Seminary
Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3—“Magpakabusog Kayo sa mga Salita ni Cristo; sapagkat Masdan, ang mga Salita ni Cristo ang Magsasabi sa Inyo ng Lahat ng Bagay na Dapat Ninyong Gawin”


“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3—‘Magpakabusog Kayo sa mga Salita ni Cristo; sapagkat Masdan, ang mga Salita ni Cristo ang Magsasabi sa Inyo ng Lahat ng Bagay na Dapat Ninyong Gawin,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Doctrinal Mastery: 2 Nephi 32:3

“Magpakabusog Kayo sa mga Salita ni Cristo; sapagkat Masdan, ang mga Salita ni Cristo ang Magsasabi sa Inyo ng Lahat ng Bagay na Dapat Ninyong Gawin”

mga banal na kasulatan at isang mansanas

Sa nakaraang lesson, “2 Nephi 32:1–7,” natutuhan mo ang kahalagahan ng pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala para sa 2 Nephi 32:3, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

Kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-aaral ng banal na kasulatan. Ang makabuluhan at personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay tutulong sa iyo upang mapalawak ang iyong pag-unawa sa ebanghelyo ng Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala, gayundin sa pagtuturo at pagpapatotoo nang may higit na kapangyarihan. Ang mga estudyante ay pagpapalain at mabibigyang-inspirasyon ng iyong personal na patotoo tungkol sa kung paano pinagpapala ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay.

Paghahanda ng estudyante: Maaaring nagkaroon na ng pagkakataon ang mga estudyante na magsanay na “magpakabusog … sa mga salita ni Cristo” sa katapusan ng nakaraang lesson. Sabihin sa kanila na patuloy na gawin ito sa kanilang personal na pag-aaral ng banal na kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang kanilang karanasan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang doctrinal mastery passage lesson na ito ay ginawa upang maituro pagkatapos ng lesson na “2 Nephi 32:1–7,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na 2 Nephi 32:3. Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Ipaliwanag at isaulo

Gamitin ang anumang epektibong paraan upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Nephi 32:3 at maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa scripture passage na ito.

Ang mga sumusunod na aktibidad ay mga mungkahi kung paano ito maisasakatuparan.

Ipagpalagay na hiniling sa iyong magbigay ng maikling pahayag sa debosyonal sa seminary tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Basahin ang 2 Nephi 32:3 at alalahanin ang alituntunin na kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Jesucristo, sasabihin sa atin ng mga ito ang lahat ng bagay na dapat nating gawin.

  • Paano mo magagamit ang natutuhan mo sa nakaraang lesson, at ang iyong personal na karanasan, upang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo”? (2 Nephi 32:3).

  • Anong kaibhan ang magagawa ng pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo sa buhay ng mga kabataan?

Maaaring magandang lugar ito upang anyayahan ang mga estudyante na isama ang sarili nilang mga karanasan habang ibinabahagi nila ang kanilang mga saloobin mula sa aktibidad sa paghahanda.

Maaari kang magbigay ng mga materyal upang matulungan ang mga estudyante na gawin ang sumusunod na aktibidad. Maaari silang anyayahang gawin ito sa kanilang study journal. Maaari mong iangkop ang aktibidad na ito upang mabigyang-daan ang mga estudyante na magdrowing ng isang larawan na mas nagpapakita ng kanilang kultura.

Upang matulungan kang maisaulo at maipamuhay ang scripture passage na ito, magdrowing ng table setting o pinggan at kutsara at tinidor na nakaayos na sa isang papel. Maaaring katulad ito ng larawan sa ibaba. Maaari ka ring magdrowing ng mga larawan ng pagkain o mga banal na kasulatan sa pinggan. Isulat ang pariralang “2 Nephi 32:3—Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo, sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin” sa isang bahagi ng iyong pahina. Basahin ang pariralang ito nang maraming beses hanggang sa maisaulo mo ito. Maaari mong i-post ang idinrowing mo sa isang lugar sa iyong tahanan o sa refrigerator kung saan mababasa mo ito tuwing kakain ka.

nakaayos na pinggan at kutsara at tinidor

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang mga idinrowing nila sa maliliit na grupo o sa klase.

Pagsasanay ng pagsasabuhay

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tigtatatlong estudyante, at pipili ang bawat estudyante ng ibang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman (tingnan sa Doctrinal Mastery Core Document [2022], “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” mga talata 5–12). Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan sandali ang alituntunin at pagkatapos ay ipaliwanag ito sa kanilang grupo.

Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na sitwasyon. O kung mas makakaugnay sa iyong mga estudyante, maaari mong sabihin sa kanila na maglista ng mga dahilan kung bakit maaaring mahirapan ang isang tao na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaaring anyayahan ang mga estudyante na pumili ng isang problema mula sa listahan at sikaping malutas ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paano mo maipaliliwanag nang maikli ang alituntuning pinili mo sa isang taong maaaring hindi pamilyar dito?

Ipagpalagay na pagkatapos ng isang lesson sa seminary tungkol sa kahalagahan ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, sinabi sa iyo ng kaibigan mo, “Alam ko na ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay isang mabuting gawain, pero sa lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon, wala akong oras, lalo na kung araw-araw.”

Maaaring epektibong tanungin ang mga estudyante kung nakakaugnay sila sa sitwasyong ito at bakit.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Ano ang gusto mong malaman ng iyong kaibigan tungkol kay Jesucristo o sa plano ng kaligtasan na makatutulong sa kanya na magsikap na magpakabusog sa Kanyang mga salita araw-araw?

  • Paano nakakaapekto sa atin ang palagiang pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo sa paglipas ng panahon, maging sa kawalang-hanggan?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Ipagpalagay na matapos talakayin ang isang walang-hanggang pananaw, sinabi ng kaibigan mo, “Salamat. Nakatulong iyon nang kaunti. Pero sa palagay ko ay mahihirapan pa rin akong maglaan ng oras araw-araw upang pag-aralan ang mga banal na kasulatan.”

  • Sa iyong palagay, paano matutulungan ng 2 Nephi 32:3 ang iyong kaibigan?

  • Anong mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga propeta ang maaaring makatulong sa iyong kaibigan?

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na maghanap ng mga banal na kasulatan at mga pahayag.

Maaaring kabilang sa ilang halimbawa ang Doktrina at mga Tipan 26:1 pati na rin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Huwag magpadala sa kasinungalingan ni Satanas na wala kayong oras na pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Magpasiyang gumugol ng oras na pag-aralan ito. Ang pagpapakabusog sa salita ng Diyos bawat araw ay mas mahalaga kaysa pagtulog, pag-aaral, pagtatrabaho, mga palabas sa telebisyon, video games, o social media. Maaari ninyong kailanganin na muling ayusin reorganize ang inyong mga prayoridad para makapaglaan ng oras sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Kung gayon, gawin ito! (Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” Liahona, Nob. 2014, 93)

  • Paano makatutulong ang mga turong ito?

Kumilos nang may pananampalataya

Bigyan ang mga estudyante ng oras na pag-isipan ang sumusunod na mungkahi at mga tanong. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase. Maaari mo ring ibahagi sa klase ang iyong personal na patotoo tungkol sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Ipagpalagay na maganda ang reaksyon ng kaibigan mo sa ibinahagi mo, ngunit alam mo na hindi niya talaga malulutas ang kanyang alalahanin hangga’t hindi siya kumikilos nang may pananampalataya, at nagtitiwala sa Panginoon.

Maglaan ng oras upang pag-isipan ang mga personal na karanasan mo sa mga salita ni Cristo at ang nalalaman mo tungkol sa Tagapagligtas na maaaring maghikayat sa iyong kaibigan na magpakabusog sa Kanyang mga salita araw-araw.

  • Anong mga karanasan o patotoo ang maibabahagi mo na maaaring makatulong sa iyong kaibigan na kumilos nang may pananampalataya?

  • Ano ang natutuhan mo na sa palagay mo ay makatutulong sa iyo na mas mapagbuti ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa darating na lesson, maglaan ng ilang minuto sa pag-aaral ng reperensya at mahalagang parirala para sa 2 Nephi 32:3. Ang isang paraan upang magawa ito ay ipakita ang sumusunod na scripture passage at mahalagang parirala nito nang hindi ayon sa pagkakasunud-sunod at sabihin sa mga estudyante na ayusin ito:

mga salita dapat ninyong 32: masdan, ni Cristo mga salita Magpakabusog kayo ng sa 2 ni Cristo; sa ang magsasabi inyo ng Nephi ang 3 sapagkat lahat na gawin. bagay

Ang isa pang opsiyon ay isulat ang bawat isa sa mga salitang ito sa isang maliit na piraso ng papel at magbigay ng isa o mahigit pa sa bawat estudyante. Sabihin sa mga estudyante na magtulungan sa pag-aayos nito sa tamang pagkakasunod-sunod.

Sagot: 2 Nephi 32:3 Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.