Seminary
Mosias 29–Alma 4: Buod


“Mosias 29–Alma 4: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 29–Alma 4,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Mosias 29Alma 4

Buod

Sa kalipunan ng mga Nephita, isang lalaking nagngangalang Nehor ang nagturo ng maling doktrina na naging dahilan para hindi tanggapin ng mga tao sa kanyang panahon, at ng iba pa sa darating na mga taon, ang kanilang Tagapagligtas. Dahil sa kanyang impluwensya, ang ilang tao ay “nagsimulang usigin ang mga yaong nabibilang sa simbahan ng Diyos” (Alma 1:19). Kalaunan, isang lalaking nagngangalang Amlici ang namuno sa paghihimagsik laban sa mga Nephita na naging dahilan ng pagkamatay ng marami sa digmaan. Sa paglipas ng panahon, ang kapalaluan at pagtatalo na ipinakita ng ilang miyembro ng Simbahan ng Tagapagligtas ay naging dahilan ng mabagal na pag-unlad ng Simbahan. Dahil dito, nabigyang-inspirasyon si Alma na magbitiw bilang punong hukom upang ilaan ang kanyang sarili sa pangangaral ng salita ng Diyos.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 1:1–18

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy at tanggihan ang mga maling turo na maaaring magtulak sa kanila na tumalikod kay Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang bahaging “Maaari kong matukoy at tanggihan ang mga maling turo” sa outline na “ Hunyo 3–9. Mosias 29–Alma 4: ‘Sila ay Naging Matatag at Hindi Natitinag ’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024.

  • Video: “Pagsisisi: Isang Pagpiling Puno ng Kagalakan” (15:45; panoorin mula sa time code na 9:17 hanggang 10:10)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag nakakita na ang mga estudyante ng mga banal na kasulatan na nagtutuwid sa mga maling turo ni Nehor, maaari nilang ibahagi ang kanilang mga sagot gamit ang chat feature.

Alma 1:19–33

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makasagot nang tapat at makadama ng kapayapaan kahit na nahaharap sila sa pang-uusig dahil sa pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon sa kanilang buhay na sinubok ang kanilang mga paniniwala at kung paano sila tumugon.

  • Video:Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo” (14:45; panoorin mula sa time code na 0:25 hanggang 2:05)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na gamitin ang chat feature upang mailista ang mga ginawa ng mga Nephita. Magbibigay ito sa mga estudyante ng listahan na maaari nilang gamiting sanggunian, na magbibigay-daan para maidagdag nila sa sarili nilang listahan ang mga ginawa na nakita ng kanilang mga kaklase.

Alma 2–3

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga ibubunga ng kung sino ang pipiliin nilang sundin sa buhay na ito.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin o pakinggan ang Alma 2–3 bago pumasok sa klase. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano ang matututuhan nila mula sa salaysay sa mga kabanatang ito.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart na may pamagat na “Ang kabayaran mula sa kanya na pinili niyang sundin,” na ipinakita o nakopya sa pisara upang mapunan ng mga estudyante

  • Mga Item: Mga piraso ng papel na kumakatawan sa pera; dalawang bag o kahon

Alma 4

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gamitin ang salita ng Diyos upang madaig ang kapalaluan at pagtatalo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng isang talata o pahayag mula sa isang lider ng Simbahan tungkol sa pagpapakumbaba.

  • Object lesson: “Batong katitisuran” na nakasulat sa isang papel na nakadikit sa sahig sa pasukan papunta sa silid-aralan

  • Video:Ipinangaral ni Alma ang Salita ng Diyos” (10:33; panoorin mula sa time code na 0:36 hanggang 1:59)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Magdispley ng isang chart sa buong lesson, kung saan ang isang bahagi ay nagpapakita ng mga problemang naranasan ni Alma at ng kanyang mga tao at ang kabilang bahagi ay nagpapakita ng mga solusyon. Sabihin sa mga estudyante na magdagdag sa chart na ito sa buong lesson at kopyahin ito sa kanilang study journal.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makapagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataon na magsanay na maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila ngayong taon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa unang 12 doctrinal mastery reference na makabuluhan sa kanila. Hikayatin ang mga estudyante na dumating sa klase na handang magbahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang pinili nilang doctrinal mastery reference.

  • Nilalamang ipapakita: Ang chart na naglalaman ng unang 12 doctrinal mastery passage

  • Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat feature upang mag-post ng iba’t ibang hamon o problemang umiiral sa mundo. Pagkatapos ay maaari silang mag-post ng mga doctrinal mastery passage na makatutulong sa mga tao na harapin ang mga hamon o problemang iyon.