“Alma 5–7: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Alma 5–7,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Alma 5–7
Buod
Itinanong ni Alma sa mga miyembro ng Simbahan sa Zarahemla ang sunud-sunod na mga tanong na naghikayat sa kanila na pagnilayan ang pinagtutuunan ng kanilang puso at ang kanilang katayuan sa harapan ng Diyos. Inanyayahan niya sila na lumapit kay Cristo gamit ang magiliw na matalinghagang paglalarawan tulad ng “Ang [Kanyang] mga bisig ng awa ay nakaunat” (Alma 5:33), “magsisi, at akin kayong tatanggapin.” (Alma 5:33), at “ang mabuting pastol ay tumatawag sa inyo” (Alma 5:38). Itinuro niya na kusang-loob na pinagdusahan ng Tagapagligtas ang lahat ng bagay para sa atin “upang malaman niya nang ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:12). Itinuro rin niya kung paano magpatuloy sa “landas na patungo sa kaharian ng Diyos” (Alma 7:19).
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Alma 5:1–32
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na masuri ang kanilang espirituwal na pag-unlad at mapalakas ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabilisan ang Alma 5 at markahan ang lahat ng tandang pananong sa kabanata. Maaari ding itanong ng mga estudyante sa kanilang sarili ang ilan sa mga itinanong ni Alma sa kanyang mga tao sa kabanatang ito.
-
Video: “Makabalik at Makatanggap” (16:10; panoorin mula sa time code na 8:14 hanggang 8:58)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Ang isang pangunahing layunin ng lesson na ito ay bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na basahin at pag-isipan ang ilang tanong tungkol sa Alma 5. Ang isang paraan para magawa ito ay bigyan ang mga estudyante ng oras sa klase na i-turn off ang kanilang mga mikropono at camera, pag-aralan, pag-isipan, at isulat ang kanilang mga sagot sa mga tanong sa kanilang study journal. Makatutulong na ipaalam sa kanila kapag may natitira pa silang dalawang minuto sa oras na ito at kapag 30 segundo na lang ang natitira.
Alma 5:33–62
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante sa kanilang pagsisikap na lumapit kay Jesucristo at matanggap ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Alma 5:33–34 at pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga talatang ito.
-
Mga Larawan: Ilang larawan na magiging interesado ang mga estudyante na tingnan; ilang larawan ni Jesucristo na nakaunat ang Kanyang mga bisig
-
Video: “Mga Pusong Magkakasama” (15:10; panoorin mula sa time code na 13:56 hanggang 14:51)
Alma 7:1–13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magtiwala at makadama ng higit na pagmamahal sa kanilang Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Alma 7:11–13 at alamin sa mga talatang ito ang pinagdusahan ni Jesucristo sa Kanyang Pagbabayad-sala at kung bakit Niya pinagdusahan ang mga bagay na ito.
-
Nilalamang ipapakita: Ang chart tungkol sa pagdurusa ng Tagapagligtas, na ipinakita o kinopya sa pisara para makopya ito ng mga estudyante sa kanilang journal
-
Video: “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (15:54; panoorin mula sa time code na 3:13 hanggang 4:01)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari kang gumamit ng digital whiteboard o shared document para mapunan nang sama-sama ng mga estudyante ang chart.
Doctrinal Mastery: Alma 7:11–13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Alma 7:11–13, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging pag-isipan kung ano ang magagawa nila para matanggap ang tulong at lakas na ibinibigay ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, maaari mo silang anyayahang i-type sa chat ang lahat ng naaalala nila sa scripture reference at parirala. Pagkatapos ay rebyuhin ang scripture reference at parirala nang ilang beses, at sabihin sa mga estudyante na i-type muli ang reference at parirala sa chat para makita kung gaano pa nila ito naaalala. Ipagpatuloy ito hanggang sa mabigkas nang tama ng karamihan sa mga estudyante ang reference at parirala nang walang kopya.
Alma 7:14–27
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo sa pagtahak nila sa landas na pabalik sa Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga katangiang tulad ng kay Cristo na gusto nilang mas lubos na mapagbuti at pumasok sa klase na handang ibahagi ang dahilan.
-
Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin para sa aktibidad na mga katangiang tulad ng kay Cristo sa katapusan ng lesson
-
Mga Larawan: Isang landas; isang representasyon ng landas na patungo sa kaharian ng Diyos; iba’t ibang larawan ni Jesucristo
-
Video: “Araw-araw na Pagbabalik-loob” (13:43; panoorin mula 1:40 hanggang 3:25)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard feature sa iyong videoconferencing software. Ilagay rito ang larawan ng landas, at sabihin sa mga estudyante na magsulat ng mga kilos, katangian, at pag-uugali sa paligid ng larawan sa oras ng lesson, ayon sa tagubilin.