Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11: Isaulo at Unawain


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11: Isaulo at Unawain,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11

Isaulo at Unawain

estudyanteng nagtataas ng kamay para magtanong

Ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery passage at pag-unawa sa doktrinang itinuturo nito ay makapag-aanyaya sa Espiritu Santo sa iyong buhay at makatutulong sa iyo na maging higit na katulad ni Jesucristo. Layunin ng lesson na ito na tulungan ka na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon at maghangad na makaunawa pa sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot ng mga inspiradong tanong.

Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Hikayatin ang mga estudyante na magtanong sa klase at sa kanilang personal na pag-aaral. Ang matutong magtanong at maghanap ng mga sagot mula sa mga banal na kasulatan ay magpapaganda sa karanasan ng estudyante sa pag-aaral. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang mga banal na kasulatan ay angkop sa mga tanong at hamon na kinakaharap nila sa kasalukuyan, malaki man o maliit.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa mula sa unang 12 doctrinal mastery passage na gusto pa nilang lalong matutuhan. Hikayatin silang dumating sa klase na handang ibahagi ang passage na pinili nila at kahit isang tanong na sa palagay nila ay makatutulong sa kanila na lalo pang matutuhan ang tungkol sa passage na iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing magturo ng doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson kapag may klase sa seminary.

Isaulo ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

handout icon Maaari mong idispley o bigyan ang mga estudyante ng sumusunod na handout at anyayahan sila na rebyuhin ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkaraan ng ilang minuto, tingnan kung gaano kahusay na naisaulo ng mga estudyante ang mga reference sa pamamagitan ng pagbabasa ng mahalagang parirala ng banal na kasulatan at pagpapahanap sa kanila ng doctrinal mastery passage sa kanilang mga banal na kasulatan. Ulitin ang prosesong ito sa iba’t ibang scripture reference. Pagkatapos ay maaari mong basahin nang malakas ang isa sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, nang humihinto paminsan-minsan upang maisulat ng mga estudyante sa kanilang journal ang susunod na salita o mga salita. Ulitin ang prosesong ito nang ilang beses gamit ang iba’t ibang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Sabihin sa mga estudyante na isulat kung aling mga doctrinal mastery passage ang gusto nilang rebyuhin pa.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Pagbibigay ng mga inspiradong tanong

Ang mga inspiradong tanong ay mahalagang bahagi ng proseso ng pagkatuto. Sa Kanyang mortal na ministeryo, madalas magtanong ang Tagapagligtas na nag-aanyaya sa mga mag-aaral na mag-isip, makadama, at kumilos ayon sa mga katotohanang itinuro Niya (tingnan sa Mateo 16:13–16; Juan 6:66–69). Siguro napansin mo ang isang magulang, titser, o lider ng Simbahan na nagtanong ng mga bagay na nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang ebanghelyo o maiugnay ang natututuhan mo sa sarili mong buhay. Ang pagtatanong at pagsagot ng mga inspiradong tanong ay magagawang mas nakahihikayat at makabuluhang karanasan para sa iyo ang proseso ng pagkatuto.

Maaari mong ilista sa pisara ang sumusunod na tatlong kategorya ng mga tanong. Upang maihanda ang mga estudyante para sa aktibidad, pumili ng isa sa unang 12 doctrinal mastery passage at gumawa ng tanong mula sa passage na iyon para sa bawat kategorya. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na magmungkahi ng mga tanong para sa bawat kategorya. May ibinigay na mga halimbawang tanong gamit ang 2 Nephi 32:8–9.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng mga tanong na magagamit kapag pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan. Ang mga halimbawang tanong ay nauugnay sa mga katotohanang itinuro sa 2 Nephi 32:8–9.

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang konteksto ng mga banal na kasulatan

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang nilalaman o kahulugan ng mga banal na kasulatan

Ang mga tanong na ito ay makatutulong sa atin na matukoy ang doktrina at mga alituntunin.

  • Ano ang nais ng may-akda na matutuhan natin?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “laging manalangin, at huwag manghina”? (2 Nephi 32:9).

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang doktrina at mga alituntunin sa mga banal na kasulatan

  • Sa iyong palagay, paano nakakaimpluwensya sa ating kaugnayan sa Ama sa Langit ang laging pagdarasal?

  • Ano ang makatutulong sa atin para maalala natin na laging manalangin, kahit hindi natin nais na manalangin?

Matapos ipakita ang ilang halimbawa sa mga estudyante, maaari mo silang pagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo para sa sumusunod na aktibidad:

Sa kanilang mga grupo, sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa unang 12 doctrinal mastery passage at sama-samang basahin ang buong passage. Pagkatapos ay maaari silang gumawa ng kahit isang tanong mula sa bawat isa sa tatlong kategorya sa pisara. Kapag natapos na ng mga estudyante ang paggawa ng kanilang tatlong tanong, sabihin sa kanila na sumama sa isa pang magkapartner o grupo. Sabihin sa unang magkapartner o grupo na ibahagi ang pinili nilang passage at mga tanong, at anyayahan ang pangalawang magkapartner o grupo na sagutin ang bawat tanong. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na magpalitan ng gagawin.

Kung may oras pa, ulitin ang aktibidad at papiliin ang bawat grupo ng ibang scripture passage.

Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang kasanayan sa pagtatanong sa kanilang personal na pag-aaral at sa klase.