Seminary
Jacob 1–4: Buod


“Jacob 1–4: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2023)

“Jacob 1–4,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Jacob 1–4

Buod

Bago namatay si Nephi, ibinigay niya sa kanyang nakababatang kapatid na si Jacob ang responsibilidad na ingatan ang mga lamina at itala sa mga ito kung ano ang “pinakamahalaga” (Jacob 1:2). Ang mensahe ni Jacob ay nagtuon sa iba patungo kay Jesucristo, na tumulong sa kanila na maiwasan ang mga bunga ng kawalang-paniniwala at kasalanan. Alam niya sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Diyos na nahihirapan ang mga Nephita sa ilang kasalanan. Nangaral siya ng isang sermon kung saan tinalakay niya ang kasalanan ng kapalaluan at itinuro niya ang tungkol sa batas ng kalinisang-puri. Ang Kanyang mga turo ay makatutulong sa atin na madaig ang kasalanan sa sarili nating buhay at lumapit sa Tagapagligtas.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:8–9

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 32:8–9, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tukuyin ang isang pagkakataon sa kanilang buhay o sa buhay ng isang taong kilala nila kung saan ang taimtim na panalangin ay nakatulong sa kanila na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sagutin ang mga tanong gamit ang chat feature. Magbibigay-daan ito sa mga estudyante na ihanda ang kanilang mga sagot bago nila ito isumite, at maghihikayat din ito sa mga estudyante na hindi madalas sumagot na makapagbigay ng kanilang mungkahi.

Jacob 1

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na tumuklas ng mga paraan para matulungan ang iba na lumapit kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga pagkakataon na maaari silang makipag-usap sa iba tungkol kay Jesucristo. Hikayatin silang manalangin na magkaroon ng pagkakataon at lakas ng loob na kumilos sa sandaling iyon.

  • Mga Video:Magmahal, Magbahagi, at Mag-anyaya” (54:06; manood mula sa time code na 0:00 hanggang 1:35); “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas” (6:08)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room para talakayin ang mga paraan upang matulungan ang iba na lumapit kay Cristo sa iba’t ibang sitwasyon.

Jacob 2:1–21

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo sa pamamagitan ng paghiwatig at pagdaig sa kasalanan na kapalaluan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng mga halimbawa kung paano nila nakikita ang kapalaluan sa mundo ngayon.

  • Nilalamang ipapakita: Ang mga sitwasyon sa simula ng lesson, ang mga sipi mula kina Pangulong Ezra Taft Benson at Elder Dieter F. Uchtdorf, at ang pangwakas na paanyaya.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga breakout room upang pag-aralan ang Jacob 2:17–21 at talakayin ang mga nauugnay na tanong. Maaari kang magpadala ng mga mensahe sa lahat ng breakout room upang ipaalala sa kanila ang mga tanong.

Jacob 2:22–35

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malugod sa kalinisang-puri tulad ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na itanong sa kanilang mga magulang o lider ng Simbahan ang tungkol sa mga pagpapalang nagmumula sa pagsunod sa batas ng kalinisang-puri. Maaari mo ring kontakin ang mga magulang upang ipaalam sa kanila na pag-aaralan ng mga estudyante ang tungkol sa batas ng kalinisang-puri upang maipagpatuloy ng mga magulang ang talakayan sa tahanan kung gusto nila.

  • Nilalamang ipapakita: Graphic kung saan inihahambing ang mga pamantayan ng Panginoon sa mga pamantayan ng mundo

  • Mga Video:Tumayo nang Hindi Natitinag sa mga Banal na Lugar” (16:07; manood mula sa time code na 3:22 hanggang 4:50); “Nagturo si Jacob tungkol sa Kalinisang-puri” (4:53; manood mula sa time code na 0:20 hanggang 1:51)

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011) para sa bawat estudyante

Jacob 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtukoy, pagtatala, at pagninilay sa mga alituntunin at katotohanang itinuro ni Jacob.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang Jacob 4:7–14 at maghandang magbahagi ng isang alituntunin o katotohanan na sa palagay nila ay kailangan lalo na sa mundo ngayon.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Isang bagay maliban sa ballpen o lapis na magagamit ng mga estudyante upang gumuhit o sumulat ng isang talata sa isang piraso ng aluminum foil o papel

  • Nilalamang ipapakita: Ang mga bullet point sa katapusan ng lesson na tutulong sa mga estudyante na pag-isipan ang katotohanang natukoy nila

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong sabihin sa ilang estudyante na gamitin ang chat feature para ibahagi ang alituntunin o katotohanang nakita nila sa Jacob 4:7–14. Pagkatapos ay maaaring magbahagi ang iba pang mga estudyante ng mga tanong na pag-iisipan ng klase tungkol sa alituntunin o katotohanan.