“2 Nephi 32:8–9: ‘Kinakailangan Kayong Laging Manalangin,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“2 Nephi 32:8–9,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Isa sa mga pinakamahalagang kautusan sa atin ay manalangin sa Ama sa Langit. Ngunit maraming bagay ang maaaring makahadlang sa ating pagdarasal. Ipinaalala ni Nephi sa mga tao ang kahalagahan ng panalangin at ang mga pagpapalang nagmumula sa palagiang pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madagdagan ang iyong hangaring makipag-ugnayan sa iyong Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin.
Pag-assess sa kaalaman ng mga estudyante. Ang bawat estudyante ay may iba’t ibang antas ng pag-unawa sa mga paksa ng ebanghelyo. Ang pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi ang nalalaman na nila ay makatutulong sa iyo na piliin kung anong mga bahagi ng lesson ang kailangang paglaanan ng oras ng mga estudyante.
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pansinin kung gaano sila kadalas manalangin at kung bakit.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Maaari kang magsimula sa sumusunod na aktibidad upang matulungan ang mga estudyante na isipin kung bakit at kailan sila nagdarasal.
Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag: Nagdarasal ako kapag …
Mag-isip ng maraming paraan na makukumpleto mo nang tumpak ang sumusunod na pahayag: Nagdarasal ako kapag …
Maaaring epektibong anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ang pahayag nang hindi nagpapakilala sa maliliit na piraso ng papel na maaari mong tipunin at basahin nang malakas.
ChurchofJesusChrist.org
2:3
Pag-isipan sandali kung gaano ka kadalas manalangin sa Ama sa Langit at kung bakit ka nagdarasal. Sa iyong patuloy na pag-aaral, isipin kung paano ka napagpala ng Ama sa Langit dahil sa iyong mga panalangin, pati na rin ang anumang mga paraan kung paano Niya nais na pagbutihin mo pa ang pakikipag-ugnayan mo sa Kanya.
Mga turo ni Nephi tungkol sa panalangin
Matapos turuan ni Nephi ang kanyang mga tao na manatili sa makipot at makitid na landas patungo sa buhay na walang hanggan at magpakabusog sa mga salita ni Cristo (tingnan sa 2 Nephi 31:19–20 ; 32:1–3 ), itinuro niya kung paano nila malalaman ang katotohanan ng Kanyang mga salita.
Basahin ang mga salita ni Nephi sa 2 Nephi 32:4, 7 .
Ano ang ilang bagay na hindi handang gawin ng mga tao ni Nephi?
Sa palagay mo, bakit ikalulungkot ito ni Nephi?
Pagkatapos ay patuloy na nagturo si Nephi tungkol sa kahalagahan ng panalangin.
Basahin ang 2 Nephi 32:8–9 , at alamin kung ano ang itinuro ni Nephi tungkol sa panalangin.
Ang 2 Nephi 32:8–9 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa natatanging paraan upang madali mong mahanap ang mga ito. Magkakaroon ka ng pagkakataon sa susunod na lesson na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuturo sa scripture passage na ito sa isang tanong o sitwasyon.
Hikayatin ang ilang estudyante na magbahagi. Habang nagbabahagi sila ng mga katotohanan, isulat ang mga ito sa pisara o hayaang isulat ng mga estudyante ang mga ito sa pisara. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katotohanan na maaaring matukoy ng mga estudyante:
Kabilang sa ilan sa mga katotohanang itinuro ni Nephi:
Kung palagi tayong mananalangin, ilalaan ng Diyos ang ating pagganap para sa kapakanan ng ating mga kaluluwa.
Nais ng Ama sa Langit na manalangin tayo.
Ayaw ni Satanas na manalangin tayo.
Kinakailangan tayong laging manalangin.
Pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit
Isaalang-alang ang ibinahagi na ng mga estudyante tungkol sa panalangin at pagkatapos ay alamin kung alin sa mga sumusunod na aktibidad ang maaaring may pinakamalaking maitutulong. O maaari mong ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na handout at sabihin sa kanila na gawin ang isa o dalawang aktibidad na sa palagay nila ay pinakamakatutulong sa kanila.
Maaaring gumawa ang mga estudyante nang mag-isa o kasama ang isang kaklase. Kung may kasama sila, maaari nilang ilahad ang kanilang mga natuklasan nang magkasama.
Pag-aralan Pa ang tungkol sa Panalangin
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“2 Nephi 32:8–9: ‘Kinakailangan Kayong Laging Manalangin”’
Ang isa sa mga paraan na “[tinuturuan tayo ni Satanas] na huwag [tayong] manalangin” ay sa pamamagitan ng pagtatangkang kumbinsihin tayo sa kasinungalingan na dahil nagkasala tayo, hindi na tayo karapat-dapat na manalangin.
Isipin ang mga pagpapala na sinusubukan ni Satanas na hindi natin matanggap kapag ginagawa mo ang mga sumusunod:
Naglalaan ng kaunting oras sa pag-aaral tungkol sa panalangin. Maaari mong hanapin ang panalangin sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan , saliksikin ang Mga Paksa ng Ebanghelyo , o maghanap ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya tungkol sa panalangin. Sa iyong pag-aaral, alamin ang mga pagpapala ng panalangin. Maaari ka ring mag-isip ng mga pagpapalang naranasan mo sa iyong buhay mula sa pagdarasal. Batay sa iyong pag-aaral at mga karanasan, isipin kung bakit nais ng Ama sa Langit na manalangin tayo at bakit tinutukso tayo ni Satanas na huwag manalangin.
ChurchofJesusChrist.org
3:29
Magsulat ng kahit dalawang katotohanan na natutuhan mo tungkol sa panalangin. Isama kung bakit sa palagay mo ay nais ng Ama sa Langit na manalangin tayo at kung bakit tinutukso tayo ni Satanas na huwag tayong manalangin.
Maaari mong markahan ang pariralang “laging manalangin, at huwag manghina” (2 Nephi 32:9 ).
Basahin ang Alma 34:21, 27 , at alamin kung ano ang maaaring ibig sabihin ng laging manalangin.
Bakit magiging pagpapala ang pagdarasal nang “umaga, tanghali, at gabi” (Alma 34:21 )?
Paano natin maibabaling ang ating puso sa Diyos, kahit hindi tayo nagdarasal?
Nagbigay si Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ng isang halimbawa kung ano ang maaaring ibig sabihin ng laging manalangin:
[Sumangguni] sa Ama sa Langit sa panalangin sa umaga. …
Sa buong maghapon, may panalangin tayo sa ating puso na patuloy tayong tulungan at gabayan. …
Sa pagtatapos ng araw natin, muli tayong lumuluhod at nag-uulat sa ating Ama. Iniisa-isa natin ang mga pangyayari sa maghapon at taos-pusong nagpapasalamat para sa mga pagpapala at tulong na natanggap natin. Nagsisisi tayo at, sa tulong ng Espiritu ng Panginoon, natutukoy ang mga paraan para magawa nating magpakabait at magpakabuti kinabukasan. Sa gayon ang ating panalangin sa gabi ay nakasalig at nakaugnay sa ating panalangin sa umaga. At ang panalangin natin sa gabi ay isa ring paghahanda para sa makahulugang panalangin sa umaga. (David A. Bednar, “Laging Manalangin ,” Liahona , Nob. 2008, 41–42)
Isulat sa sarili mong mga salita kung ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng laging manalangin.
Aktibidad C
Paano ilalaan ng Ama sa Langit ang ating mga pagsisikap para sa kapakanan, o kapakinabangan, ng ating kaluluwa?
Itinagubilin ni Nephi na “kayo ay mananalangin muna sa Ama sa pangalan ni Cristo, upang kanyang ilaan ang inyong pagganap sa kanya, nang [ito] ay maging para sa kapakanan ng inyong mga kaluluwa” (2 Nephi 32:9 ). Ang ibig sabihin ng ilaan ay gawing sagrado o ihandog.
Mag-isip ng kahit isang halimbawa kung saan pinagpala ng Ama sa Langit ang isang tao kapag siya ay nagdarasal at nagsisikap na gawin ang nais Niya. Maaaring ito ay isang personal na karanasan, halimbawa sa panahon ngayon, o maaari kang makakita ng isang salaysay sa mga banal na kasulatan (gamitin ang Index , o Gabay sa mga Banal na Kasulatan upang maghanap ng halimbawa kung kinakailangan).
Isulat ang halimbawa at kung ano ang itinuro nito sa iyo tungkol sa kung paano pagpapalain ng Ama sa Langit ang ating mga pagsisikap na isakatuparan ang Kanyang kalooban kapag nagdarasal tayo.
© 2024 ng Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Kabilang sa ilang halimbawa na maaaring maisip ng mga estudyante para sa Aktibidad C ay ang pagdarasal ni Nephi at nakalag ang kanyang mga gapos (tingnan sa 1 Nephi 7:16–19 ) at pagdarasal ni Lehi na humihingi ng patnubay upang matulungan si Nephi na makakuha ng pagkain para sa kanilang pamilya (tingnan sa 1 Nephi 16:21–26 , 30–32 ).
Anyayahan ang maraming estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa mga aktibidad na ginawa nila. Ang paggawa nito ay magbibigay-daan sa mga estudyante na matuto mula sa mga karanasan ng kanilang mga kaklase. Maaari ding magtanong ang mga estudyante kung mayroon silang katanungan. Kung magtatanong sila, sabihin sa iba pang mga estudyante na gamitin ang napag-aralan nila at ang sarili nilang karanasan upang makatulong sa pagsagot sa mga tanong.
Pagnilayan ang natutuhan mo ngayon. Maaari mong isulat kung ano ang gusto mong maalala o gawin dahil dito. Halimbawa, maaari mong dalasan ang iyong pagdarasal, sikaping maunawaan kung paano ka pagpapalain ng Panginoon kapag nagdasal at kumilos ka, o sikaping mapaglabanan ang anumang tuksong nadarama mo na huwag manalangin.
Kung sa palagay mo ay naaangkop, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na huminto at manalangin nang tahimik, at gawin ang naisip nila tungkol sa panalangin.
Ipinahayag ni Elder José A. Teixeira ng Korum ng Pitumpu:
8:26
Nabubuhay tayo sa panahon kung kailan sa isang pindot o voice command lamang ay makahahanap na tayo ng mga sagot sa anumang paksa sa napakaraming datos na tinipon at inorganisa and organized sa malawak at kumplikadong network ng mga computer.
Sa kabilang banda, simple lamang ang paanyaya sa atin na magsimulang maghanap ng mga sagot mula sa langit. “Manalangin tuwina, at aking ibubuhos ang aking Espiritu sa [inyo].” Kasunod nito, nangangako ang Panginoon, “At malaki ang [inyong] magiging pagpapala—oo, maging mas higit pa sa kung [inyong] matatamo ang mga kayamanan ng mundo” [Doktrina at mga Tipan 19:38 ].
Iniisip ng Diyos ang bawat isa sa atin at handang pakinggan ang ating mga panalangin. Kapag naaalala nating manalangin, nadarama natin ang Kanyang nagbibigay-lakas na pagmamahal, at kapag mas nananalangin tayo sa ating Ama sa Langit sa pangalan ni Cristo, lalo nating dinadala sa ating buhay ang Tagapagligtas at lalo nating natutukoy ang landas na nilagyan Niya ng mga tanda patungo sa ating tahanan sa langit. (José A. Teixeira, “Alalahanin ang Daan Pauwi ,” Liahona , Mayo 2021, 93)
Sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Hindi sapat ang pananalangin para sa katarungan, sa kapayapaan, sa mahihirap, at sa mga may sakit. Pagkatapos nating lumuhod sa panalangin, kailangan nating tumayo at gawin ang makakaya natin upang tumulong—tumulong sa ating sarili at sa ibang tao. (M. Russell Ballard, “Subalit Maging Handa Kayo sa Bawat Panahon, na Nananalangin,” Liahona , Nob. 2020, 78–79)
Sa mensaheng “Laging Manalangin ” itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tatlong alituntunin upang palakasin ang ating pakikipag-ugnayan sa Ama sa Langit.
2:3
Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong para matutuhan kung paano magdasal, maaari mo silang anyayahang basahin ang panalangin ng Panginoon sa Mateo 6:9–13 . Upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mahahalagang bahagi ng panalangin, sabihin sa kanila na pag-aralan ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Mga Aral mula sa mga Panalangin ng Panginoon ” (Liahona , Mayo 2009). Hikayatin silang pag-isipan kung paano nila maiaangkop ang mga bagay na ito sa sarili nilang mga panalangin.
2:3
Anyayahan ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante na basahin ang isa sa tatlong alituntunin ng mensahe ni Elder David A. Bednar na “Laging Manalangin .” Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang natutuhan nila at kung paano ito makatutulong sa kanila na laging manalangin.
Maaaring mag-isip ang mga estudyante ng mga paraan at dahilan kung bakit tinatangka ni Satanas na tuksuhin ang isang tinedyer na huwag manalangin. Pagkatapos ay maaari nilang saliksikin ang mga banal na kasulatan para sa mga katotohanan na maaaring makatulong sa isang tinedyer na madaig ang mga tuksong ito.