Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10: Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

kabataang nag-aaral sa computer

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataon na magsanay na maipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo ngayong taon sa iyong sariling buhay.

Tulungan ang mga mag-aaral na maiugnay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa araw-araw na pamumuhay. Sa halip na sabihin sa mga estudyante kung paano ipamuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo, tulungan ang mga estudyante na matutuhan nang mag-isa kung paano ipamumuhay ang ebanghelyo sa kanilang personal na kalagayan. Anyayahan ang mga mag-aaral na magtanong sa Diyos at pakinggan ang mga pahiwatig mula sa Espiritu upang malaman kung paano nila maipamumuhay ang ebanghelyo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa unang 12 doctrinal mastery passage na makabuluhan para sa kanila. Hikayatin ang mga estudyante na dumating na handang ibahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang pinili nilang passage.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Pakitaan o bigyan ang mga estudyante ng mga kopya ng sumusunod na chart.

Gamit ang sumusunod na chart, rebyuhin ang unang 12 doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala mula sa Aklat ni Mormon. Pagkatapos, pumili ng isa na makabuluhan sa iyo at basahin ang buong scripture passage.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na lumibot sa silid at ibahagi ang passage na pinili nila sa dalawa o tatlo pang ibang kaklase. Maaari mo ring ibahagi sa mga estudyante ang isang doctrinal mastery passage na personal na makabuluhan sa iyo.

Pag-uugnay ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa iyong buhay at kalagayan

Habang pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, ang isang paraan para maiakma at maipamuhay ang natututuhan mo ay subukang gumawa ng mga ugnayan sa sarili mong buhay at kalagayan. Halimbawa, maaaring nahihirapan ka sa isang partikular na tanong o hamon. Ang paghahanap ng mga sagot habang binabasa mo ang mga banal na kasulatan ay isang epektibong paraan para mas maiugnay ang iyong pag-aaral.

Aktibidad A

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ilista sa pisara ang iba’t ibang hamon sa mundo. Pagpartnerin-partnerin ang mga estudyante at italaga sa bawat magkapartner ang isa sa mga hamon. Maaaring gumawa ng sitwasyon ang mga estudyante at pagkatapos ay magsadula sa isa’t isa. Maaaring ilarawan ng isang estudyante ang hamon, at maaaring pumili ang isa pa ng doctrinal mastery passage mula sa chart at subukang lutasin ang hamon gamit ang mga katotohanan mula sa passage na iyon. Pagkatapos ay maaaring magpalitan ang mga estudyante ng mga papel na ginagampanan, o maaari mo silang anyayahang isadula ang kanilang sitwasyon sa harap ng klase.

Ang isa pang opsiyon ay magtalaga sa mga estudyante ng doctrinal mastery passage at pagkatapos ay gumawa ng mga sitwasyon batay sa mga hamon na maaaring tugunan ng doctrinal mastery passage.

  • Mayroon bang anumang doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay tutugon sa problema? Paano maiiba ang mundo kung ipinamumuhay ng karamihan ng mga tao ang mga katotohanan mula sa napili mong doctrinal mastery passage? Tumukoy ng isa o dalawang partikular na halimbawa.

  • Gamit ang doktrina mula sa napili mong doctrinal mastery passage, ano ang maaari mong sabihin sa isang taong nahaharap sa hamong ito?

Aktibidad B

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na tahimik na kumpletuhin ang aktibidad na ito nang mag-isa. Kung hindi masyadong personal, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya at impresyon tungkol sa pinili nilang doctrinal mastery passage at kung paano ito makatutulong sa kanila na maging higit na katulad ni Jesucristo.

Isipin ang iyong kasalukuyang sitwasyon, kabilang na ang anumang personal na tanong, hamon, o pag-uugali na maaari mong ihingi ng tulong. Rebyuhin ang listahan ng mga doctrinal mastery passage, at maghanap ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo sa mga tanong, hamon, o pag-uugaling ito. Pumili ng kahit isang doctrinal mastery passage na maaaring makatulong sa iyo sa isang bagay na kinakaharap mo ngayon.

  • Paano magiging pagpapala sa iyong buhay at kalagayan ang pagsasabuhay ng doktrina mula sa napili mong doctrinal mastery passage?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagsasagawa ng mga katotohanan mula sa passage na iyon para mas mapalapit ka kay Jesucristo at maging higit na katulad Niya?

  • Ano ang isa o dalawang maliliit na hakbang na magagawa mo para simulang ipamuhay ang mga katotohanang ito?