyo na mas maunawaan pa ang tungkol sa Tagapagligtas at kung bakit napakahalagang sundin ang Kanyang halimbawa ng pagpapabinyag. Pagnilayan kung paano ito nakaapekto sa iyong buhay at sa mga kakilala mo. Sa katapusan ng lesson, magkakaroon ka ng pagkakataong sagutin ang mahalagang tanong ni Ada.

Habang papalapit si Nephi sa pagtatapos ng kanyang mga isinusulat sa maliliit na lamina, ninais niyang magsalita tungkol sa “doktrina ni Cristo.” Maaari mong markahan ang pariralang ito sa 2 Nephi 31:2 at 2 Nephi 31:21.

Ang binyag ay mahalagang bahagi ng doktrina ni Cristo.

  • Ano ang alam mo tungkol sa pagbibinyag sa Tagapagligtas?

Pakinggang mabuti ang sasabihin ng mga estudyante. Kung makatutulong, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gawin ang isa sa mga sumusunod upang mapag-aralan ang tungkol sa binyag ng Tagapagligtas.

  • Basahin ang Mateo 3:13–17.

  • ChurchofJesusChrist.org

    2:54
  • ChurchofJesusChrist.org

    3:13

Si Jesucristo ay walang kasalanan, subalit Siya ay bininyagan. Basahin ang 2 Nephi 31:5–11 at alamin kung bakit bininyagan ang Tagapagligtas at kung ano ang natututuhan natin tungkol sa Kanya.

  • Ano ang nalaman mo?

    Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa Tagapagligtas at binyag. Kabilang sa ilang katotohanan na maaaring matukoy nila: Bagama’t walang kasalanan, si Jesucristo ay bininyagan upang tuparin ang lahat ng kabutihan, at si Jesucristo ang perpektong huwaran ng pagsunod. Maaari mong isulat sa pisara ang mga alituntuning ibabahagi ng mga estudyante. Gamitin ang alinman sa sumusunod na tanong upang mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante:

    Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Kung makatutulong sa talakayan, maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na tanong.

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sundin ang Tagapagligtas “nang may buong layunin ng puso, [at] nang walang pagkukunwari” (2 Nephi 31:13)?

  • Anong mga pagpapala ang ibinibigay ng Ama sa Langit sa mga taong taos-pusong sumusunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpapabinyag?

    Kung makatutulong, maaari mong isulat sa pisara ang anumang alituntuning matutukoy ng mga estudyante. Narito ang isang halimbawa: Kung taos-puso nating susundin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapabinyag, tatanggapin natin ang Espiritu Santo.

  • Paano napagpala ng paggabay ng Espiritu Santo ang buhay mo?

    Kung makatutulong sa mga estudyante na maunawaan pa ang mga tungkulin ng Espiritu Santo, maaari mo silang anyayahang pag-aralan ang 2 Nephi 31:13, 17 at basahin ang 2 Nephi 31:18; 32:3, 5, 8; at 33:1. Maaaring pag-isipan ng mga estudyante ang iba’t ibang tungkulin ng Espiritu Santo at ibahagi kung paano pinagpala ng Espiritu Santo ang kanilang buhay sa mga tungkuling ito.

  • Ano pa ang nalaman mo?

  • Ano ang pinakanapansin mo mula sa talata 5?

  • Ano ang pinatotohanan ni Jesus, o ipinangako Niyang gagawin Niya kaya Siya nagpabinyag? (tingnan sa 2 Nephi 31:7).

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas sa mga kautusan ng Ama at sa atin?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo na maghihikayat sa iyong tularan ang Kanyang halimbawa?

ChurchofJesusChrist.org

3:13

Ipinagpatuloy ni Nephi sa kanyang talaan ang pagpapatotoo sa mga pagpapala ng pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpapabinyag. Upang matulungan kang matuklasan ang mga pagpapalang ito, basahin ang 2 Nephi 31:12–13, 17. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa binyag, maaari mong pag-aralan ang ilan sa mga sumusunod: Juan 3:3, 5; Mga Gawa 2:38; Alma 7:14; 3 Nephi 11:33–34, 37.

Batay sa natutuhan mo, sumulat ng isang talata kay Ada. Tulungan siyang maunawaan ang tungkol sa binyag at kung bakit maaari niyang tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at magpabinyag tulad Niya. Isama ang sumusunod:

  • kahit dalawang banal na kasulatan na sa palagay mo ay makatutulong sa kanya

  • kung paano tayo mas inilalapit ng binyag sa Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas

    Maaari mong ipabahagi sa mga estudyante ang kanilang talata nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang isang klase. Maaaring epektibo ring mag-anyaya ng isang estudyante na pumunta sa harapan ng silid at gumanap na Ada. Mag-anyaya ng ibang estudyante na magbahagi ng isang bagay na inihanda nila upang tulungan si Ada. Pagkatapos ay itanong kung sino pa ang gustong magdagdag. Anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi. Maghanap ng mga paraan upang mahikayat ang mga estudyante na magtuon sa Tagapagligtas at magbahagi rin ng sarili nilang mga karanasan at ideya. Habang nagpapatuloy ang aktibidad, sabihin sa estudyanteng gumaganap na Ada na ibahagi kung ano ang madarama niya at magtanong ng anumang tanong na mayroon siya. Magpatuloy hanggang sa madama ng mga estudyante na natulungan nila si Ada.

  • Maaari kang magpahayag ng paghanga sa mga pagpiling maaaring nagawa ng mga estudyante upang mabinyagan sila. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong karanasan at patotoo tungkol sa binyag.

  • ang iyong mga personal na saloobin, karanasan, o patotoo tungkol sa binyag at sa paggabay ng Espiritu Santo

Upang tapusin ang lesson na ito, pag-isipan ang napag-aralan mo ngayon. Ano ang nadarama mo tungkol sa iyong pagpapabinyag? Ano ang maaari mong gawin upang patuloy na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas? Paano mo matutulungan ang iba na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas at magpabinyag? Maaari mong isulat ang mga ideya mo sa iyong study journal.