Seminary
Alma 13–16: Buod


“Alma 13–16: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Alma 13–16,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Alma 13–16

Buod

Ipinaliwanag ni Alma na nag-orden ang Panginoon ng matataas na saserdote o mga high priest upang ituro ang mga kautusan at magsagawa ng mga ordenansa upang makapasok ang mga tao sa kapahingahan ng Panginoon. Nang ituro niya at ni Amulek ang ebanghelyo ni Jesucristo sa lunsod ng Ammonihas, pinahirapan ng masasamang tao ang mga mananampalataya at pinatay sila sa pamamagitan ng pagtapon sa kanila sa apoy. Pagkatapos ay ibinilanggo at labis na inusig sina Alma at Amulek. Matapos mahimalang mapalaya mula sa bilangguan, nagtungo sila sa Sidom, kung saan nila natagpuan si Zisrom na inaapoy ng lagnat dahil sa nagawa niyang kasalanan. Pinagaling at bininyagan ni Alma si Zisrom.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Alma 13

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pumasok sa kapahingahan ng Panginoon at kung paano nila ito magagawa.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano sila napagpala sa pamamagitan ng isang lider ng Simbahan o ng pakikibahagi sa ordenansa ng ebanghelyo.

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupo para pag-aralan ang isa sa dalawang pahayag ng doktrina at alituntunin sa lesson at maghandang ibahagi sa klase ang matutuklasan nila. Maaaring ilagay ang mga estudyante sa mga breakout room para sama-samang mag-aral, o maaari silang mag-aral nang mag-isa.

Alma 14

Layunin ng lesson: Ang layunin ng lesson na ito ay tulungan ang mga estudyante na magtiwala sa Panginoon kapag nahaharap sila sa hirap, pagdurusa, at kawalang-katarungan.

Alma 15

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matamo ang nagpapagaling na kapangyarihan na makukuha sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang ideya para sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya sa ilalim ng Alma 15:1–12 sa outline sa pag-aaral ng “Hunyo 24–30. Alma 13–16: ‘Pumasok sa Kapahingahan ng Panginoon’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Aklat ni Mormon 2024.

  • Video:Si Zisrom ay Gumaling at Nagpabinyag” (2:42)

  • Handout: “Espirituwal na Sakit

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para madispley ang handout na “Espirituwal na Sakit” upang maisulat ng mga estudyante ang kanilang mga natuklasan at sagot dito.

I-assess ang Iyong Pagkatuto 5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo hanggang sa puntong ito ng iyong pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaaring anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng banal na kasulatan sa Mosias 18Alma 16 tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na makabuluhan sa kanila.

  • Nilalamang ipapakita: Isang larawan ng isang bundok o isang taong nagha-hiking sa bundok; isang larawan ng isang tao sa gitna ng isang landas, na idinrowing sa pisara bago magklase

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para maibahagi ng mga estudyante ang natutuhan o nadama nila sa kanilang pag-aaral ng unang kalahati ng Aklat ni Mormon. Kung magpapasiya kang gamitin ang pagsasanay na makatutulong sa mga estudyante na maipaliwanag ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari mong ilagay ang mga estudyante sa maliliit na breakout room.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na marebyu at magsanay na makaunawa at maipamuhay ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nila.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pumili ng dalawa sa mga doctrinal mastery passage sa pagitan ng 1 Nephi at Mosias at pagnilayan kung ano ang magagawa nila para maunawaan at maipamuhay ang mga ito.

  • Handout:Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

  • Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Sa simula ng lesson, habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang payo kung paano mauunawaan ang mga banal na kasulatan, magtipon ng listahan ng mga payo na ito kung saan makikita ang mga ito ng mga estudyante. Magagawa ito gamit ang whiteboard o chat feature. Magdagdag ng anumang ideya na sa palagay mo ay makatutulong. Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagtingin sa mga ideyang ito habang pinagsisikapan nilang maunawaan ang mga doctrinal mastery passage na pinili nila.