Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9: Pag-unawa at Pagpapaliwanag ng mga Katotohanan


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9: Pag-unawa at Pagpapaliwanag ng mga Katotohanan,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9

Pag-unawa at Pagpapaliwanag ng mga Katotohanan

isang kabataan na nagpapaliwanag ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa iba

Ang mga doctrinal mastery passage ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa iba.

Tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang talakayin sa iba ang mga paniniwala ng ebanghelyo. Ang pagpapaliwanag ng mga doktrina at alituntunin, pagbabahagi ng mga kaalaman at kaugnay na karanasan, at pagpapatotoo sa banal na katotohanan ay nagbibigay-linaw sa pag-unawa ng mga estudyante tungkol sa mga doktrina at alituntunin ng ebanghelyo at nagpapahusay sa kakayahan ng mga estudyante na ituro ang ebanghelyo sa iba. Magbigay ng maraming pagkakataon upang maipaliwanag ng mga estudyante ang natututuhan nila.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi ng isang pagkakataon na napagpala ang kanilang buhay sa pamamagitan ng isang tao na nagpaliwanag ng mga banal na kasulatan sa kanila o ng isang pagkakataon na napagpala nila ang buhay ng ibang tao sa pamamagitan ng paggamit o pagpapaliwanag ng mga banal na kasulatan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Pagpapaliwanag ng mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan

Ipakita ang sumusunod na tanong para sa mga estudyante at sabihin sa kanila na isulat sa pisara ang kanilang mga sagot.

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan ang kakayahan mong maunawaan at maipaliwanag ang mga banal na kasulatan ay makagagawa o nakagawa ng kaibhan sa buhay ng isang tao?

Ibinahagi ni Elder Arnulfo Valenzuela ng Pitumpu ang isang karanasan nang mapagpala niya ang iba sa pamamagitan ng malinaw na pagtuturo ng mga banal na kasulatan. Panoorin ang video na “Pagpapalalim ng Ating Pagbabalik-loob kay Jesucristo” mula sa time code na 6:34 hanggang 7:31, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, o basahin ang pahayag sa ibaba.

10:5

Habang nasa misyon noong ako ay mas bata pa, napansin ko na kapag nagturo kami gamit ang mga banal na kasulatan, nababago ang buhay ng maraming tao. Nalaman ko ang kapangyarihang taglay nito at kung paano nito babaguhin ang ating buhay. Ang bawat taong tinuruan namin tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ay mga natatanging indibiduwal na may iba’t ibang pangangailangan. Ang mga banal na kasulatan—oo, ang mga propesiyang isinulat ng mga banal na propeta—ay naghatid sa kanila ng pananampalataya sa Panginoon at ng pagsisisi at pagbabago sa kanilang puso.

Pinuspos sila ng kagalakan ng mga banal na kasulatan dahil nakatanggap sila ng inspirasyon, patnubay, kapanatagan, lakas, at mga sagot sa kanilang mga pangangailangan. Marami sa kanila ang nagpasiyang gumawa ng mga pagbabago sa kanilang buhay at nagsimulang sundin ang mga kautusan ng Diyos. (Arnulfo Valenzuela, “Pagpapalalim ng Ating Pagbabalik-loob kay Jesucristo,” Liahona, Nob. 2021, 60)

  • Sa inyong palagay, bakit napakalaki ng epekto ng mga banal na kasulatan sa mga taong tinuruan ni Elder Valenzuela?

    Maaaring mangailangan ng oras ang mga estudyante upang pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Maaaring makatulong na itanong ang mga ito at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang kanilang mga sagot habang ibinabahagi mo ang sarili mong sagot.

  • Kailan napagpala ang buhay ninyo sa pamamagitan ng isang taong nagpaliwanag ng mga banal na kasulatan sa inyo?

  • Kailan ninyo napagpala ang iba sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga banal na kasulatan sa kanila?

Pag-isipan kung paano ninyo mas mapapaunlad ang inyong mga kakayahang maunawaan at maipaliwanag ang mga banal na kasulatan. Isipin kung paano makatutulong sa inyo ang paggawa nito upang maging higit na katulad ng Tagapagligtas, na madalas gumamit ng mga banal na kasulatan upang turuan ang iba (tingnan sa Lucas 24:27; Juan 10:34–36).

Doctrinal mastery ng Aklat ni Mormon

Ang unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon ay nakalista sa ibaba. Maaari mong markahan ang mga passage na ito at ang mahalagang parirala ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.

Ipakita ang sumusunod na chart upang matingnan ito ng mga estudyante sa buong lesson.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Isipin kung paano makatutulong sa inyo ang paggamit ng sumusunod na huwaran upang mas maunawaan at maipaliwanag ang mga katotohanan mula sa mga banal na kasulatan.

Ipakita o ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na huwaran na may tatlong hakbang.

  • Hakbang 1: Unawain ang konteksto ng banal na kasulatan at alamin kung paano ito ipaliliwanag sa sarili mong mga salita. Maaaring kabilang sa konteksto kung saan nagaganap ang mga pangyayari at kung sino ang nakikipag-usap kanino at kung bakit. Ang pagbabasa ng heading ng kabanata at ilang kaugnay na talata ay makatutulong sa pagsisikap na ito.

  • Hakbang 2: Unawain ang mga katotohanang makikita sa banal na kasulatan upang maipaliwanag ang mga ito. Upang matulungan ka, maaari mong itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod: Ano ang mga pangunahing mensahe na ninanais ibahagi ng may-akda? Ano ang itinuturo ng passage tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Paano ko maihahayag ang mga katotohanan sa simpleng paraan? Ano ang ilang sitwasyon kung saan maaaring makinabang ang isang tao sa pag-unawa sa mensaheng ito?

  • Hakbang 3: Isipin kung paano makatutulong ang mga katotohanang natuklasan mo sa taong pinaliliwanagan mo ng mga ito. Isipin ang mga kalagayan nila sa buhay at ang mga problemang kinakaharap nila. Ikonekta ang mga katotohanan sa mga kalagayan at problemang ito.

Magsanay

Pumili ng isa o dalawang doctrinal mastery passage mula sa chart sa itaas na gusto mong mas maunawaan pa o sa palagay mo ay magiging pagpapala sa iyo o sa isang taong kilala mo. Gamitin ang huwarang natutuhan mo ngayon upang isulat kung paano mo ipaliliwanag ang mga ito sa ibang tao.

Matapos ang sapat na oras para mag-aral at maghanda, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isadula ang pagpapaliwanag ng mga katotohanan sa banal na kasulatan sa isa’t isa.

Kapag tapos ka na, sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano napalalim ng paggamit sa huwarang ito ang iyong pag-unawa? Paano ito nakatulong sa iyo nang maghanda ka at maipaliwanag mo ang scripture passage sa iba?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanang naunawaan at ipinaliwanag mo sa sarili mong kalagayan?

  • Paano makatutulong sa iyo na maging higit na katulad ng Tagapagligtas ang mas palagiang paggamit sa huwarang ito upang maunawaan at maipaliwanag ang mga banal na kasulatan?